KABANATA XVIII

945 28 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XVIII~

Nagdidilig ako ng mga halaman habang may ngiti sa labi.

“Lieselle, alam mo natatakot na ako sayo, kanina ka pa ngiti ng ngiti d'yan.”

Mahina akong natawa sa sinabi ni Carlos.

“ 'Di ba pwedeng masaya lang?”

“Ay ganon? Iba kasi ang ngiti mo eh, di ko ma-reach.”

“Ewan ko sayo, tapusin mo na nga 'yang ginagawa mo.”

Sinapo nito ang noo n'ya tila sumasakit ang ulo n'ya sa akin. Tinawanan ko na lang s'ya at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos ko ang ginagawa ko ay pumunta na ako sa k'wadra para linisan ang kukulungan ni Uno.

Buti na lang at mabait tong si Uno--hindi naninipa, habang nilinisan ko si Uno ay wala sa sarili ko itong kinausap.

“Alam mo Uno, kami na ng amo mo, masaya ako at sa wakas ay di na ako mahihirapan na magtago pa ng nararamdaman.”

Bahagya itong gumalaw na parang nakikinig.

“Anong sabi mo? Ahm, oo di s'ya nanligaw pero sapat na yun di'ba? Mahal ko sya tapos mahal n'ya rin ako.”

Itutuloy ko sanang kausapin si Uno ng marinig ko ang papalapit na yapak.

“Kanina ka pa dito?”

Ngumiti ako rito.

“Ah, hindi naman.”

“I've been looking for you at whole mansion,' andito ka lang pala.”

“Nilinisan ko kasi ang kulungan ni Uno.”

“Oh, I see, are you done?”

Binanlawan ko na ang kamay ko na may sabon at pinunas ang basang kamay sa suot kong apron.

“Oo, bakit may iuutos ka?”

“Wala pero may pupuntahan tayo.”

Natigilan ako at nagtataka na humarap dito.

“Saan naman tayo pupunta? T'saka di ako pwede, marami pa akong gagawin.”

“ 'Di ka p'wede? You know what Lieselle, simula ng maging tayo, di pa tayo nagde-date, tapos tatanggihan mo lang ako? Samantala kanina ngingiti-ngiti ka du'n sa Carlos na 'yun”

“Di'ba sabi ko sayo friends lang kami ni Carlos, t'saka teka, akala ko ba di mo ko makita sa mansyon? Eh pano mo nalaman na nginingitian ko kuno si Carlos?” Tumaas ng bahagya ang kabila kong kilay.

“A-Ahm... S'yempre kunwari napagod ako kakahanap sayo no, para maawa ka sa'kin.”

“Ewan ko sayo Sen'yorito.”

“Sige na date na tayo, 'di naman nila mapapansin na wala ka.” Hinawakan n'ya ang kamay ko at mahinang hinihila.

“Sige, pero pag ako hinanap ng Manang Linda, lagot ako.”

“ 'Di yan, tara na.”

Hinubad ko muna ang suot kong apron at'saka kami pumunta kung saan nakaparada ang kotse niya. Habang nagmamaneho ay nagtanong ito.

“Saan mo gusto pumunta? May alam akong masarap na dishes sa isang restaurant, gusto mo? Mag papa book na ako ng reservation--”

“Du'n nalang tayo sa kabilang bayan.” sabi ko.

“Huh?”

“May alam akong mami at gotohan  doon, sikat yun dahil sa sarap, ts'aka may tsanggian doon.”

Lumingon ako sa kanya ng maramdaman kong tumahimik ito.

“Oh bakit ka natahimik?”

“Well, I thought gusto mo sa mga romantic restaurant, you know.”

“Bakit naman?”

“Kasi ganon kasi ang mga gusto ng ibang mga babae.”

Natawa naman ako dahil sa sinabi n'ya.

“Gusto ko rin naman ng ganon, pero gusto kong maranasan mo rin naman yung mga sinabi ko kanina, 'wag kang mag-alala, pangako mag e-enjoy ka.”

“Oka-y, kasama naman kita.”

“Tanong lang nakaranas ka na ba ng date?”

“A-Ah oo, pero m-mga fling lang naman 'yun, I swear.”

“Oh? Fling lang naman pala.”

“Hindi ka galit?”

“Bakit naman ako magagalit?”

“Kasi marami akong na date?” Nag-aalangan nitong sabi.

“Ayos lang naman yun, at least ngayon seryoso ka na ngayon, tama ba?”

“Oo naman, promise, Lieselle your very important to me, you like an air that I need in everyday life. ”

Ngumit nalang ako dito at humarap sa may bintana ng kotse.

Ang ganda ng langit, kulay bughaw ito, habang ang mga ibon ay nagsisiliparan. Sana ay katulad rin kami ni Kiel ng mga ibon yung tipong malaya, at masasaya. Alam kong di madali ang pinasok ko pero masisisi ko ba ang sarili ko? Tao lang di naman ako.

-------
(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang