Chapter 40: Loser

17 2 0
                                    

MONNAH's POV:


Papunta na akong gym para sa taekwondo class ko nang makita si Diseree sa isang coffee shop. Teka, anong ginawa ng babaeng ito dito? Aist! Ba't ko pa tinanong? Syempre, nandito rin kaya ang ultimate boyfriend nya. Tsk! Kaklase ko pala ang mokong na 'yun.


Pero bakit hindi pumasok sa gym ang babeng ito? Bakit nag-iisa lang ito sa coffee shop? Siguro, dito nya hihintayin si Lorenz. What a nice girlfriend! Laging nakadikit sa boyfriend. Tsk! Pakialam ko?


Patawid na sana ako sa kabilang kalsada nang makuha sa atensyon ko ang isang gwapong lalaking pumasok sa coffee shop. Hmm... Kilala ko 'to ah. Hindi ako maaaring magkamali. Ka-teammate ito ni Jasphere. Si Ivan Alfonso.


Wala sa loob na nilingon ko si Diseree. Halos luluwa ang eyeballs ko nang makita kong nilapitan ni Ivan si Diseree. Magkakilala sila? Hay! Kahit kailan talaga ang babaeng ito. Lahat nalang ng lalaki sa campus kilala nila.


Pero—


0__0


Oo, konti nalang luluwa na talaga ang eyeballs ko. Sino ba naman ang hindi? Kita ko lang namang hinalikan ni Ivan ang kamay ni Diseree. At si Diseree naman, nakangiti lang habang nakatingin kay Ivan. What's the meaning of this? Hindi ako judgmental na tao pero hindi ko gusto ang takbo ng utak ko.


Agad akong nagtago sa isang poste nang mapansin kong papalabas na sila sa coffe shop. Ayokong makita nila ako. Masama ang kutob ko sa kanilang dalawa. Saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko nang umalis na ang sasakyan ni Ivan.


Naiwan akong nakatayo habang nakatingin parin sa kaaalis lang na kotse. Akala ko ba si Lorenz ang hinihintay niya. Pero bakit ganun? Bakit magkasama sila ni Ivan? Alam ba 'to ni Lorenz? Ang daming tanong na naglalaro sa utak ko.


"Monnah!"


Halos mapatalon ako nang may tumapik sa balikat ko. Agad naman akong napalingon. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Lorenz.


Bigla akong napalunok ng laway. Oh, sige. Siya na ang gwapo. Nakakainis! Ito namang puso ko parang ang gulo. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Natataranta ako sa presensya nya.


"Ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa gym ka na." sita nya.


"Ah, wala. May—" bigla akong natigilan. Nakita kaya ni Lorenz ang nakita ko kanina? Pero base sa nakita kong ngiti nya, mukhang wala nga syang alam.


"Tara na. Baka ma-late na tayo." sabi nya sabay akbay sa'kin.


Kahit hindi ko man tingnan, alam kong namumula ang magkabilang pisngi ko. Lalo ring nagkagulo ang dibdib ko. Paksheet! Bakit ba ganito kalakas ang epekto nito sa'kin?


"Ilang araw na tayong hindi nagkikita. Kung alam mo lang kung gaano kita na-miss."


Agad akong napatingin sa kanya. Nakangiti sya habang nakatingin sa'kin. Kung alam lang ng lalaking ito kung gaano ko rin sya ka-miss. Halos araw-araw ko syang inaabangan sa gate namin since madadaan lang naman nya ang bahay namin papunta sa bahay nila.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now