Chapter 20

420 8 5
                                    

Sofie’s POV

“Pasok muna kayo” Andito kami sa tapat ng bahay namin. Grabe lang, ginabi na kami.

“Hindi na, sobrang pagod na kami eh”-Ken, nakalawit yung ulo nya sa may bintana ng kotse ni Josh.

“Oo nga, kakahanap sa inyo.”-May.

“Wow, nahiya naman kami sa inyo, eh kayo nga tong nang-iwan eh”

“Eh kala kasi namin susunod na kayo, di ba sinabi na namin kung nasaan kami?Eh bat nga pala hindi kayo nakasunod?”Bigla silang tumingin samen.

“Ka-kami?” Tumingin ako kay Artemyo, siya naman nakatingin lang saken.

“Hindi hindi, yung mga classmate natin, bat hindi sila sumama satin?Siyempre Callie kayo”-May. Loko to ha. Sasabihin ko ba na nagkita kami ni James at ng soon to be wife niya?Sasabihin ko ba na naloko ulit ako?

“Kasi sumakit paa niya kaya bumalik na lang kami sa kotse”Napatingin ako kay Artemyo.AGAIN, he saved me.

“Ganun ba?My Callie, ok ka na ba?”-Josh.

“Ha?Ahm oo, ok na ko. Pagod lang.” Nagpaalam na kami sa kanila.

“Ahm. Salamat Artemyo ha” Nakatayo siya sa may harap ko pero nakatagilid siya,

“For what?”

“Sa ginawa mo, sa hindi pagsabi sa kanila ng totoo” Nakayuko lang ako. Ewan ko ba pero nahihiya ako sa kaniya.

“Tsss. Wala pa akong nagagawa para sayo” Napatingin naman ako sa kaniya, siya naman sa langit nakatingin.

“Anong wala. Dami mo na kayang nagawa saken. Nung una, sa monster sa bar, tapos niligtas mo din ako nung patawid tayo.Tapos yung ngayon naman, yung kay J-james”

“Care to have a walk?”

Naglalakad na kami ngayon papaunta sa park, parang nawala yung pagod ko. Medyo madilim na din naman pero may mga ilaw naman dito tsaka may mga tao pa. Kasama ko naman si Artemyo kaya safe ako. Alam ko yun ^_^

“Bat ba tayo pumunta dito?” Umupo ako sa may swing, siya naman seryosong nakasandal sa puno tapos nakalagay yung 2 niyang kamay sa bulsa ng pants niya.

“Wala lang.”

“Iba din trip mo eh noh?Hindi ka ba napagod?” Nagsiswing ako mag-isa. Emo na naman?Hahaha.

“Medyo. Ang bigat kasi ng ulo mo.Saken ka pa umunan”

“UUUUUUUUIII. Mabigat daw ulo ko, edi ibig sabihin may laman yung utak ko?Sabi mo kanina wala eh! Hahahahaha. “

“Mabigat kasi bungo mo, asa kang may utak ka. “Tinignan ko siya ng masama. Kahit kelan talaga!

“Muka mo. Kelan ka kaya magbabago Artemyo?”

“Bat ako magbabago?Para saan?” Sinandal niya din yung isa niyang paa sa may puno. Bale isang paa lang yung nakatapak sa lupa.

“Panu, ang sama mo. Super prangka ka, na hindi mo alam na nakakasakit ka na ng iba.”

“Iba o ikaw lang?” Tumingin ako sa kaniya.

“So sa iba mabait ka?Kung sa bagay, nginitian mo nga yung payatot na Trinang yun kahit hindi mo kilala eh,hmp”

“Hahaha” O_______________O !! Totoo ba tong nakikita ko?Si Artemyo tumatawa?Si Artemyo kita yung mapuputi niyang ngipin?Si Artemyo pala may DIMPLES! Take note: DIMPLES! Tapos nawawala yung mata niya. San napunta?Hahaha. Ok, I admit, ang cute niya. HINDI! Ang POGI NIYA!!

My Valentine TragedyWhere stories live. Discover now