Secret Nights - 36

Start from the beginning
                                    




When the food arrived, saglit na natigil ang usapan. Natuon ang atensiyon ng lahat sa masasarap na pagkain habang manaka-naka pa ring naisisingit ni mommy ang excitement niya tungkol sa nalalapit naming kasal ni Micah.




 And the most dreadful part finally came. Tapos nang kumain ang lahat. All eyes were now on me. Huminga ako nang malalim at saka nagsalita.




"First of all, I'd like to thank you guys for coming. Alam kong mga busy kayo but you still make time for this dinner. Thank you."




 "Come on, Zach. Masyado mo kaming binibitin. Just go straight to the point. What is it that you're going to say?" medyo naiinip nang tanong ng daddy ni Micah.




 "I'm cancelling the wedding," saw akas ay nagawa kong ibulalas ang kanina ko pa sana gustong sabihin sa kanilang lahat. Nakita kong nagdilim ang mukha ng dalawang nakatatandang lalaki samantalang napanganga naman ang mommy ni Micah na mukhang maiiyak.




 Akmang tatayo si Micah pero mabilis na nahawakan ko siya kamay. "Please, stay," pakiusap ko sa kanya.




 "You can't just dump our daughter, Zach!" galit na sabi ni Mr. Gonzaga.




 "I am not just dumping her, Sir. The reason why we are all here because I want you guys to hear my reasons why I want to cancel the wedding."




 Nakita ko ang pagtatagis ng bagang ni Mr. Gonzaga at parang anumang oras ay tatayo siya sa kinauupuan niya para sugurin ako. Pero wala akong makapang takot sa dibdib ko kaya nagpatuloy ako.




 "Unang-una, hindi ko po mahal si Micah. I love someone else and I would like to spend the rest of my life with her. At kung may babae man akong gustong pakasalan at pag-alayan ng pangalan ko, siya lang 'yon.




 "Pangalawa, ayoko pong pumasok sa isang relasyon na para bang isa lang iyong business transaction. If I'm going to marry someone, I'd make sure that my reason would be because of love, and not because of money."




"You're not cancelling the wedding, Zach. You are going to marry our daughter," pagmamatigas pa rin ni Mr. Gonzaga.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now