KABANATA XXVI

902 35 0
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XXVI~

Maaga akong nagising at pero heto ako ngayon at tulala sa kisame ng kwarto ko. Tatapusin ko lang ang ibang editing ngayong araw sa bahay.

Nag-take muna ako ng day off para matapos ko na ang project na dapat kung matapos sa lalong madaling panahon.

Kahit na nahirapan akong makatulog kagabi dahil sa kaiisip tungkol sa mga usapang nagyari sa opisina ng lalaki 'yun kahapon ay kataka-takang nakuha ko pa na maagang magising.

Tumayo ako at inayos ang kama na hinigaan, nang masigurong maayos na ang kama ay lumabas na ako sa kwarto ko. Dumaretso ako sa CR para maghilamos at mag-tooth brush.

Dahil wala akong suot na tsinelas ay ramdam ko ang lamig ng tiles na nanunuot sa paa ko.

Habang naglalakad ay naamoy ko ang mabango na halimuyak na nanggagaling sa kusina. Nakita kong pakembot-kembot na nagp-prito si Carlos habang kumakanta.

Natatawa akong napasandal sa kitchen stool at umiling-iling. Dakilang bakla!

“Good morning Carlos!” masigla kong sabi at tinulungan s'ya sa pag-aayos ng kakainan.

“Good morning Lieselle, ang aga mo ngayon, anong meron bakla?” kunot-nuo nitong sabi at pinatay sa stove.

“Kailangan ko ng matapos ang design ko, ikaw ano na naman iyang nasa mukha mo?” balik tanong ko dito.

Umirap ito sa hangin at dahan-dahang dinampian ang mukha n'ya ng mga daliri n'ya. Maarte ang bawat galaw nito.

“Face mask bakla! Mamaya mga maglalagay ako ng cucumber sa mata ko, palibhada ay ma-manang manang ka kaya hindi mo alam!” Hirit nito at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato.

Ako naman ay lumapit sa wooden cabinet at nilabas ang brown coffee, muli akong humarap ako kay Carlos ng hindi alam ang gusto nitong inumin para sa araw na ito.

“Anong gusto mo?”

“Tea, wait lang at gigisingin ko lang si Levin,” paalam nito at umalis para puntahan si Levin na marahil hanggang ngayon ay tulog pa.

Nagtimpla ako ng dalawang tasa ng brown coffee at tsaa para kay Carlos. Nang mailapag ko mga tasa ay saktong dumating si Carlos at si Levin na humihikab pa.

“Good morning ate!” Lumapit ito sa akin at humalik sa pisnge ko bago naupo sa tabi kong upuan.

“Good morning too, how's your sleep?”

Naglagay na ako ng pagkain sa plato ko. Habang si Levin ay uminom ng kape na itinimpla ko.

“Fine, wala kang pasok ate?” Tanong nito.

Umiling ako at ngumite, binata na ang kapatid ko, ang dating matinis nitong boses at nilamon na ng adolescence at matured na ang katawan, malayong-malayo sa batang si Levin.

“Lieselle, may chika ako sayo!” Sabi ni Carlos at tinampal pa ang kamay ko.

Tinaasan ko lang ito ng kilay habang hinihiwa ang omelette sa plato ko.

“Ano na namang tsismis ang nasagap mo?”

Tumikhim ito at umayos ng upo. Pagkatapos ay uminom ng tubig.

“Si Mary, ikakasal na!”

Muntikan na akong mabulunan habang si Levin ay nai-baba ang kapeng iniinom sa mesa dahil sa sinabi ni Carlos.

“Huh? Kanino? At t-teka, kailan?” Gulat na tanong ko.

“Grabe makapag-react ah! Anong akala mo kay Mary? Alien? Para hindi makapag-asawa, babae din 'yun, mukha lang lalaki.”

Saglit akong natawa at tumikhim para sumeryoso. Knowing Carlos, he will not take seriously the conversation if your laughing.

“Sino daw-I mean, who's the groom?” Tanong ko dito at pinagpatuloy ang pagkain.

“Ayun pa nga ang hindi ko alam, basta nag-send na lang s'ya ng invitation ma ikakasal na s'ya. Ang gagang 'yun! Hindi man lang ako chinika!”.

“Biruin mo ate, mag-aasawa pala si ate Mary, akala ko ay tatandang dalaga iyun dahil sa kabruskuhan,” natatawang sabi ni Levin.

“Yeah, naalala ko nga noon, me and your ate Mary are classmate, the boys on the campus are afraid of her, because she acts like a cute kitten yet scary. Sadyang si Paulo lang ang matibay na nakukuha pang biruin si Mary,” kwento ko kay Levin.

“Nasaan na ngayon 'yung Paulo ate?” Curious na tanong ni Levin.

“Oo nga, wala na akong update sa lalaking iyun ah.” Sagot naman ni Carlos.

“Hindi ko na din alam, pero sayang. Bagay kasi ang dalawang iyun.”

Pero hindi naman magpapakasal si Mary kung hindi s'ya nararapat sa lalaking napag-desisyunan n'yang pakasalan, at hindi s'ya papayag kung hindi n'ya mahal ang lalaking iyun.

Nang matapos ang normal naming agahan ay pumunta  ako sa veranda at naupo sa upuan na naroroon at ipinatong ang dalang laptop, dinial ko ang number ni Jasmine para i-update sa kanya ang malapit ng matapos ng designs.

Nang masabi sa kanya ay ibinaba ko ng ang phone ko sa mesa at bumalik sa ginagawa. Mga ilang minuto akong naroroon ng dumating si Levin na may bitbit ang dalawang coke in can at inilapag doon.

“Saan ka galing?” Tanong ko dito.

Naupo ito sa tabi ko at pumangalum-baba sa mesa.

“Nag-swimming lang sa roof top.” Sabi nito.

Naalala ko na sa pinaka-itaas na palapag ng condominium building na ito ay may pool area.

Muling tumahimik ang paligid pero binasag iyun ni Levin.

“Ikaw ate, kailan ka magpapa-kasal. Nasa tamamg edad ka na, ano pa bang hinihintay mo?”

Natigilan ako sa tanong na iyun ni Levin at napa-isip.

Sa mga nangyayari ngayon ay hindi ko na maisip ang bagay na iyun. Masyadong magulo ang pag-iisip ko kaya hindi na maatupag ang para sa buhay pag-ibig na iyan.

“Waiting for someone, who's worthy for me.”

--

(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Where stories live. Discover now