XXII.Where is He? (Part 2 of 2)

353 17 2
                                    

A/N: Hi. XD Well, namiss kong magsulat kaya mag-u-UD ako. XD Pffft! xD Wala namang pasok bukas eh. XD Pasensya na kung minsan moodswing ako. XD Bipolar eh. XD Last chapter nila Danielle then proceed tayo kila Jiroh.

P.S. Gusto ng dedication? Gusto ko comment. EVERY CHAPTER. ;) AND EVERY WEEK NA ANG UD. :))

Danielle's POV

Kinabahan talaga ko kay Kylie. Fvck. Muntik na siyang makagat. Buti na lang naka-boots siya!

Dumiretso na kami sa slaughter house. May nakakasalubong kaming mga zombie pero sinasaksak lang namin 'yun. At hindi na gumagamit ng baril. Mag-cau-cause pa'yun ng ingay eh.

Malapit ng mag-gabi nung makarating kami sa slaughter house. Wala zombie. Walang ingay. Walang kahit ano. As in, wala talaga. Di katulad nung unang pasok namin dito. Baka naman lumipat na sila? Eh si Kyle?!

"Let's divide into two groups. Dylan and you, Danielle, magsama kayo, then kami ni Kylie magsasama. Hindi pa naman alam ni Dylan 'tong slaughter house na 'to at di pa kami nakakapunta dito.". suggestion ni Avril. Agad naman naming sinunod 'yun. At sumama na si Dylan sa'kin.

"Sa likod muna natin icheck. Para sure tayo." sabi ko kay Dylan. Tumango lang siya bilang sagot. Kahit kelan talaga napakatahimik niya.

Pero nagulat kami ng makarating kami sa likod. May pinagpi-piyestahan yung mga zombies. Lahat sila abala sa pagkain. Sa pagdukot ng laman. Makikita mo yung dugo ng tao na kinakain nila.

Hindi kaya?! Hindi kaya si Kyle 'to?!

"Susugurin ba natin 'yang mga zombies na 'yan?" tanong ni Dylan sa'kin. Nahahalata niya siguro na nakakuyom na ang kamao ko.

"Kaya na natin 'to. Wala pa naman sigurong 50 'to diba?"

Sabay kaming sumugod doon sa mga zombies na abalang-abala sa pagkain sa isang bangkay.

Hinampas ko na kagad yung mga nakatayo ng sledgehammer ko. Buti nalang class-D lang sila. Babagsak kagad sila sa isang palo ko lang.

Si Dylan sinasaksak 'yung mga zombies na abala sa pag-kain.

Nahalata na siguro ng ibang zombies na nandito kaya nagsilapitan na sila sa kinarooonan namin.

Sanay na din ako sa pag-gamit ng sledgehammer ko kaya hindi na ko masyadong nabibigatan 'pag pinupukpok ko ito sa kanila.

"Dylan, sa likod mo!" muntik ng makagat si Dylan sa bandang leeg. Buti nalang mabilis ang reflexes niya at nabalaan ko siya.

"Last three." nakangising sambit ni Dylan habang nilalapitan yung tatlo pang zombies na kumakain. Na walang pakealam sa mundo. Na walang ginawa kundi kumain. At pumatay.

"Ako ng bahala dito. Ubusin mo nalang yung ibang nakapaligid sa'tin." seryosong sabi ulit sa'kin ni Dylan. Na sa oras na sinuway mo. Malilintikan ka.

"Sige. Kapag natapos mo na 'yan, sabihin mo sa'kin kung bata ba 'yan o hinde." tumango nalang siya bipang tugon, dahil mukhang kating-kati na ang mga kamay niya na patayin yung mga halimaw na 'yun.

Nilapitan ko na 'yung mga zombies na papalapit sa amin. Ako na mismo ang lumapit dahil napakabagal maglakad. Lilima lang naman sila kaya kayang-kaya ko na 'to.

Hinampas ko kagad yung nasa harapan ko at sabay sipa ng nasa likuran ko. Sabay silang bumagsak. Pero yung isa sa likod akmang tatayo na siya ng pupukin ko ulit siya ng isang beses.

Dugo't laman-loob. Puro 'yan nalang ang makikita mo dito. 'Yung damit ko kulay pula na dahil sa mga dugo ng mga zombie na 'yan.

Tinapos ko na 'yung natitirang tatlo gamit ang isang hampas ko. Nilakasan ko na para bagsak na sila kaagad.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora