Chapter 4

998 31 5
                                    

"Anong gagawin natin?!"
natatarantang sigaw ni Aphrodite dahil sa nangyayaring gulo sa labas nitong unit ko.

Dinig na dinig namin sa loob 'yung putok ng baril ni Pollux at 'yung mga sigaw niya.

"Bubuksan ko 'yung pinto tapos kukunin natin kagad si Pollux! Hindi natin pwedeng hayaan du'n sa labas!" nagpapanic na sigaw ni Castor at dali-daling nagtatakbo papunta sa pintuan.

Sinundan namin siya samantalang si Dite, kinuha 'yung baseball bat niya. Binuksan na niya 'yung pinto at hinatak papasok si Pollux, pero 'di nagpatalo 'yung zombies. Hinihila rin nila ang kakambal ni Castor. Kaya tinulungan ko na siya sa paghatak sa kapatid niya papasok. Si Aphrodite naman, pinalo ng baseball bat 'yung mga zombies na hinihila si Pollux. Nagpaputok na rin ng baril 'tong kakambal ni Castor.

Hindi namin binuksan ng sobrang laki 'yung pinto dahil baka makapasok silang lahat.

"Pagbilang ko ng tatlo hahatakin natin bigla si Pollux!" sabi niya sa'kin. Tumango naman ako bilang sagot.

"Aphrodite, isara mo kaagad ang pinto at Pollux sipain mo 'yung mga zombie na humahatak sa'yo!" sabi ni Castor. Nandun 'yung authority sa boses niya, 'yung tipong hindi 'yun pakiusap or what, isa 'yung utos. At wala kang magagawa kung hindi sumunod.

"One, two," napatingin sa'kin si Castor bago niya ituloy 'yung pagbilang. Bumuntong-hininga muna ako tapos tumango.

"Three!" sigaw niya at sabay naming hinatak si Pollux gamit ang natitira naming lakas. Nang makapasok na ang kakambal ni Castor, sinara kaagad ni Aphrodite 'yung pinto.

'Yung mga nasa labas na zombie, sobrang agresibo nila, parang hayok na hayok sila sa mga laman namin. Gagawin talaga nila lahat para makakain. Tapos parang hindi sila nasasaktan. Kahit anong gawin mo sa kanila parang balewala lang. Well, except kapag sa ulo mo talaga pinatamaan. Du'n na sila made-deads.

Hinihingal na napaupo si Pollux sa sahig at inaalalayan naman siya ni Castor. Jusko, magkamukhang-magkamukha talaga 'tong dalawang 'to...ay wait, ang shunga ko talaga. Magkakambal nha syempre magkamukha! Nakakaloka ka talaga Cas!

"Uhm, guys..." out of nowhere nadinig ko 'yung boses ni Dite, at nakita ko na pinipilit pa rin niyang isarado 'yung pinto, dahil may isang kamay na nakalusot.

Epal talaga 'tong mga chaka na 'to!

"Girl! Oh my God wait lang!" sabi ko ay nagmamadaling tinulungan si Aphrodite. Hindi namin 'to pwedeng hayaang mabuksan. Hindi pwede, kahit anong mangyari. Kapag nakapasok sila dito, wala na. Game over na kami. Unang gabi palang namin, game over na agad.

"Oy! Uso tumulong ha?!" sinigawan ko 'yung dalawa dahil hindi ata kami napansin na hirap na hirap na dito.

"Shit!" napasigaw nalang 'yung dalawa at nagmamadaling tumulong dito sa'min.

"Wait, wait! Hindi natin tuluyang masasara 'to kung nakaharang 'tong braso na 'to!" sabi ni Pollux at sinipa 'yung kamay ng epal na chakang zombie sa labas. Pero dahil sa ginawa niya, lalo lang naging agresibo 'yung mga nasa labas.

Kaya nagtulong-tulong na kaming apat sa pag-sara ng pinto. Jusko nangangawit na ko!

"Sorry. Hehehe." nakangising sabi ni Pollux sa'min.

Napasinghal naman ako dahil do'n. Ipakain ko kaya siya sa mga zombie sa labas?!

"Kukunin ko 'yung ax ni Pollux at puputulin ko 'yung braso na 'yan. Kaya niyo pa ba?" tanong ni Castor sa'min dahil wala talagang pag-asa na masara 'to kung nakaharang pa rin 'yang naaagnas na braso na 'yan sa pintuan.

Napatango naman kami at lalo pang idiniin 'yung pagtulak namin sa pinto. Maririnig mo 'yung mga ungol nila sa labas. Parang mga asong ulol na tinarakan ng ecstasy to be honest.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें