KABANATA XXXV

968 32 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XXXV~

Sana naman wala s'ya dito. Please Lord!! Anong mukha na lang maihaharap ko sa kan'ya? Sobrang nakakahiya!

“Hindi pa po ba kayo papasok ma'am?”

Nilingon ko ang guard na nagtatakang nakatingin sa akin.

“P-Papasok na.” Huminga muna ako ng malalim tsaka pumasok sa building.

Katulad ng dati ay binati ako ng mga bawat nadadaanan ko, at ngiti naman ang sinasagot ko. Nilapag ko na ang bag kong dala at binuksan ang laptop. Salamat naman at hindi natambak ang trabaho ko.

“Jasmine.” Tawag ko sa pangalan nito habang nakatutok sa laptop.

Dali-dali itong lumapit sa gawi ko.

“Bakit Miss Lieselle?”

“Papunta ka na ba sa canteen?”

“Ah, opo. Bakit Magpapasabay po kayo?”

Ngumiti ako dito at tumango.

“Oo, kape lang naman, med'yo busy kasi ako eh, okay lang ba? ”

Ngumiti ito ng pagkaluwag-luwag at tumango, ng maibigay ko na ang pera pambili ay umalis na ito. Ako naman ay pinagpatuloy ang ginagawa.

“Special delivery for Lieselle!” Napaharap ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Mahina akong natawa ng mapagtanto kung sino to.

“Oh, Walter, bakit ikaw naghatid n'yan?”

Binaba nito ang kape sa mesa ko at bahagyang sumandal duon.

“Pupunta raw muna kasi si Jasmine sa CR, tapos nadaanan ko s'ya, then nakisuyo s'ya, baka kasi lumamig yung kape mo.”

Tumango tango ako.

“Salamat...”

Bumalik na ako sa ginagawa habang sumisimsim ng kape.

“Ahm... Lieselle.”

“Hmmm?”

“May relasyon ba kayo nung may-ari ng de Valle's Hotel?”

Nahinto ako at nilingon si Walter na seryoso sa sinabi.

“B-Bakit mo naman na itanong?” Pilit akong ngumiti kahit totoo ay nanginginig ako.

“I'm just asking, you know... About sa nangyari sa canteen.”

Nag-iwas tingin ako dito at napakagat labi.

“W-Wala no! May personal lang kaming pinagusapan, ano ka ba!”

Nabuhayan ito at ngumite ng pagkaluwag-luwag.

“Talaga?”

“Oo naman.”

Bumalik ulit ako sa ginagawa.

“So... It means pwede akong manligaw sayo?”

Tiningnan ko ito sa mga mata at nagsalita.

“Pasens'ya na Walter, pero...”

Napalitan ng lungkot ang mukha nito.

“Bakit? May nagugustuhan ka na ba?”

Ngumiti ako.

“Oo, 'di ko lang s'ya bastang gusto, dati pa... At hindi ko s'ya gusto, mahal ko kasi s'ya eh...”

Kahit na nalulungkot ito ay pilit itong ngumiti sa akin.

“Ganun ba? Okay lang, mas maganda na rin na sinabi mo agad kesa pinaasa mo ako sa wala.”

Tumayo ako at bahagyang natawa.

“Ngumiti ka nga d'yan! Hindi ako sanay sa nakasimangot na Walter! Ts'aka malay mo mas better pa sa akin ang makilala mong iba, ts'aka p'wede pa naman tayong maging magkaibigan di'ba?”

Ngumiti s'ya sa akin at inayos ang damit n'ya.

“Salamat Lieselle, sige babalik na ako dun.”

“Sige, salamat rin sa pag-intindi mo sa akin Walter, pasens'ya ka na.”

“Okay lang nga, sige na bye! Sana magkatuluyan kayo kung sino man ang ma-swerteng lalaki na sinasabi mo.”

Kumaway na ako sa kan'ya at bumalik sa ginagawa. Mamayamaya ay dumating si Jasmine.

“Miss Lieselle, pinapapunta ang department natin sa meeting room, para sa paguusapan na paparating na mga projects.”

“Okay, just give me seconds.”

Pinatay ko muna ang laptop ko at sabay sabay na kaming pumunta sa meeting room. Pagkapasok ay naupo na ako sa tabi nila Jasmine. Nagsimula na ang nag pe-present sa mga plano, tahimik naman akong nakikinig ng maramdamang may nakatingin sa gawi ko. Halos 'di ako makahinga ng makita kung sino ang nagmamasid sa akin. Shit! Andito s'ya!

Pilit kong tinutuon ang pansin sa nag sasalita sa harapan pero di maiwasang mailang ako lalo na sa mga titig nya.

Humarap ako sa kan'ya at nakitang kinakausap s'ya ng isa sa mga katabi nya pero sa akin parin ang atens'yon n'ya. Nag-iwas tingin na lang ako't lalo pa't 'di ko pa alam ang gagawin ko sa mga nalaman ko.

Matiwasay ng matapos ang meeting, nagsilabasan ma ang mga nasa loob habang naiwan ako para ayusin ang mga bagong idedesenyo.

Bahagya akong ngumite ma makitang di naman kahirapan ang mga iyon. Pero napawi ang ngiti ko ng makitang nasa harap ko s'ya.

Napalaki ang mata ko at umawang ang labi ko. Goodness! Sana pala ay sumabay na ako sa paglabas, lalo't kaming dalawa lang ang nasa loob!!

“M-May kailangan po k-kayo sir?” Magalang at kinakabahan kong sabi.

Peste! Lagi na lang akong kinakabahan dahil sa lalaking to.

“Sa tingin ko ay alam mo na kung bakit nandito ako.”

Napalunok ako ng dalawang beses. Oh damn!

“S-Sir may gagawin pa--”

Napatili ako ng akmang tatakas ako ng dagitin ako nito pasandal sa gilid ng mesa.

“Shhh... 'Wag kang masyadong maingay, baka kung ano na lang ang isipin ng mga nakikinig sa labas.”

Bumibigat ma ang paghinga ko dahil din sa pwesto naming dalawa. Nakasandal na ang likod ko mesa habang malapit ang katawan n'ya sa akin at nakaharang amg dalawang kamay sa upuan na nasa likod ko.

Napapikit ako ng maramdamang tumatama ang hininga nito sa mukha ko. Nahiya ang hininga ko sa bango!

“E-Eh wala n-naman tayong ginagawa d-di'ba?” Oh Lieselle here you go!

Lalong dumagdag ang kaba sa dibdib ko ng tumaas ang kabilang sulok ng labi nito.

“Sa ngayon wala pa, sa ngayon...”

------

(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Where stories live. Discover now