Chapter 42: Make-over, begin!

29 3 1
                                    

MONNAH's POV:


Inaantok na ako habang hinihintay ang kapatid ni Hannah. Sa tagal ng kapatid nya'y gusto ko nang matulog.


"Sigurado ka ba Hannah na tutulungan tayo ng ate mo?" si Nicky. Bakas sa mukha nya ang pagkainip.


Tumango lang si Hannah. Teka, bakit parang problemado itong babae na'to? Hay! Ako rin. Kanina pa ako problemadong-problemado. Ano kayang klaseng make-over ang gagawin nila sa'kin? What if magmukha akong hostess ng bar? Omo! Ngayon palang parang gusto ko nang umatras.


"Ni hao! Nabo-bored na ba kayo?"


Oo. Kanina pa. Hmp!


"Sorry if natagalan ako. Okay, let's go."


Hay! Mabuti—


0__0


Alam kong maganda ang kapatid ni Hannah pero hindi ko alam na ganito pala sya kaganda. Kung iko-compare mo si Hannah at si Ate Yannie, napakalayo nilang dalawa. Simple si Hannah, fashionista naman itong kapatid nya. Basta, sobrang ganda nya. Nahihiya naman ako sa beauty nya.


                                                                            ( Yannie )

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                                                                            ( Yannie )


Kung tingnan mo, napaka-simple lang ng suot nya pero bakit iba ang dating sa kanya? Bakit ang ganda-ganda parin nya? Napaka-unfair talaga ng mundo. 


"You must be Monnah, right?" nakangiting tanong nya sa'kin. Tumango lang ako.


"I'm Yannie. Ate Yannie na ang itawag mo sa'kin." nakangiti paring sabi nya. Whoa! Sobrang ganda na nya, sobrang bait pa. Siya na yata idol ko.


"And you are Nickolo?" baling nya kay Nicky. Parang gusto kong matawa sa itsura ni Nicky. Para itong ibinabad sa suka.


"Eww! It's Nicky, sister! Kinikilabutan naman ako sa sinasabi mo." nakangiwing sagot niNicky.


"Hahaha. Sorry naman. But you're so sayang. Ang gwapo mo."


"Maganda siguro, sister."

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Where stories live. Discover now