Chapter 50: Crazy Statue

33 3 1
                                    

MONNAH's POV:


Tulad ng pinangako namin kay Jasphere, nanood kami ng first game nila with St. Cecilia University. Pero kapansin-pansin talaga ang pananahimik ni Hannah. Ewan ko ba. Dati kapag may laro si Jasphere, sya pa ang mangunguna sa cheering squad even though hindi sya kasali dun.


Pero ngayon, ang tahimik. Daig pa ang nasa simbahan.  Hindi kaya tungkol sa amin ni Jasphere kanina? Nakita lang naman nya kaming magkasama. Hay! Friend ko lang naman si Jasphere, ah.


Sobrang galing ng team nina Jasphere kaya panalo sila. After ng laro nila ay dumiretso kami sa gym. Syempre, laro ng bestfriend ko. Dapat andun ako. Mabuti nalang hindi same time ang laro nina Jasphere at Lorenz. Kung nagkataon, sorry talaga Jasphere. Sa basketball ako manonood.


"Mauna kana sa gym, Monnah. Bibili lang kami ni Hannah ng food. Ire-reserve mo kami ng seats, ha." sabi ni Nicky. Nakangiting tumango lang ako.


"Huwag kayong magtatagal, ha."


Nakangiting tumango lang ang dalawa. Tinapik ko ang balikat ni Hannah. 


Nagmamadaling tinungo ko ang gym. Kailangan kong makakuha ng magandang pwesto. Dapat—


"Aray! Natusok yata ako sa balbas mo." daing ko. Nauntog lang naman ang noo ko sa isang estatuwang nakaharang sa daanan ko.


"Don't you know how to look at the path?" sagot nito.


Letcheng estatuwang 'to. Ako pa ang may kasalanan ngayon.


"Excuse me? You're the one who bumped at me." inis na reklamo ko habang hawak parin ang noo ko. Agad akong nagtaas ng tingin para tingnan 'tong magaling na rebultong bumangga sa'kin.


0__0


Whoa! Ang tangkad pala ng estatuwang ito. Mga 6 footer yata ito o mahigit pa. Mas matangkad pa yata 'to kay Lorenz ng 2 inches. Bakit ko alam? Syempre, kabisado ko na ang height ni Lorenz, noh?


"You'll make your eyes squint if you continue staring at me." nakangiting sabi nya.


Oh, shit! Ang gwapo naman 'tong lalaking 'to. Ang tangos ng ilong. Ang kapal ng kilay. Nainggit naman ako.  Actually, wala naman syang balbas. Ang kinis nga ng mukha nya. Dinaig pa yata ako. Joke! Syempre, mas makinis ang mukha ko, noh?


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Show Me the Way to Your Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon