KABANATA IV

1.2K 42 2
                                    

Awakened Desire

~KABANATA IV~


Dalawang linggo na lang at ga-graduate na ako ng high school, sa wakas!

"Alam mo Lieselle, mami-miss talaga kita, nakakainis! Ayaw ko pang mag kolehiyo, kasi ba naman kahit ba naman bakas'yon may pasok pa rin." Namamaktol na sabi ni Mary.

"Ang tamad mo talaga Mary!"

"Bakit masipag ka?! Makapagsalita to kala mo ang sipag." Naiinis na sigaw ni Mary.

"Hep, hep, tama na 'yan!"

Pag-aawat ko dahil siguradong g'yera na naman sila Paulo.

Pag kauwian ay dumeretso agad ako sa Hacienda ng mga de Valle.

"Magandang tanghali po Manong Guard!" Masigla kong bati sa guard pagkabukas n'ya ng gate sa akin.

"Oh, todo ngiti ka ngayon Lieselle anong bang meron?"

"Ga-graduate na ho ako sa susunod na linggo."

"Ah ganon ba? Congrats sa'yo hija."

"Salamat po."

Pagkapasok ko ay dumeretso ako sa kusina ng mans'yon, naabutan ko roon ang mayordoma ng Hacienda.

"Manang Linda magluluto ho kayo?" Tanong ko rito.

"Ay buti na lang at nariyan ka hija! Oh, ikaw muna ang magluto at bibili lang ako ng stocks rito sa mansyon, umalis kasi sila Sen'yora Selina papuntang Maynila eh, kaya ako na lang mamimili ngayon."

"Ganun po ba oh sige ho."

"Maraming salamat iha, adobo ang lutuin mo, kumpleto na ang sangkap riyan, oh s'ya, mauna na ako."

Pag kaalis ni Manang Linda ay sinimulan ko ng magluto. Inabot ako ng ilang minuto ay naluto ko na ang adobo. Natigilan ako ng may narinig akong yapag ng mga paa, teka di'ba umalis sila Don'ya Selina eh sino ang tao sa itaas?

Hala! Baka may magnanakaw? Teka eh may mga guard naman sa labas tsaka ang tataas ng bakod ng Hacienda, siguro ay guni-guni ko lang.

"What are you doing here?"

"Ay, anak ng kulobot!" Halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses na 'yun.

"Kulobot?" Tanong nito sa akin.

"Pasens'ya na po Sen'yorito, ahm, nagluto ho kasi ako ng Adobo, eh, may pinuntahan ho si Manang Linda."

Hindi ito sumagot bagkus ay umupo ito sa hapag kainan.

Pagkaupo nya ay agad ko s'yang sinandukan ko s'ya at pagkatapos ay gumilid na ako.

"Join me." Turan nito.

"Ah, hindi na ho."

"Join me, let's eat together, your body is thin, kailangan mong kumain ng kumain."

"Hindi naman po ako mapayat Sen'yorito, sa katunayan tama lang po ang timbang ko."

"Yeah, yeah, whatever, just eat ok? No more buts."

Kahit nahihiya ay umupo na ko.

"G-Graduate ka na right?"

"Ah opo, bakit po?"

"A-Ahm nothing... Just--don't mind me."

Pagkatapos ng matiwasay naming pagkain ay dumeretso ako sa k'wadra para linisin ang kulungan ng kabayo nahinto ako paglalakad ng makitang pinapakain ni Sen'yorito Kiel ang alaga n'yang kabayo.

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Where stories live. Discover now