Chapter 19: Ang Akward

35 3 1
                                    

MONNAH's POV:


"Talaga, princess? Sinabi nya 'yan sayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lorenz sa'kin. Nandito sya sa kwarto ko at nangungulit na naman.


"Oo nga. Ilang ulit ko na bang sinasabi nya'n. Paulit-ulit ba?" naiirita kong sagot sa kanya. Mga limang beses na siguro syang nagtatanong sa'kin at limang beses ko na rin syang sinagot.


"Hindi lang talaga ako makapaniwala. Talaga bang sinasabi nya 'yun?"


Nasapo ko ng di oras ang noo ko. Nakaka-stressed talaga ang lalaking ito. Sadya bang may ganitong uri ng tao dito sa mundo? Napaka-slow.


"Isa na lang Lorenz at sasapakin na talaga kita. Nakakainis kana, ah. Kung ayaw mong maniwala sa'kin, eh di lubayan mo na ako. Hindi ko na itutuloy 'tong mga pinaggagawa mo." Inis na sagot ko.


"Ito naman, oh. Nagbibiro lang naman ako." Sabi nya sabay kamot ng ulo.


"Wala akong panahong makipagbiruan sayo. Pwede ba, lumayas kana dito sa kwarto ko."


"Ayoko."


"Umalis kana. Nakakaistorbo ka, di mo ba alam 'yun?"


"Hindi."


God! Ba't ba nagkaroon ako ng bestfriend na matigas ang ulo?


"Umalis kana. Mag-aaral pa ako."


"Ikaw, mag-aaral? Hindi ako maniniwala."


"Kung ayaw mo, eh di 'wag. Bahala ka sa buhay mo. Lumayas ka na nga dito."


"Ayoko. Friday night naman ngayon."


"Eh, ano ngayon kung Friday night?"


"Dito ako matutulog."


"No way!" mabilis kong tanggi.


"Yes way!" pagkasabi nya'y mabilis syang humiga sa kama. Hinawakan ko ang dalawang paa nya at ubod lakas na hinila ko sya. Bumagsak sya sa sahig. Hahaha... Dapat lang sa kanya. Pero don't worry. Hindi sya masasaktan. Nilagyan ko kaya ng unan ang sahig. Hehehe...


"Aray!" daing nya.


"Ang OA mo. Hindi naman, ah."


"Bakit? Ikaw ba ang nahulog sa sahig?"


"At sino naman ang nagbigay sayo ng karapatan na pwede kang humiga sa kama ko?"


"Ako." Sagot nya sabay tayo at higa uli sa kama.


"Ano ba?! Umalis kana. Inaantok na ako."


Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now