Chapter 34

365 8 12
                                    

Sofie’s POV

Ikaw naman talaga. Pero hindi na pwede”

“Kuya Arnold??” tumingin ako sa kaniya habang siya naman ay nakatingin lang kay Artemyo.

“He loves you Callie” saka siya tumingin sa akin.

“Pe-pero .. papano mo nasabi? Ikaw talaga kuya” sinubukan kong tumawa pero ako lang ang nagmukhang baliw.

“Coz I’m his brother. That simple, at sa nakikita ko mahal ka niya. ikaw ang tinutukoy niyang pumalit kay Jasmine sa puso niya.”-Kuya Arnold.

“Pero may boyfriend na ako kuya.” Masakit mang isipin.

“That’s why hindi na pwede, sinabi sa akin ni Art na si Allen daw ang boyfriend mo. Ang pumatay kay Jasmine” lumapit siya sa akin saka ako hinawakan sa balikat.

“I don’t know Kuya pero .. Hindi ko alam kung maniniwala ako kasi siya mismo ang nagsabi na sagutin ko si Allen” huminga siya ng malalim bago nagsalita.

“Why don’t you ask him kung bakit niya yun ginawa di ba?” napatingin ako sa kaniya.

“No need. Kasi alam ko na ang isasagot niya, kasi akala niya masaya ako kay Allen.” Umupo siya sa may harap ko at tumingin sa mga mata ko.

Akala. Sa ‘yo na mismo nanggaling na hindi ka masaya kay Allen kasi iba ang nasa puso mo at yun ay ang kapatid ko diba?” bigla akong napaisip. Hindi nga ba ako masaya kay Allen?

“Lagi siyang andiyan para sa akin lalo na sa mga panahong .. sa mga panahong kelangan ko si Artemyo. Kaya hindi ko masasabi na hindi ako masaya sa kaniya kasi napapatawa niya ako.”

“Iba ang napapasaya sa napapatawa. Mas meaningful ang pakiramdam pag masaya kesa sa tumatawa Callie. Look, ang pagtawa panandalian lang yan, once na may makita kang nakakalungkot or nainis ka hindi ka makakatawa diba? Pero pag kasama mo ang taong TUNAY na nagpapasaya sa yo, kahit ano .. kahit anong pagdaanan mong malungkot mawawala yun” habang sinasabi yun ni Kuya Arnold hindi ko maiwasang ipagkumpara sila Allen at Artemyo. Sino nga ba? sino nga bang nagpapasaya ng TOTOO sa akin?

“Si Artemyo” mukhang nagets niya kung anong ibig kong sabihin. Tumayo siya saka inextend ang left hand na akala mo isa akong prinsesang pinapadaan.

“Go to him. Your real happiness” niyakap ko muna siya bago tumakbo papunta sa bahay nila.

Tama siya, iba ang pakiramdam ko pag kasama ko si Artemyo kumpara pag si Allen ang kasama ko. Masama na kung masama pero anong magagawa ko? mas mahal ko si Artemyo. Sa tingin ko sa kaniya ako sasaya, kahit na sinasabihan niya akong tanga or zombie. Slow at bingi! Wala akong pakielam, simula ng magkaganito kami pakiramdam ko lalong humina ang loob ko.

Pagkapasok ko ng bahay nila agad ko siyang hinanap.

“Artemyo!!” wala siya sa kusina, kahit sa garden wala. Sa kwarto kaya? Agad akong umakyat sa kwarto niya.

Inhale

“Artemyo?” kumatok ako ng 3 beses pero wala pa ding Artemyong nagbubukas ng pinto.

“Artemyo?” hinawakan ko na yung door knob. Hindi naka lock? Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Sumilip ako para makita kung nasa loob siya pero wala. Tuluyan na akong pumasok ng kwarto niya at sinara ang pintuan. Nakakailang hakbang pa lang ako ng marinig ko ang boses niya.

“What are you doing here??” nasa may likod pala siya ng pintuan kaya hindi ko siya nakita ng sumilip ako kanina.

“We-we need to talk” iniwas niya lang yung tingin niya saka pumunta sa may bintana.

My Valentine TragedyWhere stories live. Discover now