Chapter 53: Invisible

25 3 0
                                    

LORENZ's POV:


Hindi ko na maiintindihan si Monnah. Wala akong idea kung bakit ginawa nya 'to sakin? Alam kong ayaw nya kay Diseree pero parang sumusobra naman yata. Nagawa nyang siraan si Diseree sa'kin? Parang hindi ako makapaniwalang magagawa 'to ni Monnah. Hindi ganito ang pagkakilala ko sa kanya. Kunsabagay, people change.


Hiyang-hiya ako kay Diseree lalo na kay Ivan. Pati sya nadamay sa kalokohang pinaggagawa ni Monnah. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Monnah lalo na nung umiyak sya habang nagpapaliwanang sa'kin. Grabe, ang galing nya. Ang galing nyang mag-imbento ng kwento. Muntik na nya akong mapapaniwala.


Mula nung baguhin nya ang itsura nya, nagbago na rin ang ugali nya. Ibang-iba na sya. Hindi na sya ang dating Monnah na minahal at pinahalagahan ko. Hindi na sya ang kapatid ko.



MONNAH's POV:


Alam kong nagtataka sina Mommy sa mga ikinikilos ko lately pero hindi na sila nagtanong pa. Lalo na at hindi na pumunta sa bahay namin si Lorenz.


Nasaktan ako ng sobra nang hindi man lang nya pinaniwalaan ang mga sinasabi ko. Mas pinaniwalaan nya mga imbentong kwento nina Diseree at Ivan. Pero hindi ko rin naman sya masisisi. Girlfriend niya, eh. Mahal nya. Samantalang isa lang naman akong dakilang bestfriend nya.


"Ba't ba ang lungkot mo? Smile ka lang. Huwag kang masyadong kabahan." sabi ng bakla sa'kin habang inaayusan nya ako. Ngayong gabi na magagnap ang Search for Miss LSU-High School Department.


Pinilit kong ngumiti ako ng pilit hindi sa kinabahan ako kundi malungkot ako. Hindi ko inaasahang sa isang iglap lang nawawala sa akin ang isang taong pinakainingat-ingatan ko. Hindi ko rin alam kong manonood ba sya sa akin ngayon para iparamdam sa'kin ang suporta nya.


Nagsimula na ang program. Pinilit kong ngumiti habang nasa gitna ako ng stage. Hindi ko matutukoy kong ano ang feeling ko ngayon. Magkahalong kaba at lungkot ang nararamdaman ko. Kinabahan ako dahil maraming nanonood sa'kin. Hindi ako sanay sa mga ganito. Nalulungkot ako dahil hindi ko naramdaman ang presensya ng lalaking mahal ko.


"Good evening, everyone!" pilit kong pinasigla ang boses ko. "I'm Monnah Lorraine Santillan, fourth year section A." matamis akong ngumiti habang nakatingin sa crowd. Ang galing kong magpanggap. Hindi man lang nila nahahalata. Dapat kailangan kong ipakita sa kanila na masaya ako. Na kaya ko 'to.


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makita ko si Lorenz sa may bandang gilid. Dumating sya. Dumating sya para suportahan ako. Alam ko, kahit papaano he still cares for me. Pero para namang gustong tumulo ang luha ko nang makita kong hindi sya nag-iisa. Pinigilan ko ang sarili ko. Itinago ko ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng ngiti ko.


Narinig ko ang palakpakan nang lahat hanggang nasa backstage na ako. Lahat gagawin ko. Magpanggap akong okay. Magpanggap akong masaya. Kahit sa gabing ito lang, makalimutan ko sya.


Talent portion na namin. Simple lang ang suot ko. White crop top at white jeans. Si Ate Yannie ang stylist ko. Hinanda lang nya ang mga susuotin ko bago sya umalis sa backstage. 

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now