SIMULA

3.7K 70 5
                                    

~Simula~

"Lieselle bilisan mo at baka mahuli tayo magagalit si Don'ya Selina sa atin."

Agad kong sinuot ang salakot at binitbit ang bayong.

"Levin bantayan mo muna si itay at pupunta muna ako sa hacienda ng mga de Valle."

Humarap sa akin ang sampung taong gulang kong nag iisang kapatid.

"Ate paano pag nagmapilit na naman si tatay na umutang kala Manang Tina ng tuba?"

Tinapik ko na lang ang balikat ni Levin.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Sige pabayaan mo na lang siya, basta bantayan mo na lang at baka mapano, oh s'ya, mauna na ako."

"Sige mag ingat ka ate."

Kumaway na ako kay Levin at pinuntahan na si Carlos.

"Ang tagal mo."

Nakabusangot nitong sabi.

"Pasens'ya na, tara na."

Habang naglalakad napatingin ako sa mga nagtataasang mga puno ng niyog at mangga parang slow motion na hinahangin ang mga dahon nito, hanggang sa mga ibon na nag sililiparan sa himpapawid.

"Balang araw makaka apak rin ako sa Maynila."

Wala sa sarili kong sabi, agad na napaharap sa akin si Carlos

"Bakit ba gusto mo sa Maynia? Eh maganda naman dito sa Sta. Barbara sariwa ang hangin, malapit lang ang dalampasigan at kahit na maputik dito ay malinis naman ang paligid."

"Oo nga at maganda dito, pero mas malaki ang sahod roon sapat para makaipon ng pera para sa amin nila Levin."

"Hay ewan!"

Napahinto kami ng nasa harapan na kami ng Hacienda ng mga de Valle, pinindot na ni Carlos ang door bell sa mataas nitong gate.

"Uy, alam mo ba balita ko dito raw mag-aaral si Kiel ng ikaapat na taon sa kolehiyo."

Napatingin ako sa dalawang babae na nag k-kwentuhan.

"Talaga? Oh my! Kinikilig ako! Eh anong kurso nya?"

"Ayon kay Manang Lolit, Engineering daw ang kurso ni Kiel."

"Ay sayang Comers tayo eh."

"Okay lang yun, at least school mates n'ya tayo."

"Hoy Lieselle, anong tinanatayo-tayo mo pa riyan? Halika na at baka masarhan ka na ng gate."

"Ah, pasensya na."

Pumasok na kami sa Hacienda at bumungad sa amin ang water fountain ng mga de Valle.

"Carlos kilala mo yung Kiel?"

Napahinto si Carlos at gulat na napatingin sa akin.

"Huh? Di mo sya kilala trabahador ka ng mga de Valle pero di mo s'ya kilala?"

Napairap naman ako at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Ay sus maria! Si Kiel ang apo nila Don'ya Selina at Don Mikael."

"Ahh, ganon? Di ko pa kasi s'ya nakikilala eh."

"Wag kang mag alala makikilala mo na s'ya darating na 'yun ngayon kaya bilisan na natin para maaga tayong matapos sa pag ayos ng hardin alam mo namang ang lawak-lawak ng hardin nila dito."

Tahimik na naming pinuntahan ang hardin.

Trabahador kami rito ng mga de Valle dahil sa kahirapan ay pumasok ako rito sa Hacienda para pang tustos namin sa pang araw-araw na pagkain at para sa pag-aaral namin ni Levin, simula ng mamatay si Inay sa pag papanganak niya kay Levin at doon nagsimula ang paglalasenggo ni tatay kaya hindi na siya nakakapagtrabaho.





"LIESELLE, Carlos , pinapapunta tayo roon nila Don'ya Selina dumating na ang apo n'ya."

"Ah ganon ba? Sige susunod na kami ni Liselle." Sambit ni Carlos.

Iniwan muna namin ni Carlos ang gawain sa hardin at pumasok sa mansyon, napatingin ako sa mga trabahante dito sa hacienda katulad ko na nakaayos ang hilera at napadpad ang tingin ko kala Don Mikael at sa kasama ng nilang lalaki, napalunok ako ng humarap ito sa gawi namin.

Ang buhok nitong umaalon-alon dahil sa hangin, ang mga kilay niya na makakapal, mga mata na kulay abo, ang ilong nitong mahihiya ka dahil sa perpekto at ang mga labi nito na--teka, ba't ko ba sinusuri ang taong ito?

"Oh, and'yan na pala sila Carlos kumpleto na tayo." Sambit ni Don'ya Selina.

"Magandang umaga po Sen'yora." Bati ko.

"Magandang umaga rin Lieselle balita ko ika-12 ka na sa pasukan malapit ka ng grumaduate ng high school nakakatuwa naman."

"Salamat po Sen'yora." Tipid akong ngumite rito.

"By the way this is my grandson Ezikiel Vinn de Valle nais kong respetuhin at paglingkuran n'yo siya katulad ng paglilingkod n'yo sa amin ng asawa kong si Mikael habang naririto siya, malinaw ba?"

Nagsitanguan ang iba at ang iba ay um-oo.

Tumingin naman ako sa Kiel sa apo nila Don'ya, laking gulat ko ng nakatingin rin ito sa akin, agad akong umiwas ng tingin dahil sa klase ng titig n'ya.

Ang mga titig n'ya, sisiguraduhing kikilabutan at kakabahan ang sinong titingin sa mga mata n'ya.

--

(A Novel By biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon