Chapter 31

331 7 12
                                    

Time check: 11:13 pm. Hahaha, grabehan lang! Anong petsa kaya ako matatapos neto?? T^T . eto na po ang UD.

*************************************************************************************

Sofie’s POV

“Asan na ba siya?!” kanina pa ako nakaupo dito sa may loob ng mall. tsk! Anong petsa pa ba yun darating??

Bzzzzzt bzzzzt

Gaya ng inaasahan ko siya nga ang nagtext.

From: bantay <3

AMO! Wait mo lang ako ha? malapit na ako diyan! I love you amo! :*

“Hintayin?!! Kanina pa nga ako naghihintay!!” nakakainis!! Halos dalawang oras na akong naghihintay!!

O________________________O

Waaaaaaaaaaaah!!! Oo nga pala!! Nasa mall ako! Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang mga tingin ng tao sa akin. HINDI AKO BALIW!!

“Tsk!” naupo na lang ulit ako. Hinga Sofie, baka mamatay ka ng maaga!!

Grabe!! 2 buwan na ang lumipas hindi pa din siya nagbabago?!!

Laging late!!

“Sweetheaaaaaaaaaaaaaart!!” at bago pa siya tuluyang makalapit sa kaniya eh tumayo ako at hinarang sa mukha niya ang kamay ko.

“Sweetheart mo mukha mo!! anong petsa na?! Bat ngayon ka lang dumating ha? hindi mo ba alam na kanina pa nag-iinit yung pwet ko kakahintay sayo! Hindi mo ba alam ang salitang ON TIME?!! Grabe ka!! Lagi mo na lang ako pinaghihintay tuwing may lakad tayo! Tapos ngayo—“

“Sorry na amo. Sorry talaga”

Galit ka Sofie!! Galit ka dapat sa kaniya!! huwag kang mamula diyan!!

“Diyan. Diyan ka magaling. Tyansing” niyakap niya lang naman ako sa HARAP ng maraming tao. Oh ano kayo?! Inggit?? Inggit?? Bwahaha!!

“Sorry talaga. Eh kasi may baliw dun kanina sa coffee shop.” Inabot niya sa akin yung isang kape at nagsimula na kaming maglakad.

“Baliw? Ang oa mo ha?” grabe talaga tong taong to. Bilis mag conclude eh?

“Baliw nga siya. Paano kasi sumisingit siya sa pila sa counter, kesyo nagmamadali daw siya”-Allen

“Eh baka nga nagmamadali siya. buti hindi mo sinapak? Hahaha!!”

“Muntik na nga eh, kung hindi lang siya babae. Pasalamat siya may respeto ako sa mga babae” humarang ako sa harapan niya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad.

“Respeto?  Eh kung makapagsabi ka diyan na baliw siya wagas eh! Tapos may respeto?” seryoso yung mukha niya. ganun ba siya nainis ng babaeng yun? Malamang Sofie, nasabihan ng baliw eh >.<

“Ba! Eh baliw naman talaga siya eh. Tapos ang yabang pa! Ang siga! Tomboy ata yun eh. Tsaka hindi ba siya marunong pumila? Mabilis lang naman yung service dun kaya wala pang 10 minutes eh maaasikaso na siya”

“Oh puso mo bantay! Taas ng presyon? Hahaha!! Hayaan mo na, hindi mo na naman siya makikita” niyakap niya ako gamit yung right arm niya. bakit ba ang hilig niyang mang-akap?! At sa harap pa ng maraming tao

“Naaasar lang ako. Dahil sa kabaliwan niya eh naghintay ka ng matagal sa akin. Paano pag biglang may lumapit sayong lalaki? Baka nakasapak ako ng wala sa oras.” Ewan ko ba pero natutuwa ako sa sinabi niya.

“Takot lang nila sa bantay ko. tara na?” humiwalay ako sa yakap tapos hinawakan niya kamay ko.

2 months na ang lumipas ng maging kami ni ALLEN.

My Valentine TragedyWhere stories live. Discover now