Chapter 27: Manhid

27 2 0
                                    

HANNAH's POV:


Bakit magkasama sina Jasphere at Monnah? Si Jasphere ba ang dahilan kung bakit nagmamadali si Monnah kanina? May tinatago ba sya sa'kin? May relasyon ba sila ni Jasphere?


Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Ang sakit . Pakiramadam ko, unti-unti akong pinapatay. Habang nakita ko silang magkahawak-kamay, para akong sinasakal. Hindi ako makahinga. Ganito ba talaga kapag inlove? Kailangan mong masaktan?


Tumutulo parin ang ga luha ko. Parang ayaw yatang huminto. Bakit ba kasi si Jasphere pa ang minahal ko? Alam ko namang napaka-imposibleng magugustuhan niya ako.


Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Si Monnah ang mahal ni Jasphere. Monnah Lorraine Santillan. Ang galing naman, diba? Mahal ng taong mahal ko ang bestfriend ko. Pero si Monnah? Mahal ba nya si Jasphere? Bakit wala syang sinabi sa'kin?


Alam naman n'yang matagal ko nang gusto si Jasphere. Sinasabi  ko nga sa kanya na si Jasphere ang ideal guy ko. Pero bakit pinatulan nya? Sadya bang manhid sya o nagpamanhid-manhidan lang?


Kaya ba tinatago ni Monnah sa'kin para hindi ako masaktan? Pero ano ngayon? Nasasaktan ako. Isipin ko palang na masaya si Jasphere sa piling ni Monnah, nahihirapan na ako. Bakit ba naman kasi sa lahat ng babaeng pwedeng magustuhan ni Jasphere, si Monnah pa.


Hindi parin ako huminto sa kaiiyak. Ang sakit talaga ng nararamdaman ko ngayon. Matagal ko nang pinangarap si Jasphere. Matagal ko nang hiniling na sana magugustuhan rin nya ako. Pero sa nakita ko kanina, ang labo. Ang labong mangyari.


Hindi ko naman magawang magalit kay Monnah. She's my bestfriend. Sya lang ang taong nakakaintindi sa'kin. But I can't let Jasphere to be with her. Hindi ko kaya.


MONNAH's POV:


Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan ko. Pambihira naman, oh. Hindi ba nila alam na natutulog pa ako? Bahala na nga. Matutulog pa ako.


Tok! Tok! Tok!


Manigas kang tao ka. Hindi kita pagbubuksan. What if si mommy o di kaya'y si daddy ang kumakatok? Naku, lagot ako nito. Ayaw pa naman nilang pinghihintay sila. Pero imposible naman yata. Nasa Korea ang parents ko ngayon dahil may imi-meet silang bagong investor.


Tok! Tok! Tok!


Ang galing talaga ng taong 'to. Hindi ba nya alam na nakakaistorbo sya?


Tok! Tok! Tok!


>__<


Waaaaaahhh!!! Oo na, suko na ako. Inis na napabalikwas ako mula sa kama. Galit na binuksan ko ang pinto at ready na akong bulyawan ang nasa likod ng pinto nang makita kong hindi ang katulong ang kumatok.


Dahil sa pagkabigla ko'y agad ko isinara nag pinto. Tumakbo ako papuntang bathroom. Oh my God! Anong ginawa ng lalaking ito dito? Nakakahiya naman ang itsura ko. Sabog ang buhok ko. Hindi ako nakapaghilamos at nakapagsipilyo. Nakapantulog lang ako. Sheytee naman, oh!

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now