Nang balikan niya ako ng tingin sandali niya akong tinitigan. "Macey. Ayon ang pangalan ko." Bahagya siyang ngumiti.

Muli akong nagalak nang malaman ko ang pangalan niya. "Your name is so beautiful just like you." Muli ko siyang nginitian na siya naman niyang kinayuko. Sa tingin ko ay masyado siyang mahiyain kaya tinignan ko na lang siya. Napakaganda niya talaga.


***

"Macey, okay ka na ba?" Lumipas ang ilang oras muli ko siyang binalikan dito sa kuwarto niya nang makita kong malalim ang iniisip niya habang nakatanaw sa binata. Nilapitan ko siya at nilingon naman niya ako.

"Pasensya ka na sa istorbo. I'm here to tell you na nandito kasi mamaya sa bahay ang parents ko. Bago ka pa man nila makita I want to introduce you to na sana sa kanila." Para siyang napaisip sa sinabi ko. Siguro nagulat siya na ipapakilala ko siya sa parents ko. "So, kahit ayon nalang siguro ang kabayaran mo sa naitulong ko sa iyo, is that okay to you?" Napatitig siya sa akin pero tumango naman siya at nginitian niya ako kaya napangiti rin ako.

***

Isang napakagandang dress ang pinasuot ko sa kanya dahilan para lumitaw ang hubog ng pangangatawan niya. Napakaganda rin ng pagkakamake-up at ayos ng buhok niya kaya mas lalo akong napahanga sa kagandahan niya.

Nakangiti ko siyang inalalayan. Naglakad kami patungong restaurant kung saan nasa loob na ang mga magulang ko. "You know, you look beautiful tonight. I'm sure magugustuhan ka rin nina Mommy and Daddy." Tahimik lang siyang tumango. Hindi siya nagsalita pero ngumiti siya kaya napangiti rin ako hanggang sa nakita ko na nga ang mga magulang ko.


"Mom, dad, I missed you so much." Nakipagbeso ako sa parents ko matapos ay tinignan ko si Macey. "Dad, Mom, meet Macey, she's my—"

"Girlfriend? Oh, my goodness. I'm so proud na may girlfriend ka na, son. Hello Macey, I'm so glad to meet you Hija." Ngunit pinutol ni Mommy ang pagpapakilala ko kay Macey. Inakala nila ni Dad na girlfriend ko si Macey. Napailing at napangiti nalang tuloy ako. How I wish na matupad 'yon.

Hanggang sa pinagmasdan nilang mabuti ni Daddy at Mommy si Macey, "Hija, you know what? You look familiar to me." Nagtaka naman kaming tumingin ni Macey kay Daddy.

"Really, dad?" Aniko.

"Yes." Sinusuri niyang mabuti kung saan nga ba niya nakilala si Macey. "But before anything else, maupo na kayo at kumain. Hija, welcome to our family." Sabi ni Daddy sa kanya kaya naupo kami ni Macey habang nagkangitian.

Hanggang sa nagpaalam si Macey na pupunta siya ng comfort room. Pagkaalis niya siya namang nagkuwento ako patungkol sa aming dalawa. "Dad, Mom, she's not my girlfriend." Nagulat ang mga magulang ko. "But she's special to me."

Ngumiti si Mommy sa akin, "I think you and her will be a couple soon?" Nagkangitian kaming tatlo.

"Pero anak, saan mo ba siya nakilala? I mean, paano?" Curious namang tanong ni Daddy. "Ngayon lang kasi namin siya nakita." Dugsong pa niya.

"To be honest, hindi ko siya kilalang lubos. Nagkakilala lang kami sa isang lugar kung saan siya nabastos and then ayon ipinagtanggol ko siya. After that nawalan siya ng malay and then ang pagkakaalam ko ulila siya. Wala siyang pamilya."

"You mean, wala man lang siyang relatives?"

"Yup, Mom. Yun ang pagkakaalam ko pero last night may paulit-ulit siyang pangalan na binabanggit. Caleb and Azen."

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora