Chapter 2

110K 3K 111
                                    

Chapter 2

Amethyst's POV

Naglalakad ako sa hallway ng may biglang sumigaw ng pangalan ko kaya napakunot ang noo ko at nilingon kung saan nangaling ang boses na 'yon.
Nakita ko si Sam sa dulo ng hallway na tumatalon pa habang kumakaway sa akin.

"Oh Summer,buhay ka pa pala?"-asar na tanong ko.
Summer ang pangalan niya at tinatawag ko siyang Sam dahil iyon ang palayaw niya.

Ngumiwi siya at tsaka kumapit sa braso ko at sinabayan ako maglakad.
"You're so mean,Amethyst Jack.May pinuntahan lang ako kaya nalate ako."
Agad akong napangiwi nang tawagin niya naman ang buong pangalan ko.

"Stop it.Alam mo bang ilang beses ako umikot sa buong school para hanapin ang room ko?"-sabi ko kaya humiwalay siya akin at pinagdikit niya ang dalawang palad na parang humihingi ng tawad.

"Sorry.At saka pwede mo naman tignan sa office ang pangalan mo ah.Bat hindi mo ginawa?"
Napasinghap naman ako dahil sa tanong niya kaya tumango tango siya at itinaas ang dalawang palad na parang sumusuko.Alam niya kasing tamad ako pagdating sa mga ganitong bagay.

"At dahil jan ililibre mo ako ng lasagna mamaya."-sabi ko tapos ngumisi.
Ngumiwi naman siya napabuntong-hininga.
"Okay fine."

Dahil late si Sam,hindi kami magkatabi.Pero medyo malapit lang naman siya dahil sa harap ko lang ang row kung nasaan siya.Buti nga hindi siya pinagalitan eh.Inexcuse kasi siya ng parents niya.

"Miss na masungit,bakit pang-lalaki ang pangalan mo?"-tanong ng katabi ko pagkaupong pagkaupo ko.Ngiting-ngiti pa siya na parang inaabangan ang pagdating ko.

"Can you please shut up?"-bagot na tanong ko at inirapan siya kaya agad siyang napailing bago ako muli tignan.
"Bakit ang sungit mo?"-kunot noo na tanong niya.

"Bakit pakielamero ka?"

Tinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko.Kaya napataas ang isa kong kilay.
"Im just asking,Gusto ko lang naman na maging friends tayo."

"Really,huh?"-sarkastikong bulong ko kaya tumango siya ng tumango habang nakangiti.

Pagdating ng uwian ay hindi agad ako lumabas dahil kitang-kita ko ang pagsisiksikan ng mga kaklase ko habang naghaharutan na parang batang gustong gusto na makalabas.

"Tara na,Sam.Ililibre mo pa ako."-sabi ko at hinigit si Sam na naglakagay ng face powder sa mukha.Sinamaan niya ako ng tingin pero sinalpak ko ang earphone sa tenga ko kaya napabuntong hininga na lang siya at saka niligpit ang mga gamit niya.

Pagdating namin ng mall,ay inaya niya ako sa isang fast food restaurant kung saan ako laging bumibili ng paborito kong lasagna.Doon na kami kumain dahil umorder din siya ng pasta na gusto niya.
Nagpa-take out din ako ng isa pang styro para may kakainin ako mamaya sa bahay.

"Ah Sam,Pupunta lang ako sa bookstore."-sabi ko pagkadaan namin sa isang bookstore.Tumango naman siya at tinapik ako na ginagawa niya pag magpapaalam.
"Okay,bibili lang din ako ng perfume doon.Just call me."-sabi niya at tinuro ang isang kilalang shop sa sunod na palapag.

Pumunta na ako ng bookstore para bumili ng mga gamit at ng libro.May sketchpad,g-tech pen,color pencils,pencils at drawing guide magazines.

Naisipan kong tumingin ng bagong libro.
Habang tumitingin ako ng libro ay agad na napakunot ang noo ko ng may marinig akong nagsalita.
"Mahilig ka pala magdrawing."

At tama nga ako,si Keith.Nakatayo siya habang nakasandal sa isang stante.Nakangisi pa siya at tinitignan ang nga pinamili ko.
"Are you stalking me?"-diretsong tanong ko.

Umiling naman siya at iminuwestra pa ang dalawang kamay.
"No,Im not.Bibili ako ng magazines eh."-nakangiting sagot niya at itinaas ang tatlong magazine at isang libro ng comics.Napakunot ang noo ko ng may makita akong magazine na may front page na seksing babae.
"Pervert."-bulong ko.Narinig niya 'yon kaya umiling na naman siya.

"No.I'm not.May sarili rin namang needs ang mga lalaki."-sabi niya at tumaas baba pa ang dalawang kilay.
Hindi ko na siya sinagot at diretsong naglakad papunta sa counter matapos kong kuhain ang isang libro.Pagtapos kong bayaran.Tatawagan ko sana si Summer,pero biglang tumunog ang phone ko na senyales na may nagtext.

From: Summer

Hey Jack,got to go.Mag commute ka na lang.Coach called me.Kailangan daw ako ngayon sa school.

To: Summer

K.

Naalala ko na player nga pala ng volleyball si Summer.Kaya itinago ko na lamang sa bulsa ang phone ko at nagsimula maglakad.

"Amethyst."
Muntik ko na masapo ang noo ko dahil narinig ko na naman ang boses niya.Ano na naman ba ang kailangan niya?

"Ano na naman ang kailangan mo?"-walang emosyong tanong kahit sa loob ko ay inis na inis na ako.Ngumiti naman siya agad bago ako sagutin.
"Gusto mo sumama sa Quantum?"
Ano bang pakay niya?We're not even friends pero tinatanong niya ako kung gusto ko bang sumama sa kanya.Weirdo.

"No thanks.Kailangan ko ng umuwi."-sagot ko at mabilis na naglakad paalis ng mall.

Pagka-uwi ko sa bahay ay nakita ko agad si Nike na nakadapa sa sofa habang naglalaptop.Mas matanda siya sa akin pero kung umasta siya ay parang bata.

"Sis,come here."
Lumapit naman agad ako sa kanya at tinignan siya na bumubungisngis pa habang nakaharap sa laptop.
"Look,pogi diba?Nabalitaan ko na kaklase mo pala siya."

Napatingin naman ako sa picture na tinuturo niya sa laptop.Picture 'yon ni Keith na nakangisi at nakataas ang kamay nito na may hawak na cup.Tch.

"Nope.Not interested.Tigilan mo ang binabalak mo."-bored na sabi ko.
Minsan na niya akong minatchmake sa kakilala niya,naalala ko pa non na tinawag ako ni Nike sa coffee shop na pag-aari ni Mommy at pagdating ko ay pinakilala niya ako sa isang lalaki at kung ano ano pa ang ginawa niya.

"But he have the looks.Malay mo siya na pala ang forever mo."-pilit niya at tinuloy ang pagbabrowse ng pictures neto.
"Ang gwapo talaga niya.Swerte mo naman at kaklase mo siya."-kinikilig na sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ba't gwapo?Diba dapat gago?"

"So mean,I know you're classmates pero don't judge him."
Napa-iling naman ako at agad na umakyat na kwarto upang magpahinga.

------------x

Please vote and comment.Thank you,readers!

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon