KABANATA VII

965 37 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA VII~


Napigil ko ang paghinga ko ng marinig ang boses na 'yun. Pumihit ako paharap dito at itinigil ang ginagawa.

"M-Magandang umaga S-Sen'yorito." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi ng pumiyok ang boses ko agad akong yumuko dahil ramdam ko talaga ang bilis ng pintig ng puso ko.

"Look at me." Seryoso nitong sabi.

"S-Sen'yorito may ginagawa pa ako." Sabi ko pero nasa ibaba pa rin ang tingin, sa totoo lang ayaw kong humarap sa kanya dahil sa pamumula ng mga pisnge ko.

"Dammit! I said look at me now!"

Awtomatikong napaharap ako sa kan'ya.

"Are you avoiding me?"

Napabuntong hininga ako.

"Sen'yorito, alam nyo po, marami naman pong ibang babae riyan, 'wag n'yo pong pag-aksayahin ang tulad ko."

Pagkatapos kong sabihin yun ay kinuha ko na ang walis tingting at dumaretso sa hardin kung saan naroon si Carlos.

"Oh, may problema ba? Namumula ko oh! " turo nito sa pisngi ko.

"A-Ahm, wala."

"Namumula ka talaga day!"

" 'Wag mo na lang ako pansinin at tapusin mo na yan." Pag-papalit ko ng usapan.

Pag katalikod nito ay sinapo ko ang dibdib ko. Okay puso, kalma lang!

Tama lang naman di'ba ang ginawa ko?

"Lieselle mauna na ako sa bahay ah" pagpapaalam nito sa akin.

"Sige Carlos, mag-ingat ka."

Pagkaalis ni Carlos ay diniligan ko na ang mga halaman, ang lawak ng hardin dito sa hacienda, para itong isang malaking maze.

"Are you done? Can we talk now?" Napatalon ako bigla ng may nagsalita sa likuran ko.

Tumingin agad ako sa kanya, naka-tsinelas lang ito at naka-gray na T-shirt samantala ay pinaresan nya ito ng pambahay na short. Kung tutuusin sobrang simple lang ng damit nito pero mukha itong isang modelo.

"Di ko po alam kung ano po talaga ang pakay nyo sa akin pero Senyorito, Paki-usap lang po wag nyo na po akong paglaruan, ano na lang po ang iisipin ng iba?" Tiningnan ko ang mga mata nito para malaman kung ano ang magiging reaksyon nya sa sinabi ko pero wala akong makitang emosyon.

Napaatras ako ng bahagya dahil sa paglapit nito.

"You think I'm playing with you? And you think that I'm joking when I say I like you?"

Napalunok ako ng dalawang beses ng isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa.

"S-Sen'yorito," mahina kong sambit.

"Hmm?"

Agad akong napasinghap ng pumunta ito sa likuran ko at hinaplos nito ang buhok ko. Ramdam ko ang hininga nito na tumatama batok ko dahil nakapusod ang mahaba kong buhok. Ewan ko pero parang nakukuryente ako sa bawat haplos nya sa buhok ko.

"Sen'yorito m-may ginagawa po a-ako." Bumibigat na ang mga pag hinga ko.

"Tell me Lieselle, sabi mo tigilan kita, eh papano kita titigilan kung ginawa ko ng ang lahat para iwasan ka pero, fuck! Iniisip ko pa lang lubayan ka nababaliw na ako."

"Sen'yorito b-baka may biglang dumating dito at makita tayo."

"The hell I care, and if they saw us?"

"Baka po kung anong isipin nila."

Napasinghap ako ng hatakin n'ya ako paharap sa kan'ya, kaya ngayo kitang-kita ko na ang mga mata nito-pinaghalong iritasyon at seryoso ito.

"First of all, wala akong pakialam kung anong iisipin nila, second, hindi ako nakikipag biruan sayo Lieselle, third, I'm fucking serious when I say I like you, yes I am, I really really do, at'saka kasalanan mo na rin to, because you caught my attention and fourth. I'm still craving to kiss you."

Napalaki ang mata ko sa huli nitong sinabi, pero bago makalayo sa kan'ya, hinapit n'ya na ang bewang ko hinawakan n'ya ang batok ko para mailapit sa kanya ang mukha ko.

"Can I kiss you?"

Napalunok ako ng maramdaman ang kakaibang sensasyon. Pero bago pa ako makasagot, naramdaman ko na ang labi nito sa labi ko.


--

(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Onde histórias criam vida. Descubra agora