Chapter 9: A Bitter Friend, A Jealous Bestfriend

68 4 2
                                    

MONNAH's POV:


Whew! Andito ako ngayon sa school ground ng campus namin. Hinihintay ko si Hannah. Nasa canteen sya at bumili ng makakain namin. Pupunta kami ngayon sa school gym para manuod ng practice nila Lorenz. Ewan ko ba sa coach nila. Ang aga-aga'y nagpa-practice na agad. Wala pa ngang July, eh.


Ten minutes na akong naghihintay kay Hannah pero hanggang ngayon, ni anino ng babaeng 'yun, hindi ko parin nakita. Nasaan na kaya 'yun? Baka naman na-kidnap na ng alien at dinala sa ibang planeta o baka nilamon na sya ng mga pagkain nya. Whoa!


Pero in fairness ha, nangangalay na ang leeg ko sa kalilingon sa kanya. Kapag magka-stiff neck ako, pati leeg nya babaliin ko.


Mga fifteen minutes na yata ang lumipas, hindi parin nagpakita. Hmp!


Naiinip na ako, ha. Pero paano kung umuwi na ang bruhang 'yun? Waaahhh!!!! Lagot sya sa'kin. Hindi pwede! Nangangalay na nga leeg ko dito sa kahihintay sa kanya tapus lalayasan lang niya ako? Oh my Gosh! Hindi ko yata matatanggap.


"Hoy!"


"Ay, kabayo ka!"


"Sa ganda kong ito?"


Agad ko syang sinimangutan. Naiinip na talaga ako!


"Bakit ba nakabusangot iyang mukha mo?"


"Ah, nagtatanong kapa? Kung hindi mo ako pinaghihintay, hindi sana ako magkakaganito. Naiinip na ako." nakasimangot paring reklamo ko kay Hannah.


"Nakita ko kasi ang kaibigan ko sa may canteen. Dito na pala sya sa LSU mag-aaral. Kata-transfer lang nya kanina." Sagot ni Hannah.


"Who?"


"Remember 'yung naikwento ko sayong friend ko sa dati kong school?"


Biglang napakunot ang noo ko. May naikwento ba sya? Hindi ko yata maalala. Ano ba kasi itong si Hannah. Ang tagal na nyang nagtransfer dito sa LSU. First year pa yata kami nu'n. So, it means first year pa kami nu'ng ikinuwento nya sa'kin ang dating buhay nya? Ang tagal na nu'n. Hindi ko na maalala.


"Oh, ano? Na-remember mo na?"


"Hindi nga, eh."


"Ano kaba? Iyong bakla kong bestfriend!"


"Ouch ka naman, girl." biglang sabat ng isang nilalang sa likod ni Hannah. Saka ko lang napansin na may kasama pala sya.


"Ah... Monnah, si Nicko nga pala. Nickolo Andrei Rivera Jr. Kaibigan ko. " nakangiting pakilala ni Hannah sa'kin. Nakita ko ang pag-asim ng mukha ni Nicko.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now