KABANATA XXXII

941 30 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XXXII~

“Ate ba't ngayon ka palang umuwi?” Bungad sa akin ni Levin pagkabukas ng pintuan sa akin.

Napakamot ako ng batok at nag-iwas tingin.

“Tambak kasi ang mga trabaho sa office kaya late nakauwi.”

Pagkapasok ko ay pagod na umupo sa sofa, sino ba naman 'di mapapagod?

“Sino ba kasi yang boss nyo at biruin mo, alas dies na ng hating-gabi ka pinauwi?”

“Pabayaan mo na 'yun.” Pinikit ko na ang mata ko at humilata sa sofa, oh damn I'm so tired and I can clearly feel that I'm sore.

“Tumayo ka nga d'yan ate!” Sabi nito at pinapatayo ako.

“Bakit ba kasi?” Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko.

“Ngayong gabi ang alis natin papuntang Sta. Barbara.”

Napabalikwas ako at napalaki ang mata.

Shit! Ngayon pala ang kasal ni Mary, sa maniwala kayo o sa hindi hindi ko kilala ang lalaking papakasalan ni Mary, basta nagulat na lang kami ay nagpadala na lang s'ya ng wedding envitation.

“Ready na kami ni kuya Carlos, nilalabas nya na lang ang maleta.”

“A-Aalis na? Wait maliligo lang ako.”

Napatingin kami kay Carlos na kabubukas pa lang ng pintuan ng kwarto n'ya.

“I'm ready!! Tara gora na tayo!” Hila-hila nito ang maleta n'ya at lumapit sa amin.

“Saglit maliligo lang ako, ts'aka kukunin ko pa yung maleta ko.”

“Nailabas ko na ang gamit mo te, nasa kotse na rin. Ts'aka wag ka ng maligo, duon na nag-mamadali tayo.” Hinila n'ya na ako palabas ng condo unit, gusto kong maligo! Ang lagkit ng pakiramdam ko!!

Pagkasakay ay si Levin at Carlos ang nasa unahan samantala ako nasa likuran. Si Carlos na rin ang pinamaneho ko. Napapikit ako at sumandal sa upuan. Ahm, pa'no na to? I gave my self to him, should I hide my self to him? Pa'no na to?

Dahil sa pagod ay natulog na ako.Nang makarating ay bumaba muna kami nila Levin sa bahay. Binuksan ko ang pintuan ng bahay at bumungad sa amin ang maalikabok na paligid. I miss my old house. Ngumite ako kay Levin ng makitang nakatingin ito sa family picture namin nila tatay habang may gupit na picture ni nanay ang nakasali.

“Maglinis na tayo.” Aya ko rito.

Nag-walis at nag-lampaso na kami sa lapag,at sa wakas ay nakaligo na rin.napamura ako ng maramdaman ang kirot sa gitnang hita ko, habang naliligo, peste! Buti salamat sa Diyos at nakalakad pa ako. Why that man is so... Ahm ... 'Wag ko na ngang ituloy.

Wala naman mas'yadong dumi kaya natapos kami agad, dumaretso kami kala Mang Carlito.

“Ang laki na ng batang ito, aba'y ke-gwapo!”

Natawa naman kami ng makitang sumimangot si Levin ng guluhin ang buhok nito ni Mang Carlito, naupo kami sa upuan na gawa sa kahoy, nagdala naman ang nanay ni Carlos ng pagkain.

Habang kumakain ay lumingon sa amin si Mang Carlito.

“Hay! Grabe talagang magkaibigan lang kayo nitong anak ko no? Sabihin mo nga sa akin Lieselle may girlfriend na ba itong bunso ko?”

Mahina akong natawa ng makitang muntikan ng ma-ibuga ni Carlos ang iniinom n'yang juice.

“Wala pa ho Mang Carlito mapili kasi itong anak n'yo.”

Pinalakihan ako ng mata ni Carlos pero tinawanan ko lang s'ya.

“Dadaan muna ba kayo sa puntod ng tatay mo bago dumeretso sa mans'yon nila Mary?”

“Opo Mang Carlito.”

Nang matapos ay dumeretso kami ni Levin sa Sementeryo para dalawin ang tatay. Dahan dahang nilapag ni Levin ang bulaklak at umupo sa nakalatag na kumot kasama ko.

“Tay, alam nyo po ba, natupad na po natin ang pangarap natin. May kotse na ho ako, tapos si Levin napaaral ko na ho sa private school, sayang at wala kayo rito.”

Bumuntong hininga ako at pinipilit na 'di tumulo ang luha ko, pinisil naman ni Levin ang pisngi ko at tumingin sa puntod.

“Ako rin tay, nangunguna po ako sa klase, inaalagaan ko po rin si ate, dahil andaming manliligaw.”

Mahina akong natawa at tinampal ang braso nito.

“Alam nyo tay, pinag-aagawan ako ng mga babae kasi napaka-gwapo ko, mana sa inyo.”

Natawa ako at tumingin sa kan'ya.

“Ang hangin mo, Sige ka't baka biglang bumangon dyan si tatay,” pananakot ko dito.

“Bakit naman ate? Sinasabi ko lang ang totoo no! ”

Halos puro tawanan at biruan ang naging ganap sa pag-dalaw namin kay tatay. Kinabukasan ay naghanda na kami para sa kasal ni Mary, kay Mary rin kasi galing ang mga susuutin ko, I'm her bride's maid.

Nang makarating sa simbahan ay halos mapalaki ang mata ko ng makitang si Paulo ang groom n'ya?! Kahit na med'yo gulat pa ako ay umupo na ako at hinintay na namin ang bride, finally Mary enters the church with her fabulous gown, napangiti ako ng makitang naluluha ito, well tears of joy...

Nang mag-simula na ang wedding ceremony ay halos nagsiluhaan at nagtawanan ang bisita dahil sa mga vow nila. Nang matapos na ang kasal ay dumaretso kami sa mansyon nila Mary para sa reception.

“God! This is true? Kayo talaga nagkatuluyan? Samantala sa dati para kayong aso at pusa.” di makapaniwala kong sabi habang pinapaikot ang grape wine sa baso ko.

Tumawa naman si Paulo pero si Mary ay napasimangot.

“Sabi nga nila the more you hate the more you love.”

Natawa ako, hindi ko akalaim na magiging sila.

Nang matapos sa pagkekwentuhan ay umalis muna sila saglit para i-entertain ang ibang bisita. Nang maubos ko na ang iniinom ko ay tumayo ako para hagilapin si Carlos at Levin.

'Asan kaya yung dalawang 'yun?

“Lieselle, is that you? Can I talk to you?”

Gulat akong napalingon sa kan'ya.

Anong ginagawa ni Diandra dito?

--------
(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin