KABANATA XL

1.1K 33 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XL~

Nakaramdam ako ng biglang pagkasuya.

“Anong ginagawa mo rito?” Masungit kong sabi at pinag krus ang mga braso.

Akmang yayakapin ako nito ng lumayo ako.

“Umalis ka na masama ang pakiramdam ko.”

“Bakit nalipasan ka ba ng gutom?”

“Umalis ka na nga.”

Padabog akong umupo sa sofa, pero imbis na umalis ito ay tumabi ito sa akin.

“Nagtatampo ka ba? Sabi ni Jasmine hindi ko raw pumasok, nag commute ka lang ba?”

Tinapunan ko ito ng masamang tingin.

“Malamang, di'ba nasira ang kotse ko, at oo nga muntik pala ko ng makalimutan, kasi masyado kang busy.”

Medyo kinabahan ito at nag-iwas tingin.

“So alam mo na?” Sabi nito.

Nagtaas ang presyon ng dugo ko at inis na bumaling sa kan'ya.

“Ibig sabihin totoo nga? Sino 'yung babae mo?!”

Hindi ko napigilang tumaas ang boses ko, naiiyak ako na ewan, damn! Why I'm getting childish? Dahil ba sa pagbubuntis to?

“What?” Nagtataka itong tumingin sa akin.

“What your face! Akala mo hindi ko malalaman, sino yung babae sa phone? Kaya ba hindi mo ko mapuntahan at di ka nagpapakita nitong mga araw?”

Imbes na iba ang reaksyon nito at ay natawa pa. Anong nakakatawa duon? Nang-iinis ba s'ya? Tumayo ako dahil sa pagkapikon at akmang iiwan s'ya ng hinuli nya dalawa kong kamay, at pagkatapos ay hinila ako kaya ngayon, ay nakakandong na ako sa kan'ya.

“Ano ba Kiel?!” Naiirita kong sabi dito ng pilit akong kumakawala pero lalo lang ako nitong niyakap sa bewang t'saka n'ya ipinatong ang baba n'ya sa balikat ko.

Kaya tumigil na lang ako sa pagkawala sa kan'ya at hinintay ko na lang sya na matapos sa pagtawa. At ng tumigil na ito ay ts'aka ako nagsalita.

“Tapos ka na?” May bahid na pagtataray ang boses ko.

“Yeah.” Sabi nito parang balewala lang.

“Then, sino yung babae mo?” Peste! Pag-uuntugin ko talaga sila!!

“Her name is Felicia--”

“Ganon? Niloloko--”

“Villanueva--”

“Mo ko--”

“S'ya ang nag ayos at nag design ng pag propose ko sayo, na dapat kanina, kaso hindi ka naman pumasok.”

Nanlaki ang mata ko at mula sa pagtalikod ko sa kanya ay humarap ako, habang nakakandong pa rin sa mga hita n'ya.

“P-Propose?” Nagkakakanda-utal kong sabi

“Yup, since yesterday, dahil hindi agad natapos kahapon kaya hindi kita napuntahan dito, then this morning I want to finish it already, para pag nasa office kana-kung saan magaganap 'yung sanang pag-propose ko hindi ka pala papasok.”

Parang kinurot ang puso ko at nawala lahat ng pangamba ko, ngumite ako at hinawakan ang magkabila nyang pisnge at binigyan ng dampi na halik sa labi.

“Aww, I'm sorry, bakit hindi mo naman sinabi?”

“Edi hindi ka magugulat.”

Tiningnan ko ang ilong n'ya, parang ang sarap pisilin nito, ang tangos-tangos!

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu