Chapter 24: Talo na ako

36 3 0
                                    

MONNAH's POV:


Nakakawalang-gana namang pumasok sa araw na'to. Kakatamad talaga. Gusto kong mtulog nang matulog pero baka naman bumaba grades ko. Sayang ang mga pinaghirapan ko kapag bababa ako sa pwesto ko bilang top 1. All those years, nanatili akong number 1. Ngayon paba ako susuko? Ang taas pa naman ng expectations nila sa'kin.


Papasok palang ako sa gate ng school nang biglang may humawak sa braso ko. What the hell! Don't tell me, maho-hold-up ako? Sheyti naman, oh! Pati ba naman dito sa school, may holdaper? Ang gulo naman ng mundo.


"Monnah!"


0__0


WTF! Kilala ako ng holdaper? Teka, ba't hindi ko nalang lingunin ang taong ito at nang makilala ko ang holdaper na'to? Tama! Susme! Ang slow ko talaga.


Lingon... The eff! Ano naman ang kailangan nya at may pahawak-hawak pa sya sa braso ko. Feeling close talaga! Mamaya, maliligo ako ng alcohol baka mahawaan pa ako nito. Hmp!


"What do you want?" diretsong tanong ko sa kanya habang tinanggal ko ang kamay nya na nakakapit sa braso ko.


"Monnah, can we talk?"


"What do you think we're doing?"


Sige na. Ako na ang mataray. Inis na inirapan nya ako. Aba't ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito. Sarap dukutin ang mata at ipakain sa buwaya. Tse!


"Tungkol kay Lorenz ang pag-uusapan na'tin."


Napatitig ako bigla sa mukha nya. Well, what do I expect? Ang landi talaga ng Diseree na'to kahit kailan.


"Ano naman ang tungkol kay Lorenz?" sagot ko habang naglalakad papuntang high school building. Nauna na ako sa kanya. Bastos na kung bastos pero hindi ko feel makasabay sya. Swerte nya, no.


"Hi, Diseree." Bati ng isang grupo ng mga lalaking nadaanan namin. Nilingon ko si Diseree, at ayun nakangiting kumakaway pa ang bruha. Ang landi talaga ng pagong na'to kahit kailan. Sarap batuhin ng sapatos. Hmp!


"Hi, Diseree. Ang ganda mo talaga." Sabi ng isang lalaking nakasalubong na'min.


Ganda? Saang banda? Tss! Ang dami talagang bulag sa mundo.


"Diseree, pwede bang makasabay ka mamayang lunch?" sabi pa ng isa.

"Sorry boy but may kasabay na ako." Sagot ng bruhang pagod. Halos lahat ng mga lalaki nakatingin sa'min. Ay, mali! Sa kanya lang pala. Oh, sige. Siya na. Siya na ang maganda. Siya na ang sikat. Siya na ang magaling. Bwiset talaga!


"Wait lang, Monnah. Nag-uusap tayo, diba? Pasalamat ka't nakasabay mo ako dahil marami ang nakakapansin sayo. Oh, well sa'kin lang pala." Natatawang sabi nya.


The eff! Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito. Kasing-kapal yata ng make-up nya. Akala mo kung sinong maganda. Tss! Ang yabang! Sarap ingudngod ang mukha sa pader.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now