Chapter 17: Ouch, It Hurts!

41 3 0
                                    

MONNAH's POV:


Alam kong nagulat sila. Syempre, dahil ako na mismo ang lumapit kay Diseree. Alam kaya ng lahat na ayaw na ayaw ko sa kanya. But wala akong magawa. Nangako na ako kay Lorenz.


"Friend, ano bang sinabi mo du'n kay Diseree? Bakit parang nagulat yata?" sita ni Hannah sa'kin nang lumapit na ako sa kanila.


"Sinabi ko na nag-hi sa kanya si Lorenz."


"Lorenz? Lorenz as in Lorenz Blue Villegas your bestfriend?"


Whoa!!! Kung makapagsalita si Hannah, wagas! May pasigaw-sigaw pa. Nakakagulat ba?


"Sino pa ba? Sya lang naman ang Lorenz na kilala ko, ah."


"Sure ka ba, friend?"


Tumayo ako at saka ikinuwento ko sa kanila ang pinag-usapan namin ni Lorenz. Pero hindi ko ikinuwento sa kanila 'yung akala-ko-ako-ang-niligawan-nya thingy.


Susme! Nakakahiya.


"Gurl, pumayag ka?" gulat na tanong ni Nicky.


"Why not? Bestfriend ko sya at saka kaya ko namang gawin 'yung mga pinapagawa nya sa'kin."


"Friend, 'wag kang pumayag! Si Diseree 'yun. Papayag ka bang mapunta sa kanya ang bestfriend mo?"


Hindi agad ako makasagot sa sinasabi ni Hannah. Takte talaga. Ang sakit kaya. Iisipin ko lang na maging sila ni Lorenz, sumasakit na ang dibdib ko. Ouch! It hurts!


"Monnah?"


"Hannah, wala na akong magagawa. Sya ang mahal ni Lorenz."


"Okay ka lang, gurl?" tanong ni Nicky sa'kin. Seryoso syang nakatingin sa'kin.


"Oo naman. Ano bang klaseng tanong 'yan?"


"Hindi ka ba nasasaktan?"


"Nasasaktan? Waaahhh! Ba't naman ako masasaktan? Bahala nga sila. Wala akong pakialam sa kanila."


Parehong nakatingin sa'kin sina Hannah. Ba't ayaw maniwala ang dalawang 'to? Ganito ba ako ka-obvious?


---------------------------------------------------------------------



"Oh, ano? Sinabi mo na ba sa kanya? Anong reaksyon nya? Nagsmile ba sya? Anong sabi nya?" sunod-sunod na tanong ni Lorenz sa'kin.


Grabe naman ang lalaking 'to. Kakapasok lang nya sa bahay namin inuulan na ako ng mga tanong. Sarap talagang hilahin ang dila ng gagong ito.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now