KABANATA XXIV

853 31 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XXIV~

“Lieselle, pakibilisan nga at baka ma-late ako, may meeting kami ngayon eh.”

“Ikaw kaya dito mag-drive, makareklamo tong baklang ito, hoy Levin, ibaba mo nga yang mga paa mo.”

Imbes na sundin ay 'di ito nakinig.

“Pano makikinig 'yan Lieselle, eh tingnan mo nga di-head phone.”

Sinen'yasan ko si Carlos na tanggalin ang headphone nito.

“What the--”

“ 'Wag mo kong ma-what the-what the d'yan Levin, umayos ka ng upo mo at baka palakarin kita papasok.”

Umayos ito ng upo at sa bintana na lumingon. Pagkarating namin sa harap ng Ateneo de Manila, ay bumaba na sila.

“Hoy Levin, may nakakalimutan ka ata?”

Tamad itong humalik sa pisnge ko at kumaway na paalis. Binuhay ko na ang makena at nagmaneho na papuntang Axth Cars. Pagkarating ko doon ay binati na ako ng mga katrabaho ko,pumasok na ako sa department namin at umupo na sa cubicle ko.

“Good morning Ms. Lieselle!” Masayang bati ni Jasmine ang isa sa intern.

”Good morning rin Jasmine, ready ka na ba sa presentation natin? Kasama kita sa mag pe-present mamaya.”

“Yes, Miss Lieselle kaso med'yo kinakabahan.”

Mahina akong natawa at tinapik ang kaliwa nitong balikat.

“It's okay , ganyan rin ako when I was fresh graduated, basta think positive and always presentable.”

Ngumiti ito.

“Miss Lieselle, gusto n'yo ng coffee? Magtitimpla kasi ako.”

Binuksan ko na ang laptop at inayos na ang ipapakita naming new designs.

“Okay, give me coffee with milk.”

“Sige po, hintayin n'yo na lang ako.”

Tumango na lang ako at humarap ulit sa laptop.

“Hi, Lieselle, busy na busy ka ah.”

Napaharap ako sa kadadating si Walter, isa sa mga ka-officemate ko.

“Yeah, may presentation kasi kami ni Jasmine.”

Inilapag nito ang dala nyang attache case at pumunta sa likuran ko para tingnan ang ginagawa ko.

“Wow, new designs?”

“Yeah.”

Tumango-tango ito at bumalik sa sarili n'yang cubicle. Sakto namang dumating si Jasmine at inabot ang kape, kaya agad akong nagpasalamat.

Kinakabahan akong tumingin sa wristwatch ko at inayos ang mga papeles. Samantala si Jasmine ang naglalagay ng mga folder na may lamang tungkol sa presentation namin.

“Lieselle, and'yan na ang Sir.” sabi ng sekretar'ya ng CEO ng kompan'ya na ito. It's just five months earlier when his father appointed him. His father Freddilion Aguille own this company.

Bumukas ang malaking pintuan ng conference room, at pumasok na roon ang Sir kasama ang ibang mga kasama sa presentation na ito. Lumapit sa akin ang Sir Fourth, I remembered him, s'ya 'yung isa sa mga kaibigan ni Kiel, na nakilala ko sa birthday ni Kiel, pero ng sinabi kong kilala ko s'ya ng unang pasok ko rito, sabi n'ya he doesn't remember me, pero mas mabuti na 'yun.

“Lieselle, get ready, the board members and share holders here in just minutes.”

Malamig n'ya akong tiningnan at umupo na sa p'westo n'ya.

“Miss Lieselle, and'yan na raw ang board members, start na tayo,” pagkabulong ni Jasmine nun ay pinatay na ang ilaw kaya kaming dalawa lang ang kita sa loob samantala 'di namin makita ang mga mukha nila President.

I-diniscuss na namin ang mga bagong disen'yo ng mga kotse, maayos naman ang kinalabasan dahil sumang-ayon naman ang mga nakikinig at tinanggap kaagad. Pagkatapos ay naunang lumapit si Jasmine sa mga gawi ng Engineer, investors at sa President. Samantala ako ay inayos ko muna ang mga papeles.

“Miss Lieselle, tawag ka ng Sir.”

Binaba ko muna ang hawak kong folder at lumapit sa gawi ng mga nag-uusap na sila Sir. Katulad ng dati my heart beats like crazy. Shit! Kala ko ba move on na ko?!

“This is Lieselle, one of my designers here, Lieselle this is Eng. Ezikiel Vinn de Valle, owner of de Valle Hotels, one of our Eng. and investors.”

Halos mapigilan ko ang paghinga ng magtama ang tingin namin. Napalunok ako ng makita ko ang mga mata nya wala akong mabasang emos'yon doon. At isa lang ang masasabi ko, walang nagbago sa kanya, tulad ng dati laging agaw atensyon ang itsura nito, pero nag matured na ang itsura n'ya na lalong nagpadagdag sa kakisigan nito.

Uh-oh.

------
(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Where stories live. Discover now