Chapter 37: Mahina ako

17 2 0
                                    

MONNAH's POV:


Papalabas na ako sa school gate nang mamataan kong naglalakad papunta sa direksyon ko sina Lorenz at Diseree. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Magkakasalubong kami.


Mabilis akong tumalikod. Hindi ko pa kayang makita silang magkasama. Hindi naman siguro nila ako napansin. Syempre, busy sila sa paglalambingan.


Tss! Bakit ba kasi kung mag-PDA, dito pa sa school? Bakit ba hindi pinagbawal sa school na 'to ang pag—


"Monnah!" narinig kong tawag ni Lorenz.


Oh, God! Bakit hinayaan mong makita ako ng lalaking ito?


Agad akong napayuko. Kailangan kong magpanggap na hindi ko sila nakikita.


"Monnah, what's wrong? Ba't ka nakayuko dyan?" sabi nya sabay hawak sa balikat ko. Agad akong napapikit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.


"Ah... Ano, may hinanap lang ako dito." sagot ko habang nakayuko parin.


"Ano?"


Jusko! Bakit ba napakakulit ng lalaking ito?


"Nawala kasi 'yung ballpen ko. Hindi ko alam kung saan ko 'yun naihulog. Nagbabasakali lang ako dito." pagdadahilan ko. Nakayuko parin ako na para bang hinahanap ko 'yung ballpen.


"Ano ba , Monnah? Bumili ka nalang ng bago." singit ni Diseree.


Sheyti! Nanditoparin pala ang babaeng ito. Kahit kailan napaka-epal talaga.


>__<


"Hindi pwede. Kay Hannah kasi 'yun. Lagut ako kapag hindi ko 'yun makita. Favorite ballpen pa naman nya 'yun."


"Talagang ganyan kayong magkakaibigan, no? ang hilig nyong hanapin ang isang bagay na nawawala. Ang cheap nyo naman. Pwede namang palitan ng bago. Kung hindi mo kaya, ibili kita. Ilan ang gusto mo?"


Napanting ang tenga ko sa narinig ko. Talagang hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babaeng ito. Ang yabang.


Agad ko syang hinarap.


"Thanks, but no thanks. Marunong kasi kaming magpahalaga sa isang bagay." sagot ko sa kanya. "Kahit maliit lang 'yun para sayo, mahalaga iyon sa amin dahil kasama namin 'yun sa araw-araw. Kaya kapag nawala 'yon o di kaya'y kinuha ng iba, hahanapin namin. Para kasing isang parte ng buhay namin ang nawala." Teka, parang may pinaghuhugutan ako nito ah.


"'Yan ang bestfriend ko!" nakangiting sabi ni Lorenz sabay pisil sa ilong ko.


Bigla akong natigilan. Hindi ko inaasahang gawin nya 'yon.


God! I really miss the way he pinched my nose.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now