Chapter 34: Monnah is sick

20 2 0
                                    

HANNAH's POV:


Naramdaman kong nakatingin parin sa'kin si Candy. Ano bang problema nya? Bakit parang inis sya sa'kin? Wala naman akong ginawa sa kanya, ah.


Nakayuko lang ako habang hinintay ang prof. namin. Hindi ko magawang tingnan ang mga classmates ko. Narinig kasi nila 'yung sinasabi ni Candy sa'kin kanina. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sandaling iyon.


Pero aaminin ko, kinikilig ako. Grabe! Hindi ko inaasahang papansinin ako ni Jasphere.. Sino bang mag-akala? Ako lang naman si Hannah Isabelle Gonzaga. Isang simple at ordinaryong estudyante na nag-aaral sa LSU. Hindi ako sikat katulad ng Ate Jane ko ay este Ate Yannie pala. Ayaw nyang tawagin syang Jane. Hmp! Arte! Huwag na nga natin syang pag-usapan. Iba ang buhay nun. 


 (A/N: Kung gusto nyong malaman ang story ni Yannie, basahin nyo nalang ang Gambled love. ^__^)


Hay! Okay lang atleast napansin ako ngayon ni Jasphere. Kaya lang, parang badshot ako sa kapatid nya. Ayaw sa'kin ni Candy.


Napansin kong nagkagulo ang classmates ko. Kapwa sila nakatingin sa may pinto. Napatingin narin ako. Syempre, na-curious ako.


Nakita ko si Diseree kasama si Lorenz. Teka, sila na ba? Ba't magkasama sila?


"Sila na ba?" tanong ng isang kaklase ko.


"Parang sila na yata." sagot ng isa.


"Grabe, ang gwapo ni Lorenz."


"Tama ka. Bagay sila ni Diseree."


Bagay sila ni Diseree? Tss! hindi, noh. Sobrang gwapo ni Lorenz para maging girlfriend nya si Diseree.


Nakita kong hinalikan ni Lorenz ang pisngi ni Diseree. Eww! PDA masyado.


"Grabe lang te. Sila na talaga." kilabit ni Nicky sa'kin. Tiningnan ko lang sya. Wala akong pakialam. Ano naman ngayon kung sila na? Pero hindi kaya ito ang dahilan kung bakit umiyak si Monnah kanina?


"Confirmed!" mahinang bulalas ni Nicky.


"Ano?" takang-tanong ko.


"Wala. Sa'kin lang 'yun."


"Grabe gurl, kayo na talaga ni Lorenz." sabi ni Jessica nang nakaupo na si Diseree sa pwesto nila.


"Ano pa bang asahan nyo? Talaga namang kami ang para sa isa't-isa." taas-noong sagot ni Diseree. Ang yabang talaga ng babaeng ito. Kung makapagsalita, akala mo asawa na nya si Lorenz. Hindi ko masisisi si Monnah kung bakit ayaw nya kay Diseree para kay Lorenz.


"Paano naman 'yung bestfriend nya?" si Alaina.


"Ano naman ngayon? Wala akong pakialam sa kanya." pagkasabi nya ay agad syang napalingon sa pwesto namin. Nakita kung napa-smirk sya. Anong problema nya?

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now