Chapter 1

177K 4K 228
                                    

Chapter 1

Amethyst's POV

"Jack,pagod na ako."-sabi ni Sam habang nagpupunas ng pawis.
Hanggang ngayon kasi,tinitrain ko pa rin siya.Para ibang techniques naman yung sa susunod.Sam is my bestfriend since we were kids.Kasali rin siya sa grupo ko.

"Okay.Magpahinga ka na.First day ng pasukan bukas eh."
Ngumiti naman siya at kinuha ang mga gamit niya.Patakbo siyang lumabas ng pinto habang kumakaway.
"Sige.Kita na lang tayo bukas."

Sumakay na siya sa kotse niya tapos umalis.
Nagte-training kami para marami kaming magamit na techniques pag may laban kami.
Isa kaming grupo ng mga tao na lumalaban sa ibang grupo sa 'underground'.Sabi ng ibang tao ay 'gangster' daw kami.

Halos lahat ng nasa grupo ko ay kaibigan ko.'Yon nga lang,ang iba sa kanila ay wala ngayon dito.Hindi ko alam sa mga 'yon kung anong ginagawa nila sa ibang bansa.Hindi kami lumalaban sa underground ngayon dahil hindi pa kami kumpleto.

--------/

Kanina pa ako pa-ikot ikot sa kakahanap ng classroom namin.Bago lang naman kasi ako dito.Pero galing lang ako sa kalapit nitong school kaya medyo may mga nakakakilala sa akin.Isa pa,Napunta din ako dito kasi dito nag-aaral si Nike at Sam.

Bago pa man ako bumaba para magtanong ng section ko ay may lalaking kumalabit sa akin,
"Miss."
Tinignan ko naman siya na parang nagtatanong.Hindi pamilyar ang mukha niya kaya hindi ko alam ang pakay niya.

"Ikaw si Amethyst di'ba?"-nakangiting tanong niya kaya tinanguan ko siya.
"Magkaklase tayo.Sa third floor pa ang room natin,narinig ko kasi na kanina ka pa bumubulong ng pangalan ng section natin kaya kinausap na kita."
Medyo naguguluhan ako dahil hindi ko alam paano niya nalaman ang pangalan ko at ang itsura ko.Pero mukha naman siyang mapapagkatiwalaan kaya tumango ako at sinenyasan siyang maglakad na.
May itsura naman siya.Sa katunayan l,may kahawig pa siyang kpop idol na nakita ko sa telebisyon nung minsang pumunta ako sa kwarto ni Nike.

"Miss Seo right?Pwede ka umupo doon sa vacant seat sa bandang likod.But first,introduce yourself."-sabi nung babae na mukhang adviser ata namin.Tumango lang ako tapos humarap sa mga classmates ko.Mukhang magkakakilala na sila dahil karamihan ay nag-uusap at nagtatawanan pero dahil sa sinabi ng guro namin ay tumahimik sila at tumingin sa akin ng nakangiti.

"Im Amethyst Jack Seo.Nice to meet you."-sabi ko tapos tumango.Tumango tango sila at bumalik na sa ginagawa kaya diretso na lamang ako naglakad papunta sa upuan ko.

Pagka-upo ko doo sa bandang likod ay ngiting-ngiti na humarap sa akin ang katabi ko at nagsalita,
"Im Keith."
Inabot niya ang kamay niya pero tinanguan ko lang siya at diretsong tumingin sa guro namin na nagsusulat ng kung ano-anong requirements niya.

"Sungit."-bulong niya pero hindi ko na lamang pinansin.

Pagkatapos ng klase ay bumili muna ako ng pagkain sa canteen bago umakyat ng rooftop.Mas gusto ko doon dahil tahimik at walang tao.Mahilig ako sa ganitong lugar tapos ay makikinig ako ng music o magbabasa ng libro.

Pagpasok ko ay agad ako naupo sa sahig na malapit sa railings at kinabit ang earphones ko para makinig habang kumakain.

"Hmm.Nandito ka rin?What a coincidence."
Hindi pa ako nakakapili ng music kaya narinig ko agad yung nagsalita.Tumingin ako sa kanya at nakangiti naman siyang nakatayo malapit sa pwesto ko.Siya yung katabi ko kanina,kung hindi ako nagkakamali ay Keith daw ang pangalan niya.May dala pa siyang bote ng gatorade bago umupo malapit sa akin.

Hindi ko na sinagot ang tanong niya at agad na pumili ng music.Nagsimula na rin ako kainin ang burger na binili ko sa baba.

"Miss,ngayon lang kita nakita dito.Transferee ka ano?"

Hindi ko pa rin siya pinansin kahit naririnig ko ang malakas na boses niya.Dahil hindi ko siya sinagot nakita ko sa gilid ng mata ko na unti unti siyang umuurong papunta sa akin.

"Nakita ko na magkasabay kayo ni Hideo pumasok ah.Magkakilala ba kayo?Imposible naman na maging girlfriend ka niya kasi ang ganda mo.Mag-"

Napatigil siya sa pagsasalita nang inilukot ko ang burger wrapper bago nilagay sa bulsa ko at tsaka ako tumayo.Nilakasan ko din ang volume ng phone ko para hindi marinig ang boses niya.Masiyado siyang makulit.

"Saan ka pupunta?"-tanong niya at hinawakan pa ang braso ko.Nakakunot ang noo niya dahil siguro hindi ko siya pinapansin.

"Sa pupuntahan?"-patanong na sagot ko.
Kahit ganon ang sagot ko ay agad siyang ngumiti na parang tanga.
"Finally,sumagot ka din.So pwedeng sumama?"

"Bawal ka doon."-sagot ko at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.Maglalakad na sana ako paalis pero nagsalita na naman siya,
"Bakit?Ikaw ba may-ari nung pupuntahan?"-pabirong tanong niya kaya napataas ang isang kilay ko at tumingin sa kanya.Ngiting-ngiti pa rin siya at parang tuwang tuwa sa sinabi niya.

"Bakit ka ba tanong ng tanong?"
Kahit nababagot na ako ay kalmado pa rin ang boses ko dahil hindi ko naman ugali na sumigaw ng walang dahilan.
"Kailan pa naging sagot sa tanong ang isa pang tanong?"-tanong niya na hindi pa rin nawawala ang ngiti.Nakakainis.

"Ngayon lang."-bored na sagot ko.
Tinignan ko lang siya at naglakad na para umalis.Hindi na naman siya humabol at nagsalita kaya nakaligtas ako sa pangungulit niya.

Mahaba pa naman ang oras ng break time kaya naglakad lakad muna ako sa baba malapit sa garden,hindi katulad sa rooftop ay may ilang estudyante dito na nagtatawanan at ang iba ay may kung ano anong ginagawa.Umupo ako sa isang bench at pumili uli ng kanta sa playlist ko pero bago ko ito maplay,
"Hideo nga pala."
Tumaas ang isang kilay ko at napatingin sa kanya.Iniaabot niya pa ang kamay niya.Siya yung lalaki na nagsabi sa akin na sa third floor ang classroom namin.

"Amethyst."-sabi ko nalang dahil baka sabihin niya na tinulungan niya ako pero sinungitan ko lang siya.
Nag-brofist lang ako sa palad niya imbes na abutin ito kaya tumawa siya ng mahina.

"Bakit mo nga pala naisipang lumipat dito?Galing ka sa kabila diba?"-tanong niya na parang interesadong interesado.Nagkibit balikat ako bago sagutin ang tanong niya,

"Galing nga ako sa kabila.Nandito ako kasi nandito din ang kaibigan ko."
Tumango-tango naman siya bago uli nagsalita.
"Hmm.Magkaano-ano kayo ni Selene?"

"Kapatid ko siya."
Bago pa man siya makapagtanong uli ay sinenyasan ko siya na mauna na ako kaya kahit gusto niya pa magtanong ay tumango na lamang siya.

-------x

Please vote and comment.Thank you,readers.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon