Chapter 6: First day of school(Part 1)--Scared

72 4 0
                                    

MONNAH's POV:



Grabe! Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ang summer vacation tapus ngayon pasukan na. Hay! School life na naman.


6:00 am na. Ito na ako ngayon, gising na. Wow! Ang aga ko yatang gumising. Of course, it's first day of school. Ayokong ma late, noh. But 8:30 am pa mag-start ang klase namin. May two hours pa akong maghanda.


Nagmamadali akong pumunta ng banyo at naligo. Pagkatapos, agad akong nagbihis. Since first day palang ng school, okay lang na hindi kami naka-uniform. Isang simpleng blouse lang ang napili ko. Wala kasi akong alam sa mga fashion-fashion na 'yan. Pagkatapos kong magbihis, hinanda ko na ang mga gamit ko sa school.


"Princess, mag-almusal kana. Baka ma-late kapa." tawag ni mommy sa'kin.


"Sandali lang po, mom." sagot ko habang tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.


Inayos ko ang mahaba kong buhok tapus nilagyan ko ng ribbon. Hmm... Maganda na ba ako? Naks! Ano ba naman? Maganda naman talaga ako, ah. Bwahahaha.


^__^


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Laki ng bilib ko sa sarili ko, noh? But it's true. Pretty daw ako sabi ng mommy at daddy ko. Hmmm?


Nang makuntento na ako sa ayos ko ay agad kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling lumabas sa kwarto. Nasa hagdanan na ako nang makita ko si daddy papalabas sa kwarto nila mommy. Mukhang kagigising pa yata ng daddy ko.


"Good morning, Dad." nakangiting bati ko kay daddy sabay halik sa pisngi nya.


"Good morning, princess." nakangiting sagot nya. Inaakbayan nya ako habang pababa kami sa may hagdanan. "Dalaga na talaga ang princess ko. You look better, princess. You're so beautiful today."


"Dad, I'm always beautiful naman, diba? Not just today but always."


"Of course, princess. Mana ka yata sa'kin"


Hala! Ang feeler ng daddy ko.


"Oh, princess. Halika na." sabi ni mommy sa'kin. Nasa dining area na kami ni daddy. "Maupo ka na at nang mag-almusal." utos nya sa'kin. Agad naman akong umupo sa tabi nya. "Good morning, hon." baling nya kay daddy. Nakangiti namang hinalikan ni daddy si mommy sa pisngi pagkatapos niyakap.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now