KABANATA VI

1K 33 0
                                    

Awakened Desire

~KABANATA VI~


“Oh ba't tulala ka d'yan? May problema ba?”

Napabalik ako sa wisyo ng marinig ang boses ni Paulo.

“Ah, wala iniisip ko lang pag naghiwalay-hiwalay na tayo nila Mary.”

“Wag kang mag-alala bibisitahin na lang kita sa bahay niyo.” Nakangiting sabi ni Mary.

“ 'Wag nang maingay mga bata magsisimula na ang seremon'ya.” Tumuwid na kami ng tayo.

Ang araw na ito ang graduation namin-ang araw na iniintay ko. Nang tinawag na nakangiti akong umak'yat sa stage, binigay sa akin ng Principal ang sertipiko, sumunod ay sinabitan ako ni tatay ng medalya, at humarap sa camera na may ngiti sa mga labi.

Pagkababa sa stage ay agad akong niyakap ni tatay.

“Anak, congrats sa'yo, proud na proud ako sayo kahit na ganto lang ang buhay natin ay nakapagtapos kapa ng Sekondarya, basta lagi mong tatandaan na kahit mahirap lang tayo ay makakapagtapos ka parin maliwanag ba?”

“Si tatay naman s'yempre magtatapos po ako, balak ko pa po kayong bilhan ng mamahaling kotse sa hinaharap.”

“Kung aabot pa ako.” 'Di ko mas'yadong marinig ang binulong nito.

“Ano po itay?”

“Ah, wala sabi ko halika na at mag-gogoto tayo ni Levin.”

“Congrats ate!” Lalong lumawak ang ngiti ko sa labi ng marinig ang matinis na boses na aking kapatid.

“Tara na Levin, Kakain raw tayo ng goto.”

“Uy, sali naman kami d'yan.”

Napalingon naman ako kala Mary at Paulo na tumatakbo papunta sa amin.

“Oh s'ya, halika na kayo at baka maubusan tayo ng pwesto roon, tiyak na maraming tao roon.”

Lumabas na kami ng campus , pero pagkalabas namin ay nakita ko sila Don'ya Selina at Don Mikael kasama nila si Sen'yorito Kiel, siguro ay katatapos din palang ng graduation ng mga taga-kolehiyo.

“Oh, Lito, congrats sa anak mo.” Nakangiting sabi ni Don Mikael sa amin.

“Salamat Don Mikael, congrats din ho sa apo n'yo.” Magalang na sabi ni Tatay kala Sen'yora.

“Congrats hija.” Sabi sa akin ni Don'ya Selina.

“Salamat po Sen'yora.”

Ngumiti na lang ito sa'kin.


Agad akong naglakad paalis dahil ramdam ko ang presens'ya ng Sen'yorito na nakatingin sa akin.


Pagkatapos namin kumain ay hinatid na kami nila paulo, kasalukuyan kaming nasa kotse si Paulo.

“Salamat hijo, at nagpresenta ka na ihatid kami, kay bait na bata tiyak na ipagmamalaki ka ng mayor.” Sabi ni tatay.

Nasa front seat ito at nakakalong sa kan'ya si Levin habang kami ni Mary ay nasa likuran.

“Asus, Mang Lito baka sakit sa ulo 'yan.” Pabulong na sabi ni Mary pero sapat na para marinig ko.

“Uy, Lieselle, nakita ko yung titig sayo ni Kiel ah, parang may something.”


Dahil sa sinabi ni Mary naalala ko tuloy ang ginawa nyang pagtapat sa akin, mga ilang araw na rin at iniiwasan ko s'ya.


“Naku, Mary lahat na lang ng bagay binibigyan mo malis'ya wala lang' yun noh!” Giit ko dito.

“Sabi mo eh, pero wag mong kalimutan ang payo ko, sinasabi ko sayo Lieselle ikaw ang masasaktan.” Napahinga ako ng malalim sa sinabi nito.

Wala na Mary huli na...




“ANAK pumasok ka na rito sa loob at malamok riyan.”

Lumingon ako kay Tatay na palapit sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo sa duyan sa labas ng bahay namin. Tumabi ito sa akin at hinaplos ang buhok ko.

“Alam mo anak, kung buhay lang ang Nanay mo, tiyak na tuwang-tuwa iyon, pero panigurado kahit nasa itaas na siya ang proud na proud pa rin sa'yo 'yun.”

“S'yempre tay, anak mo ko nagmana ata ako sayo, masipag.” Natatawa kong sabi.

“Alam mo nak, kung sakaling mawala na ako aalagaan mo ang kapatid mo ah, at kahit wala na ako abutin mo pa rin ang pangarap mo sa buhay, para makabili ka ng mga bagay na gusto mo.”

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni tatay.

“Tay naman! Wag ka nga pong magsalita ng gan'yan!”

“Hehe, wag mo na lang akong pansinin basta tandaan mo yung sabi ko sayo.”

“Opo tay, para sayo makakapagtapos ako ng kolehiyo.”

“Tara na ta pinapapak na tayo ng lamok dinhi.”





“ISDA kayo riyan! Isda d'yan, sariwang-sariwa ito!”

Nasa palengke kami ngayon ni Carlos at nagtitinda ng isda na nahuli nila Tatay at Mang Carlito. Ito ang trabaho namin tuwing bakas'yon bukod sa trabaho sa hacienda, kilangan ko kasing makaipon ng pang matrikula para pag nag-kolehiyo na ako.

“Magkano to?”

Napalingon ako sa lalaking nagtanong.

“100 daan po sa isang kilo.” sabi ko.

“Sige timbangin mo na lahat yan, I buy all the fishes.”

“P-Po?” Napaawang ang labi namin ni Carlos sa sinabi nito.

“Papak'yawin ko na lahat.”

“Ah gan'on po? S-sige po salamat!” Natutuwang sabi ni Carlos kung walang ibang tao dito ay baka tumili na ito.

“Balik po ulit kayo, salamat!” Sabi ni Carlos sa lalaking paalis na.

“Grabe! Ikaw na talaga! Biruin mo Lieselle dahil sa ganda mo, naubos agad ang paninda na natin!”

“Ano ka ba, hindi yun sa mukha ko no, baka s'werte lang talaga tayo ngayong araw.” Natatawa kong sabi.

“Ay, teka ano to?” Napatingin ako sa maliit na papel na pinakita sa akin ni Carlos.

I buy all your fishes, I hope na maaga kang makauwi.
-S. E.

“Luh, taray, may pa sulat-sulat pang nalalaman! Kay kuya boy, ba'to galing?”

Kanino ba to galing?

“Baka sa bumili kanina.” Mahina kong sabi.

“Uy, Lieselle naipasa ko na yung mga requirement natin para sa mga naghahanap ng scholarship , sana nga ay isa tayo sa makakuwa, pero sabi raw baka daw sa Maynila.”

“Ayos lang naman yun eh, magkasama naman tayo eh.”

“Oo nga no? Pero hindi din sure kasi baka rin daw sa katabing bayan lang ang makapagbigay sa atin, edi d'yan lang tayo sa kabilang bayan mag ko-kolehiyo.”

“Kahit saan basta makapag-aral.”

Tumigil na kami sa pagke-k'wentuhan ni Carlos ng pumunta na ito sa hardin para maghakot ng pampataba sa mga halaman samantala ako dumeretso sa kuadra para maglinis.

Tahimik ako sa paglilinis pero.

“Lieselle.”


--

(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon