Chapter 9

401 12 5
                                    

At dahil nabura yung gawa ko kanina,eto ulit ako.gawa gawa na naman. waaaaaaah. please vote,comment and be a fan :D

Sofie's POV

"Sorry" Hm? Sino naman kaya tong nagsosorry saken?Pagkalingon ko. WAAAAAAAAAAAAAH!! totoo ba tong nakikita ko?Isang lalaking bagsak ang buhok na nakablack na tshirt at nakamaong na pants with matching rubber shoes ang nagsosorry saken? Wala ng iba kundi si AIDAN ARTHEM "ARTEMYO" LOCSIN. Oo,siya nga,pinapatunayan niya na malapit na ang END OF THE WORLD. 

"Eh bat ka nagsosorry?" humarap ulit ako sa may table,sakit sa batok eh. Nag quit muna ako sa Dinner Dash,sayang! 

"Eh kasi ano.. sa. ..."

"Sa?" humarap na ko sa kanya.

"Sa ano" 

"Ay paulit-ulit? Sa ano nga???" adik tong lalaking to,paulit ulit.

"Eh alam mo naman kasi yung dahilan eh!" eto na naman po si boy sigaw.

"Aba malay ko,malay ko ba kung nagsosorry ka dahil tumaas ang presyo ng gas,dahil sa break up nila Piolo at Kc na parang ikaw yung third party,kung bakit yung mga minor nating subjects ay feeling major,kung ba-"

"Stop this non sense. Wala din naman tong patutunguhan eh.tss" Aalis na siya! wahahaha,daling sumuko neto.

"Ep ep ep!! san ka pupunta?! tinanggap ko na ba yung sorry mo ha?" Nakatayo na ako,siya naman nakatalikod saken.

Humarap siya saken "Edi wag mong tanggapin! As if gusto kong magsorry sayo!" tumalikod na ulit siya. hahaha

"I know! At alam ko din na kapag sinabi ko kay Kuya Arnold na ikaw pa tong nagalit saken,for sure,cut ang allowance mo! hahaha" Kala niya ha, alam ko namang si Kuya Arnold lang pumilit sa kanya eh. hahaha.

Humarap ulit siya saken.This time mukang hinihintay niya lang yung sasabihin ko.

"Sige,para tanggapin ko yung sorry mo,dapat bili mo ko ng chocolates anfd ice cream!!!" tamang tama,nagccrave ako dun. hohoho.

"ASA KA! Edi bumili ka!"

"hindi ASA yung hinihingi ko sayo,oh ano?tatanggapin mo ba yung deal ko or hindi?"

"Hindi!"

"Aba! un nga ang deal ko sayo para tanggapin ko sorry mo eh,ayaw mo pang ibigay! choosy pa kuya??"

"Wala talaga akong mapapala sayo!"

"Feeling mo sayo meron?Grabe ka. Kaw na nga tong may kasalanan saken ikaw pa tong may ganang magalit ha!" Opo,nagsisigawan na kami dito. Yung mgan estudyante na kumakain sa canteen nakatingin na samen.

Kuya,ibili mo na siya ng chocolates and ice cream para magka ayos na kayo

Oo nga kuya, sayang oh,ang ganda pa naman ni ate,baka maagaw pa sayo yan.

NE?ano yang pinagsasasabi nila? 

Pre,ikaw ang lalaki,ikaw ang dapat magbigay

Parang bakla.hahaha

"SHUT UP!!" -ako at siya

Lumabas na siya ng tuluyan,ako naman kinuha ko yung bag ko saka siya hinabol.Kala pala ng mga andun kami ni Artemyo. EEEEEEEW!! hahaha

"Hoy artemyo! hintay nga! ano bang problema mo ha??"

"Stop calling me Artemyo! CARMELITA!!" 

"Muka mo carmelita!!" Ang bilis niyang maglakad,papunta kami sa garden ngayon,itetext ko na lang si Josh. 

My Valentine Tragedyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें