KABANATA XXXVIII

981 33 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XXXVIII~

Naging maayos naman ang pasok ko sa trabaho. Buti na nga at hindi ako masyadong na i-issue ,wala naman akong narinig na mga bulungan at nagpapasalamat ako dahil dun.

Nauna na ako pumasok dahil sabi ni Kiel ay may emergency meeting daw sila kaya hindi nya ako naihatid. Alam kong medyo na disappointed lang ako akala ko kasi pag kami na happy-happy na, pero syempre hindi pa rin maiiwasan na busy s'ya, at busy rin ako.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay ginawa ko agad ang trabaho ko, medyo na focused ako sa ginagawa ko kaya hindi ko napansin ang oras, makikusuyo sana ako kay Jasmine na ibili ako ng makakain pero wala na ito sa upuan nya kaya tumayo muna ako at nagpunta sa floor kung saan nandun ang canteen.

Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang mga tinginan, na ikinailang ko. What the hell is happening?

Pumunta ako sa counter at bumili na isang cappuccino at naupo sa bakanteng upuan, kahit na naiilang sa mga tinginan nila ay pinilit kong i-alis ang ilang at uminom na lang. Tahimik akong nagmamasid sa glass wall ng building habang umiinom ng cappuccino ng may naramdaman akong umupo sa harap ko na agad na nag paharap sa akin.

“W-Walter... Ikaw pala.”

Katulad ng dati ay ngumiti ito.

“Hindi mo namang sinabi na sobrang big time ng taong tinutukoy mo sa akin at si Mr. de Valle pala yun.” Tumatawang sabi sa akin nito

Paano n'ya nalaman? Nakita n'ya din ba?

“Ano kasi... A--”

Pinutol na nito sasabihin ko.

“Okay lang, siguro nga ay hindi ka talaga para sa akin.”

Ramdam ko ang ang lungkot nito kaya para mawala ito ay pabiro ko itong hinampas sa braso.

“Ano ka ba! Ang pangit mo kaya pag nakasimangot.”

Natawa ito, kaya natawa na rin ako.

Masaya akong bumalik sa upuan ko dahil ayos na kami ni Walter. Agad kong tinawagan ko si Kiel, sa una ay ring lang ito ng ring hanggang sa namatay.busy kaya s'ya? Sinubukan ko ulit at sa pangatlong ring ay sinagot n'ya na ito.

“Hello Kiel?”

“Hi baby.”

Napakagat ako ng pangibabang labi at napangiti. Sucks!

“Free ka mamaya? Sunduin mo ko dito.”

“Okay I'll fetch you.”

“Thanks, Kamusta ang meeting? Stress ka ba?”

Nagta-type ako kaya inipit ko muna ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat ko.

“Yeah, andami kasing kailangang ayusin, but when I heared your voice, I'm energized.”

Mahina akong natawa, he has a sweet tounge.

“Sige I end call ko na see 'yah'.”

“I love you.” Narinig ko ang hagikgik nito sa kabilang linya.

“I know, and I love you too.”

Pagka end call ko ay nakangiti akong bumalik sa trabaho.

Damn! Anong oras na pero hindi pa dumadating si Kiel.

Asan na ba s'ya?

Napahinto ako ng makitang tumatawag ito. Agad kong sinagot.

“Hello, ba't ang tagal mo?” Medyo inip kong sagot.

May nangyari bang masama? 'Wag naman sana...

“I'm sorry, may nangyari kasi dito na kailangan kong asikasuhin, sorry talaga babawi ako sayo bukas. Promise.”

“Okay lang, sige mag-ingat ka d'yan, wag masyadong mag pagod.”

“Ang swerte ko naman, sobrang caring ng girlfriend ko.”

Natawa na lang ko at unti ng nawala ang inip ko.

“Oo na, ako na caring, bye na.”

“Ingat ka d'yan,” Akmang papatayin ko na ang tawag ng may ihabol ito, “ 'wag kang magpapahatid sa iba huh? Lalo na sa Walter na 'yun.”

Natawa ako at sinagot ito.

“Opo, t'saka friend lang kami ni Walter no!”

“Whatever, sa akin ka na, kaya bawal ng may umepal naiintindihan mo?”

“Opo, sige bye!”

I end call ko na at itinabi na ang cellphone ts'aka pumara ng taxi papuntang condo. Pagkarating ko ay nakita kong nakakunot ang nuo ni Levin habang nag ta-type sa laptop.

Nilapitan ko ito at tinapik ang balikat.

“Hey, there's any problem?”

Humarap ito sa akin at tinanggal ang headphone.

“None, I'm just doing my job.”

Lumayo ako at dumaretso sa sofa at naupo.

“Huh? What kind of job? And wait, may trabaho ka?”

“No, not that, may papalapit na program sa campus and as one of the campus officer, s'yempre kailangan kong asikasuhin 'yun, gutom ka na ba ate? Hindi pa ako nakapagluto.”

“It's okay, ako na magluluto, tapusin mo na lang 'yan.”

“Thanks.”

Pumunta na ako ng kusina at nagluto ng hapunan.

Tinawagan ko na si Kiel habang inaayos ang office suit ko.

“Kiel anong oras ka pupunta dito?”

“Sorry 'di ako matutuloy d'yan.”

Magsasalita sana ako ng may marinig na boses sa kabilang linya.

“Kiel hurry up, hindi ba nagmamadali tayo?”

“Hello kiel--”

“Sorry talaga, bye.”

“Wait--”

Huli na ako at napatay na ang tawag. Damn! Who's that girl? May babae ba s'ya?

B-Baka hindi naman, pero kung totoo man... Ayus-ayusin mo lang talaga Kiel!

-------
(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Where stories live. Discover now