KABANATA I

1.6K 45 4
                                    

Awakened Desire

~KABANATA ⅼ️~


“Ito muna ang baon mo Levin ah, pangako pag may bonus ako sa part time ko bente na ang baon mo.”

“Okay lang 'yon ate, buti nga may baon ako eh, salamat pala ate.” Nakangiting sabi ni Levin.

Agad rin akong napangiti si Levin na lang ang siyang lakas ko para maka-ahon sa mga problemang ito.

“Oh s'ya, pasok na baka mahuli ka sa klase.”

Hinalikan ko muna ang noo nito ts'aka ito kumaway ito paalis pagkaalis ni Levin ay nilakad ka na ang papuntang Campus dun kasi ang paaralan ng senior student at collage student, mas'werte nga ako dahil nakatungtong ako sa baitang na ito kahit na halos mas mahirap pa kami sa daga kaya lubos akong nagpapasalamat sa itaas.

Napamuglat ako ng may bumusina sa likod ko, may isang pulang mamahalin na kotse ang huminto sa tabi ko at bumukas ang bintana nito.

Napalaki ang mata ka ng mapagtantong sino ang nagmamay-ari ng kotse.

“Sen'yorito magandang umaga po.” Sabi ko sa magalang tono.

“Get in.” Malamig na turan nito.

“P-Po?” Baka nagkamali ako ng dinig, hay ito ba ang epekto ng di nakakapag almusal.

“Sabi ko pasok.” Sabi nito pero sa harap nakatingin.

“Nakakahiya po.” Nahihiya kong sabi.

“Kailangan ko ng kasama bago lang ako dito kaya di ko alam ang daan, so get in, it's not request it's a command.”

“Opo.” Sabi ko at pumasok agad sa kotse nito.

Sobrang tahimik sa kotse walang isa sa amin ang nagsasalita tanging makena lang ang nagsisilbing pamatay sa katahimikan.

Tss. Alang ka naman magkek'wento sayo yan Lieselle? Tanga ka rin no? Alam mo namang bali-balita na certified snober at playboy ang katabi mo.

Sabagay sa taglay nitong kagwapuhan at yaman nito 'di na kataka-taka ang ugali nito.

“Saan ang daan papuntang campus?” Pagbabasag nito sa katahimikan.

“A-Ahm, diretsuhin n'yo lang ho ang daan na yan tapos po kaliwa tayo sa susunod ng kanto tapos po matatanaw na natin ang Campus.” Pagkasabi ko noon ay tumahimik agad ako.

Pagkarating sa kanto ay agad akong nagsalita.

“Sen'yorito dito na lang po ako.” Mahina kong sabi.

“Why?”

“Kasi po may dadaanan pa po ako.”

Lumingon ito sa akin sa unang pagkakataon kaya agad akong yumuko dahil bigla na lang akong naghihina, ewan ko pero ibang-iba amg epekto nya sa akin—na ngayon ko palang nararamdaman.

“Oh sige, wag ka lang mahuli.”  Sabi nito at inalis na ang tingin sa akin.

“Opo, maraming salamat po.” Agad akong bumaba dahil parang mawawalan ako ng hininga pag matagal kaming magkasama.

Nakahinga ako maluwang mg lagpas ng ang sasakyan nito sa akin. Hoo! B-bakit ba ang bilis ng tambol ng didbdib ko?

“Oh ang bilis mo naman ngayon Lieselle?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

“Ikaw pala yan Carlos, tara sabay na tayo.”

Tumango naman ito at ngumiti.

Gwapo naman si Carlos, dinadayo pa nga ito ng mga babae sa karatig bayan para lang magpapansin dito pero di nila alam may malupet itong sikreto ito.

Isa kasi itong pusong babae tangi lang ako at si Levin ang nakakaalam dahil takot itong malaman ng tatay nito.

Pag karating namin sa Campus nakita ko kaagad ang pinagkukumpulan ng mga kababaihan ang sasakyan ni Sen'yorito Kiel, kaya ayokong sumabay sa kan'ya papasok dahil alam kong pag nakita nila kaming magkasama tsismis ang abot ko, dahil isang katulong nakisakay sa mamahaling kotse ng isang sikat na apo ng mayayamang mga de Valle.

Kaya bago ako maging apple of the eye ng tsismis ay iiwas na agad ako.


--
(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Where stories live. Discover now