KABANATA XXXIII

937 28 3
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XXXIII~

“D-Diandra what are you doing here?”

Ngumiti muna ito ts'aka umupo, kaya umupo na rin ako, well wala naman akong galit sa kanya, siguro ay s'ya talaga ang mahal ni Kiel diba? Pero... 'Yung nangyari sa amin?

“Kinakapatid ko si Paulo, yung groom, hindi mo kasama si Kiel?”

Pano ko naman makakasama si Kiel? Di'ba dapat sila yung magkasama? Nakokonses'ya tuloy ako sa nangyari, may anak na yung tao tapos ganto pa ang nangyari.

“B-Bakit ko naman s'ya makakasama?”

Napawi ang ngiti nito at nagtatakang tumingin sa akin.

“You mean, hindi kayo magkasama?”

“Hindi, t'saka dapat kayo nga ang magkasama di'ba?”

Nahinto ito at tinitigan ako.

“Huh? Why?”

Inayos ko ang upo at malamlam na tumingin sa kan'ya.

“Ahm, kasi may anak kayo?” Nahihiya kong sabi.

Lumaki ang mata n'ya at biglang tumawa.

“What?! 'Yun ba ang dinahilan sayo ng hudyo na yun para makuha ka lang? He's an idiot,” tumawa ito ng tumawa habang ako ay nagtataka na pinagmamasdan s'ya.

“Bakit ka tumatawa? I mean bakit parang okay lang sayo? Di'ba may anak kayo?”

Tumigil ito sa pagtawa at tiningnan ako ng mabuti.

“Wala kaming relasyon.”

“Naghiwalay kayo? Pano yung bata--”

Pinutol na nito ang sasabihin ko.

“Okay lang na maging kayo, wala kaming relasyon, wala ring kaming nararamdaman sa isa't-isa.”

Naguguluhan ako, anong...

“Mama! Mama!” Sabay kaming lumingon ni Diandra sa pinanggagalingan ng matinis na boses.

Pagkalapit ni Diandra sa bata ay lumuhod ito para magpantay sila ng mukha.

“Tapos ka mag CR?”

Ngumiti ang bata.

“Opo--wait who's she?” Tinuro ako nito at parang na e-excite.

Lumingon sa akin si Diandra at ngumiti.

“She's your Ninang Lieselle, your Ninong Kiel's wife.”

What wife? Ninang? What is happening?!

Tumingin ang bata sa akin at kumaway.

“Hi po ninang! Ako po si Darrah, your so pretty po bagay kayo ni Papa Kiel.” Humagikgik ito at yumakap sa binti ni Diandra.

“W-Wait she's Kiel's goddaughter--”

“Why don't you ask Mary? She knows everything, mauna na kami ni Darrah at hinihintay na kami ni Christian. By the way nice to see you again Lieselle I hope you and Kiel go back together.”

Umalis na ito sa harap ko kasama ang batang nagngangalang Darrah.

Halos lutang akong naglakad para makita si Mary. I want to talk with her, sobrang gulo na ng utak ko. Ts'aka anong kinalaman ni Mary dito?

Papunta ako ng ikalawang palapag ng mansyon ng makita ko itong nasa kusina at tumutulong sa mga naghahanda ng mga pagkain.

“Mary...”

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon