Chapter 12: I Don't Understand

53 3 0
                                    

MONNAH's POV:


Alam ko namang kahit kailan hindi ka magka-crush sa isang lalaki. Pusong lalaki ka kaya.


Porke't naka-tshirt lang ako at naka-jeans, may pagka-boyish kung kumilos, actions ang mga hilig. Eh, tomboy agad? Kahit hindi nya sabihin sa'kin ng diretsahan, alam ko ang kahulugan.


Noong una ko 'yang narinig sa bibig mismo ni Lorenz, hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakapag-react. Shocked ako as in shocked talaga. Well, hindi ko sya masisisi. Wala naman kasi akong kahit na anong kalorete sa mukha. Aba, malay ko ba sa mga ganyang bagay.


Oo aaminin ko, medyo nagalaw nya ang pride ko. Nakakainsulto kaya. Sabihin ba ng harap-harapan lalo na at bestfriend mo pa. But, I don't care. I'm happy for what I am. If they think na tomboy ako, bahala sila. Basta ako, alam ko kung ano at sino ako. Iyon naman talaga ang mahalaga, diba?


Tumingin ako sa mga bituin sa himpapawid. Mabuti pa ang mga bituin. Payapa. Walang iniintindi. Wala silang ibang ginawa kundi maghintay sa gabi. Sana, ganun din ako. Ganun kasimple.


Hay! Bakit ba nitong mga nakaraang araw, bigla na yatang nag-iba ang takbo ng buhay ko. Palagi nalang akong nakatulala. Palaging wala sa sarili. Madalas na yata akong sinusumpong ng katangahan ko.


Kanina lang, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Napahiya yata ang lahi ko kay Jasphere. Waaaahhh!!! Ayoko na. wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Bigla kasi akong sinumpong ng katangahan ko. Ba't naman kasi nagkaganun ako kay Jasphere. Sa harapan pa nya.


Waaahhh!!! Baka isipin nyang may pagtingin ako sa kanya kaya nagka-speechless ako. O di kaya'y iisipin n'yang nagu-gwapuhan ako sa kanya at nagka-crush kaya ganun nalang ako kung makatulala sa kanya. Oh my God! Ba't ba kasi ang tanga-tanga ko. Napakagaga ko talaga kahit kailan.


Bakit ba—


Oh shit! May biglang tumakip sa mga mata ko. Kung sino ka mang tao ka, humanda ka. Babalian kita ng buto. Anong karapatan mong putulin ang pag-e-emote ko.


"Get off your hands, Lorenz!" agad na sabi ko. Kahit hindi ko man tingnan, alam kong ang bestfriend ko ang gumawa sa'kin ng ganito.


Anak ng tokwa! Hindi pa nya kinukuha ang mga kamay nya sa mata ko. Hmm! Humanda ka sa'kin lalaki ka.


"Ano, Lorenz? Kunin mo 'tong kamay mo o gusto mong i-judo kita?" pagbabanta ko. Agad naman nyang binawi ang mga kamay nya. Bigla syang tumawa.


"Anong nakakatawa?" inis na sita ko.


"Napakaseryoso kasi 'yang mukha mo. Masyado mo kasing pinoproblema. 'Wag ganyan, bestfriend. Tanggapin mo na kasi na ang pangit mo."


^__^ sya


-__- ako


Aba! Ang kapal naman ng mukha ng damuhong ito. Ang lakas yata ng loob na laitin ang beautiful face ko.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz