KABANATA XIX

841 27 0
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XIX~

Kasalukuyan kami ngayong nakaupo sa loob ng gotohan habang inintay ang goto at mami na in-order namin.

“Tama ka nga mas maganda na gan'to.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Kasi dito pantay lang ang pag serve, walang VIP, lahat pantay, ts'aka dito walang nakakakila sa akin na ako ang apo ng Señior at Sen'yora Selina, yung tipong di sila maiilang sa akin.”

Napatigil kami ng dumating na ang order namin. Nung una ay sinusuri pa nya ito at tinikman.

“Masarap?” Tanong ko rito.

“Yup, magkano nga ulit 'to?”

“20 pesos lang 'yan.”

“Talaga?” Parang di makapaniwala nitong sabi.

“Bakit?”

“I mean, ang mura lang pala.”

Muntikan na akong matawa.

“Oo na, Sige kain na.”

Kumain na ulit ito. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng gotohan na magkahawak ang kamay, binilhan ko s'ya ng softdrinks sa tindahan dahil nakaramdam daw sya ng uhaw. Natanaw ko na ang tsanggian.

“Bilisan natin malapit na tayo.”

“Anong gagawin natin d'yan?” Nagtataka n'yang sabi.

“Maglilibot-libot, mura lang ang mga paninda d'yan.

“What? Sa mall na lang tayo.”

“Ayaw mo?”

“Hindi naman, pero d'yan na ba talaga ang gusto mo?”

“Oo, tara na.”

Hinila ko na s'ya papuntang sa tsangge. Sumalubong samin ang mga sigawan ng mga tindera, marami ring mga tao na namimili. Napatingin ako kay Kiel, halatang unang karanasan n'ya pa lang sa ganito para kasi itong bata na nakatingin sa paligid.

Tumigil kami sa nagtitinda ng T-shirts, ako na ang pumili dahil wala namang alam sa ganto ang Sen'yorito, may nakita akong T-shirt na may nakalagay na 'Don't look at me, I'm taken'.

“Kunin mo yan, I want that.” Nilingon ko s'ya dahil sa sinabi n'ya.

“Gusto mo ng ganyan?”

“Yup, hey Miss I'll buy that, dalawang ganyan.”

“Yan po? Dalawa 150 po 'yan.”

Naglabas ng Limang daan si Sen'yorito.

“Keep the change--”

“Ahm, nagbibiro lang ang kasama ko.” Pilit akong ngumiti at kinuha ang sukli, pagkalabas namin doon ay nagtataka itong tumingin sa akin.

“Dapat di mo na kinuha ang sukli, may extra money pa naman ako dito.”

“Di'ba gusto mong maransan ang simple lang? Kaya kailangan ay umakto ka na simple lang din.”

“Sige na nga.”

Hinawakan n'ya naman ang kamay ko at s'ya na ang naunang maglakad. Paikot-ikot kami binilhan ko rin si Levin ng bola tapos isang damit na mahaba ang manggas kay tatay, pero nagmapilit si Senyorito na s'ya na ang magbabayad, ng nalibot na namin ang buong tsanggian ay tumigil muna kami sa may puno ng niyog.

“Dito ka muna may babalikan lang ako doon.”

“Ah, sige.” Sabi ko dito.

Pagkaalis nito ay humarap ako sa may likuran ko, nasa likuran ko pala ang dagat. Hinubad ko ang suot kong tsinelas at hinawakan. Dahan-dahan kong tinapak ang mga paa ko sa buhanginan, ramdam ko ang pagtama ng maliliit na alon sa paa ko. Sana ganito na lang araw-araw.

“Hey!”

Nakita kong dumating na si Kiel, kaya bumalik na ako sa kinatatayuan ko kanina.

“Tara na, magdidilim na.” Sabi nito.

Tumango na lang ako dito. Nilakad ulit namin papunta kung saan nakaparada ang sasak'yan n'ya na nasa harap pa rin ng gotohan.

“Nag-enjoy ka ba?” Sabi nito habang nagmamaneho.

“Oo, sobra.”

“Good, kasi nag enjoy rin ako.”

“Salamat pala.”

“Hindi, dapat ako 'yung magpasalamat nakaranas kasi ako ng something new ngayon.”

Nang dumating na kami sa Hacienda, ay agad akong bumaba sa sasak'yan. Nauna si Sen'yorito sa loob ng Mans'yon habang nasa likuran n'ya ako.

Pagpasok namin ay sumalubong sa amin si Sen'yora.

“And'yan ka na pala Ezikiel, sakto lang ang dating mo, dumating kasi ang panibago mong bisita andoon s'ya sa may kubo sa likod kasama ang mga kaibigan mo.”

“Ano? 'Di pa umuuwi sila Frazer?”

“ 'Di pa, hahabaan na lang daw nila ang bakas'yon dito.”

“Sige na, pupuntahan ko lang sila.”

Napalaki ang mata ko ng mismong sa harap ng Sen'yora ay hinila n'ya ang kamay ko.

“T-Teka saan tayo pupunta?”

“D'un sa mga kaibigan kong ugok.”

Pagkapunta namin sa may likod ay natanaw ko na ang kubo, pumasok na kami doon, tama nga andoon ang mga kaibigan n'ya, pero napalingon ako sa magandang babae na isa sa nasa loob.

Sino s'ya?

“What are doing here bitch?” Rinig kong sabi ni Chadd kay--sino ba s'ya?

“Manahimik ka d'yan Chadd di'ba pwedeng miss ko lang si Kiel?”

Napatigil ito sa pagsasalita ng makitang nasa loob na kami--ay mali ang Sen'yorito lang pala.

“Hi Kiel! Oh how I miss you!” Yumakap ito kay Kiel. Agad rin namang kumalas.

“Diandra, what are doing here?”

“Ahm... I have something to tell you.”

“Ah ganon pwedeng bukas na lang? May pinuntahan kasi ako.”

“Okay, sabihan ko na lang si Lola Selina na i-ready ako ng k'warto.”

“Sige.”

Naglakad na si Sen'yorito paalis kaya umalis na rin ako.

“Ihatid na kita pauwi.”

“Sige,” tipid kong sabi.

Nang sumakay na kami sa kotse nya ay di na ako nagsalita. Sino ba si Diandra? At ano ang importanteng sasabihin n'ya kay Kiel? Isa ba s'ya sa mga naging 'Fling' ni Kiel? Pagkarating namin sa bahay ay una na kong bumaba.

“Salamat sa paghatid, sige papasok na ako.”

Tatalikuran ko na sana sya ng pigilan nya ako.

“May problema ba? Bakit bigla kang tumahimik?”

“Wala naman napagod lang ako.”

“Talaga lang ba? O baka dahil kay Diandra?”

“Huh?”

“ 'Wag ka ng magselos anak lang s'ya ng ninong ko, t'saka we're just friends.”

“Wala naman akong sinasabi eh.”

“Eh bakit ang tahim--”

Pinigilan ko na s'yang magsalita, hinalikan ko s'ya sa labi. Akmang lalayo na ako ng hawakan n'ya ang batok ko para 'di makaalis. Nang una ay mabagal lang ang paghalik n'ya, pero kalaunay ay nagiging mapusok na ito, naghiwalay lang ang mga labi namin ng kap'wa na kaming kinakapos ng hininga.

“Good night,” sabi nito.

“Good night rin, sige papasok na ako.”

Kumaway ito sa akin, at inintay na makapasok na bahay ts'aka ito umalis. Pagkapasok ko ay naabutan kong nanonood si tatay at Levin.

“Tay, Levin andito na ho ako, may pasalubong ako sa inyo.”

-------
(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Kde žijí příběhy. Začni objevovat