XXVI.The Promise

410 12 8
                                    

A/N:Another UD na naman for this week!! XD Alam niyo bang tina-type ko 'to habang nagpa-practice ng choir? XD Sorry kung lame! xD 'Di muna ko maglalagay ng mga fighting scenes ah?

Kaya naman mag-comment kayo ah!! XD This chapter is dedicated to @maimai_daiki. Pinaulanan niya ko ng votes. XD

Tyler's POV

New character alert!! Hi guys. I-introduce ko muna ang sarili ko. XD Tyler Fernandes. 18 years old. Galing sa Caitshelter University bago magsimula ang apocalypse. Mag-isa ko lang kinakalaban ang mga zombie. Wala eh, kala ko nga dati, ako nalang ang survivor, buti nalang may iba pa. Dati may mga kasama ako, kaso nakain din sila ng mga zombie. Oh tama na ang segway!

May niligtas kasi akong tatlong survivors. 'Yung isang lalaking naabutan kong nakikipaglaban sa isang class-A na zombie. Ta's nung pumasok ako sa loob ng van "ATA" nila, meron namang dalawang babae na natutulog o nahimatay? May kasama din silang isang malaking aso na parang binabantayan 'yung dalawang babae.

Hanggang ngayon, hindi ko pa sila kilala. 'Ni hindi ko nga alam kung bakit ko sila niligtas eh. Ako na ang pumatay dun sa mga natirang zombie. Tutal, napuruhan na talaga ng todo 'yung class-A, madali ko na lang siyang napatay.

Nag-da-drive ako papunta sa bahay ko. Sa village namin, ako nalang ang natirang survivor. May kaalaman na 'din naman ako sa medisina kasi 'yun ang course ko. Kaya i'm sure na magagamot ko sila.

Medyo malayo-layo pa kami, dahil sa bayan kami nanggaling that time. Kaya lang naman ako napunta sa bayan kasi kukuha ako ng pagkain ko.

May mga nadadaanan kaming mga zombies pero mangilan-ngilan lang sila. Sinasagasaan ko na lang sila. Syempre 'di na ko bababa para patayin sila isa-isa 'no. =__=

"N-nasan ako?" may nagsalita sa likod. Pagkalingon ko, 'yung babae 'yun.

"Nasa van niyo." tipid kong sagot sa kanya.

"Sino ka?! Saan mo kami dadalhin?! Tsaka pano ka nakapasok sa van?!" dire-diretsong tanong 'nung babae. Tsaka lumingon-lingon sa magkabilang gilid niya. Kung san nakahiga 'yung lalaki at tsaka 'yung isa pang babae.

"Jiroh, Jiroh! Gising! Ate, Ate!!" parehas niyang niyu-yugyog 'yung mga kasamahan niya at parang maiiyak na siya. Kaya hininto ko muna 'yung van sa isang tabi.

"Woah. Woah. Keep calm Miss, hindi ako masama. I'm here to help you.Tinulungan ko nga 'yung lalaki---"

"Jiroh ang pangalan niya. Ako naman si Althea." pagpuputol niya sakin. She said that with no emotions.

"Ok, ok. Niligtas ko pa nga kanina si Jiroh kasi mukhang hindi na niya kaya 'yung mga zombie eh. Tsaka 'yung class-A. Hindi na niya kayang labanan." explain ko sa kanya. Mukha naman siyang naniwala kasi tumatango-tango siya. 

"Salamat sa pagliligtas mo sa'min." nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Walang anuman. Napadaan lang naman kasi ako 'dun. And, I saw Jiroh fighting zombies. Pero 'nung bumagsak siya, agad naman akong lumapit." ang naging tugon ko sa kanya.

Pumunta naman siya papunta sa may upuan na katabi ng driver's seat. Mukhang mababait naman sila eh. I know that they deserve my trust. 

"Alam mo bang muntikan na kaming sumuko 'nung may sumugod na maraming zombies? 'Nung una, ako ang kumalaban sa kanila pero, hindi ko sila kinaya eh! Hahaha! Ginawa ko na ang best ko, 'di pa rin mamatay-matay 'yung class-A na 'yun." nakatingin lang siya sa dinadaanan namin habng nagsasalita siya. Ayoko munang putulin ang pagsasalita niya. "Buti na lang dumating ka. At niligtas mo kami. I know it's not right to trust a stranger, but.... 'yung ginawa mong pagliligtas sa'min is sapat na." pagpapatuloy niya. Ayos naman pala eh. Mababait naman sila. Hindi naman ako nagkamali na iligtas ko sila. :)

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Where stories live. Discover now