XXIII.Now we're Doomed

387 13 0
                                    

A/N: Heya! :D Ito na, chapter na nila Jiroh. ^^  By the way, Enjoy Reading! :)

P.S. Sabi ng mga researchers and scientists, sa pagkakatuklas ng iba't-ibang sakit sa utak, posible ng mangyari ang APOCALYPSE. Handa ka na ba? ;)

Jiroh's POV
(Timeline: Pagkahiwa-hiwalay nila sa dalawang grupo.)

Papunta na kami ni Almyra kung saan siya pina-gamot. Hindi lang namin sigurado kung nandun pa 'yun o naging zombie na din.

Wag naman sana. Kailangan na ni Almyra ng immediate medication. Ang taas ng lagnat niya.

Sa ngayon, tulog siya at binabantayan ng kapatid niyang si Althea habang ako naman ay nagdadrive.

"Jiroh, sa tingin ko kailangan na nating kumuha ng gamot para kay Ate." sabi sa akin ni Althea na may halong pag-aalala.

"Sige. Dumaan na lang tayo sa Mercury Drug." sagot ko sa kanya.

Buti alam ko pa ang daan papuntang Mercury drug. Nandito pa rin kami sa deserted city. At nung wala pang apocalypse, ito ang sentro ng kalakalan. Nandito lahat. Lahat talaga. Wala ka ng hahanapin pa.

Pero ngayon, simula ng magkaron ng apocalypse, naging deserted na 'to. Wala ng tao. Nagmistulang ghost town ang pinakamasayang lugar dito.

Natatandaan ko pa no'n. Nung lagi kaming nagpupunta dito nila Mama nung bata pa ako. Dito kami lagi namamasyal. Dito kami lagi kumakain, nagsisimba tuwing weekends. Masakit lang isipin yung huling kita namin, yun na din pala yung huling pagsasama namin.

Kung kelan ko pa sila huling makikita tsaka pa kami nagkaroon ng misunderstandings.

"Jiroh! Jiroh!" nadinig ko mula sa likod na tinatawag ako ni Althea.

Lumingon ako sa kanila habang nag-da-drive pa din. "Oh? Althea? Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawag hindi mo ko napapansin!" naka-pout na sabi niya sakin. Hahaha! Magkamukha sila ng ate nila kapag nagtatampo o nagagalit.

"Sorry. Malalim kasi iniisip ko eh! " sabi ko sa kanya habang nagkakamot ng ulo.

"Nakalagpas na tayo sa Mercury Drug." mahinahon niyang sabi at balik sa pagaalaga sa kanyang Ate.

Lumiko ako sa isang kanto at bumalik sa pinanggalingan namin.

"Ano bang mga kukunin ko?" pagbasag ko sa katahimikan na namumuo sa loob ng van.

"Paracetamol. Kahit anong pampababa ng lagnat. Mga first-aid kits para kung kakailanganin natin. Mga gamot sa ubo sa sipon at kahit saan. Para isang kuhanan nalang. Kumuha ka na din ng pagkain tsaka maiinom natin." makapag-utos naman si Althea oh! Andami ko tuloy kukunin.

"Sige. 'Yun lang ba?" humirit pa talaga ko! Andami-dami ko na ngang kukunin eh.
"'Yun lang." nakangiti niyang tugon sa'kin. Malabong 'di magkagusto si Danielle dito. Alam ko yung mga gusto niyang babae eh. Sa tagal ba naman naming pagsasama. Kabisado ko na yung loko na 'yun.

Speaking of Danielle, nasan na kaya sila? Nahanap na nila kaya si Kyle? Alam ko namang kaya ni Danielle at ni Kylie 'yun eh. Kaya wala akong dapat ipag-alala.

Binagalan ko na ang pagpapatakbo dahil natatanaw ko na mula sa malayo 'yung mercury drug. May isang problema nga lang, punong-puno ng zombie sa labas. At nagpupumilit na pumasok sa loob. Nag-uunahan pa sila sa may pintuan at todo pa yung pagtulak nila.

"Althea, dito lang kayo ng Ate mo kapag bumaba ako ah? bilin ko kay Althea dahil malapit na kami sa mercury at kailangan ko ng bumaba dahil maingay 'tong sasakyan na 'to.

"Sige. Dalian mo ang pagkuha. Sige ka, baka mamaya di na kayanin ni Ate.". nang-aasar na sabi niya sakin. Nakuha pang mang-asar sa sitwasyon namin ah?

Binigyan ko siya ng wag-mo-ng-sasabihin-yun look. At tumigil naman siya kakatawa.

Hininto ko na yung van siguro mga 45 meters ahead. Kaya naman naka-attract na ko ng marami-raming zombies.

Agad akong bumaba at sinara ang pinto. Pagkababa ko may lumapit na kaagad sakin.

Nilabas ko na ang katana ko na maraming beses ng nagligtas ng buhay ko. At nagsimula ko na silang patayin. Lahat sila pinupugutan ko ng ulo. Kaya bumabagsak kaagad sila.

'Yung mga iba naman sinasaksak ko sa noo nila.

Hiwa dito, hiwa doon. Saksak dito, saksak doon. Pugot dito, pugot doon. Paulit-ulit kong ginawa yan habang unti-unting lumalapit sa mercury.

Puro dugo na ang damit ko. Naging kulay pula na 'to dahil sa sobrang dami ng dugong tumalsik dito.

Kung makikita mo puro bangkay at pugot na ulo sa dinaanan ko. Buti nalang walang nakakalapit sakin. Kundi nakagat na nila ko.

Lilima nalang sila ng may madinig akong malakas na yabag ng mga paa. Yung parang naglalakad na higante. Hindi kaya--!

Nanlaki ang mata ko ng makitang papalapit ang class-A na zombie na 'yun. At nagsama pa ng 5 class-B na zombie. Kailangan ko ng magmadali!

Pinatay ko kagad yung limang natitirang zombie sa kanina. Pumasok na kaagad ako sa loob ng mercury drug at laking gulat ko ng..... puro zombie din sa loob.

Puro zombie'ng abalang-abala sa pagkain ng bangkay. Napakaraming bangkay na nakakalat dito at puro pugot na ulo ang nakakalat sa sahig. Puro dugo sa dingding, kahit saan. Puro dugo. Sa isang parte lang walang masyadong dugo. 

Kailangan ko ng magmadali! Baka mamaya mapano sila sa labas. Dahan-dahan akong lumakad ng walang ginagawang ingay papunta dun sa lagayan ng mga gamot. 

Dahan-dahan akong umakyat papunta dun sa counter. Kung saan kinukuha yung mga gamot. Buti nalang may mga label yung mga gamot dito. Kung hindi! Wala pa naman akong alam sa mga ganyan -ganyan. 

Nakalagay sa unang cabinet, ANTIBIOTICS. Pero ang sabi sakin ni Althea, kumuha na din daw ako kahit anong gamot kaya kumuha ako ng dalawang packs 'nun. 

Sa sunod na cabinet naman, nakalagay yung iba't-ibang gamot. Wala siyang label. Nandito yung mga common na gamot. Katulad ng neozep, solmux, alaxan. Marami pang iba dito. Kaya kumuha na din ako. Kahit anong madampot ko nilalagay ko sa basket na dala-dala ko.

Sa pangatlong cabinet, PARACETAMOL. Kaya dali-dali kong binuksan 'yung cabinet at kumuha ng marami 'nun. Tapos na ko sa mga gamot. Kaya ang kailangan ko nalang yung mga pagkain at tubig. Pero kailangan ko pang pumunta doon sa may mga zombies para makakuha nun. 

Sumilip ako mula sa counter at nakita kong isa-isa na silang naglalabasan sa tindahan. Kakaunti nalang yung mga natira dun kaya sinamantala ko na yung pagkakataon. Tumalon ulit ako sa counter at pumunta sa mga lagayan ng pagkain. Pinugutan ko nalang ng ulo yung mga zombies na lumalapit sakin. 

Yung iba sinasaksak ko nalang sa ulo nila. Puro talsik nanaman ng mga malalansa nilang dugo ang nasa damit ko. Kahit sa hindi masusustansya yung mga nandito kumuha na rin ako. 

Puro chips, biscuits at cookies lang naman ang nandito. Pero hindi na ko makakaangal, gutom na ko eh? Tsaka isa pa pantawid gutom din 'to.

Halos mapuno na yung basket na dla-dala ko dahil sa dami ng kinukuha ko. Kaya pumunta na ko sa lagayan ng tubig. Yung malaking ref. Hindi ko na pinansin yung mga zombies na nandoon. Kumuha nalang ako ng limang malalaking bote, at tumakbo na palabas ng mercury drug.

Pagkalabas ko, nagulat ako ng makita ko yung nangyayari dun. Yung class-A na zombie pinipilit buksan 'yung pinto. Yung ibang mga zombie pinipilit ring buksan yung pinto ng van.

"JIROH!!!" narinig kong sigaw ni Althea sa loob.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon, Now, we're Doomed.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ