Chapter 41: Yannie For Help

20 2 0
                                    

MONNAH's POV:


"Princess, ang aga mo yatang umuwi. It's only 9:30 in the morning. Wala ba ang instructor nyo?" salubong sa'kin ni mommy.


Hindi ko sya sinagot dumiretso lang ako sa loob ng bahay.


"Monnah, may nangyari ba? Bakit ganyan ang mukha mo—"


Hindi na sya nakatapos sa kanyang gustong sabihin. Bigla nalang akong yumakap sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Umiyak ako sa dibdib nya.


"Princess, what's wrong? Why are you crying?" nag-alalang tanong nya habang hinahaplos ang buhok ko.


"Why is it hard for me, mom?" pabalik tanong ko sa kanya habang umiiyak parin ako. "Bakit lagi nalang akong naiiwan sa ere. Bakit lagi nalang akong napagkaitan?" sa gitna ng pag-iyak ko ay naikwento ko sa sa kanya ang tungkol sa taekwondo competition.


"Princess, maybe this is not the right time for you. Maybe there's more than that God prepared just for you. Siguro hindi pa ngayon. Matuto kang maghintay, princess. Hindi lahat ng pagkakataon ay para sayo. Kaya nga may word na patience, diba? Para san pa 'yan kung mainipin ka?" pag-aalo niya.


"But mom, I want to join that competition." umiiyak parin ako.


"Meron pa namang next year, princess. Siguro, hindi pa nakuntento ang instructor nyo sa galing mo. Maybe this is the way para malaman mo ang weakness mo. Why not try it harder? Magsanay kang mabuti. Galingan mo pa. Ipakita mo sa kanila na worth it ka. Hindi dahil sa hindi ka napili ay titigil na ang mundo mo. Marami pang pagkakataon, princess. Marami pa." nakangiti nyang sabi habang pinunasan nya ang mga luha ko. Napatango nalang ako habang nakatingin sa mukha nya. Muli akong yumakap sa kanya.


"My sweet dear baby princess, always remember we will never stop believing in you. Kami ng daddy mo." masuyong sabi nya sabay halik sa buhok ko. Napangiti nalang ako habang nakayakap parin sa kanya.


"Maam, nasa labas po 'yung kaibigan ni Maam Monnah. Hinahanap po sya." sabi ng bagong katulong namin dito sa bahay.


"Papasukin mo, Stella." sagot ni Mommy.


"Opo."


"Ayusin mo 'yang mukha mo. Baka sina Hannah 'yang naghahanap sayo."


Bigla akong napatuwid ng upo. Oo nga. Pupuntahan nga pala nila ako dito para sa project nilang make-over. Teka, paano ko 'to ipapaalam kay Mommy? Hanggang ngayon hindi ko pa sinabi sa kanila na sumali ako sa beauty competition. Patay na ako nito.


Mabilis kong inayos ang mukha. How I wish, umalis si Mommy pero sa tingin ko parang walang balak umalis ito. Para pa ngang hinihintay niya ang bisita ko. Paano na 'to?


"Hello, Sissy. Hello , Tita." bati ni Nicky sabay halik sa pisngi ng mommy ko. Hmm... Ang FC talaga ng baklang 'to.


"Hi po, Tita." si Hannah. Ginaya rin nya ang ginawa ni Nicky. Well, close naman sila talaga ng mommy ko.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora