Chapter 22: I Care for you

36 3 1
                                    

MONNAH's POV:


Tahimik lang kami pareho habang nakatambay dito sa school garden sa likod ng high school building. Tiningnan ko si Hannah. Ang lungkot ng mukha nya. Siguro dahil kay Jasphere.


                                                                              ( Hannah )

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                                                                              ( Hannah )


Nakakainis naman kasi itong si Alaina. Talagang ipag-sigawan pa na sya raw ang babaeng gusto ni Jasphere. Hay, naku! Grabe talaga. Siguro may mga taong sadyang ipinanganak dito sa mundo para mang-inis.


Nilingon ko si Nicky. Ayun, sobrang enjoy sa kakaburetse ng camera nya. Buti pa ang baklang ito. Walang iniintinding problema. Eh, ako? Hindi ko pa nga nagawa 'yung promise ko sa bestfriend ko. Hindi ko pa sila pinagtagpo ni Diseree.


                                                                        ( Nicky )

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                                                                        ( Nicky )


Shit lang! Akala ko ba'y tanggap ko na pero bakit ang sakit? Iisipin ko pa nga lang na mag-uusap sila, nasasaktan na ako. How much more kung mag-uusap na talaga sila ng totoo?


Mas okay 'yung kay Hannah. Atleast, hindi sya ginawang bridge para magkalapit ang dalawa. Di katulad sakin. Sobrang torture ito para sa sarili ko.


"Hoy! Kayong dalawa dyan, ganito lang ba tayo buong maghapon? Nakatunganga lang?" sita ni Nicky.


"Ba't ganun? Di pa nga kami nagkakilala ng personal pero nasasaktan na ako." Malungkot na sabi ni Hannah.


"Huwag kang mag-alala, Hannah. I'm sure hindi talaga si Alaina ang babaeng gusto ni Jasphere. Malay mo, ikaw diba? 6-8 kaya name mo." Pampalakas-loob ko sa kanya.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now