XX.Attack of Another Army

422 11 0
                                    

A/N: Grabe ang hirap makipag kumpitensiya sa ibang authors. XD Isang araw lang akong di nakapag-UD, ang laki na ng ibinaba sa ranking. Buset! >.< XD Lol. Tulungan niyo ulit ako. XD Please!
ANNOUNCEMENT!!
May namali akong natype sa chapter ng Love Teams. Yung hinalikan po doon ni Althea is si Danielle. Hindi po si Jiroh. xD nagkamali lang po. Sorry. xD
Danielle's POV

Nagising akong nakahinto na yung sasakyan namin. Lahat ata sila nakababa na ako nalang nandito sa loob. Nakakahiya naman. Sh*t. Baka mamaya kung ano-ano na iniisip sa'kin nung mga tumulong sa'min. 

Bumaba na ko sa kotse then nakita ko sila na kumakain sa isang burger shop. Kasama nila si Kylie. Nakaupo sila dun sa mga upuan sa counter. Kinawayan naman ako ni Mark kaya lumapit na ko sa kanila.

"Pasensya na kayo kung natagalan ako ng gising wah?" panguna ko sa kanila habang nagkakamot ng ulo.

"Ayos lang yun bro!" sabi ni Mark sabay akbay sa'kin. Bakit yung isa nakaupo lang 'don at hindi nagsasalita? Emo ba siya? Si Kylie at Avril naguusap habang kumakain ng burger. Siguro nagluto sila sa loob.

"Oh! Kuya Danielle! Eto yung burger mo!" masiglang sambit sa akin ni Kylie. Binigyan ko naman siya ng confused-look. Bakit parang ang bait niya ngayon? Nagkasundo ata sila ni Avril?

"Bakit?!" tanong niya sakin gamit ang pagkalakas-lakas niyang boses. Napatakip tuloy ako sa tenga ko ng di oras.

"Wala." tipid kong sagot sabay kuha ng burger na nasa kamay niya. Natatawa naman sila kapera kay Dylan. Psh. -.-

Pinagpatuloy naman nila Kylie ang pag-uusap nila ni Avril. Si Mark naman tumabi sakin.

"Paano kayo nakasurvive sa Apocalypse?" panimula niya sabay kagat sa burger niya.

"Isang normal na araw lang 'yun para sa'min ni Jiroh, ang bestfriend ko. Kagrupo din namin siya. Nasa bahay ko siya tapos nung umaga, may flash report na lumabas sa t.v. namin. Na naguulat na may apocalypse na nga daw na kumalat at kalahati ng populasyon ng mundo ay apektado na. Dapat daw wag lumabas ng bahay kahit anong mangyari. Yung mga zombie daw ay nangangain ng tao..... Nung una, hindi kami naniwala pero may narinig kaming sumigaw sa labas. Dalawang beses. At sumilip si Jiroh sa bintana. Nakita nga niya na may taong nangangain ng tao. blah blah blah blah..."  

(A/N: Yung mga susunod pong sasabihin ni Danielle ay yung mga nangyari sa kanila, during the Apocalypse. Sobrang haba nun kaya sinabi ko nalang yung una. XD Nakakatamad kaya. XD)

Pagkukwento ko sakanya, sila Avril, Kylie, at Dylan ay nakinig na rin sa akin. 

"Kayo pano kayo nakaligtas?" tanong ko kay Mark.

"Isang normal na araw lang din 'yun para sa'min. Pero pagkalabas namin nagkakagulo na. Di na--!" May nakita kaming napakaraming zombie na nakita... Bakit ba kasi sila nabuhay sa mundo na'to? Sino ba ang may gawa ng gulong 'to?! Pagod na pagod na kami!!

Lumapit na sila Mark at Dylan sa mga zombie at pinagbabaril na sila, sila Avril naman at Kylie, nandito lang, pinatago ko na sila sa loob ng burger stall.

"Avril, bantayan mo muna si Kylie, kakalabanin lang namin yung mga zombie na 'yon. Babalik kami dito." bilin ko kay Avril.

"Sige. Ako nang bahala dito." mahinahon niyang tugon sakin. Tumakbo na ko papunta kila Mark na napapalibutan na ng mga zombies.

"Danielle! Tulong!" sigaw sa akin ni Mark. Pinaghahampas ko na sila, pero kaunti lang ang natatamaan ko. Masyado silang mabilis.

Di kaya---?!!

"AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!" si Mark! Nakagat ng zombie sa braso! Sh*t sh*t sh*t!! Kasalanan ko 'to eh!! Ang tagal ko kasing dumating dito! May magiging zombie na naman! Sh*t lang talaga!

"Ayos ka lang ba?!!"sigaw ko sakanya habang hinahabol yung mga zombie na pilit na kinakagat kami, sila kaya yung CLASS-B?!

(A/N: Readers, remember, nung sa pandemonium, may mga classes ng zombie akong inintroduce? Sana wag kayong malito. xD)

Ang pagkakaalala ko...... ang class-b ay ang pinakamailap na zombie. Rare kumbaga. Hindi man sila ang pinakamalakas, sila ang pinakamaliksing zombie.

Sledgehammer lang ang gamit ko. Mahihirapan akong habulin sila ng pukpok ko lalo na't medyo mabigat 'to. Si Mark.... kahit nakagat na siya, bumabaril pa rin siya.... kaso, kaunti lang din ang napapatay niya. Si Dylan, yung tahimik, halatang nahihirapan na din siya.

"Kuya Danielle!!"tumalikod ako tas nakita ko si Kylie na may dala-dalang baril. Pero, bakit hindi niya kasama si Avril? May nangyari kaya?

"Saluhin mo 'to Kuya Danielle!!" machine-gun. Machine gun ang binigay niya sakin. Tapos tumatakbo na rin papunta samin si Avril. Nagmamadali siya.

"Bakit anong nangyari?!" sigaw ko sa kanya habang bumabaril pa rin ng zombies. Mas mabaho 'tong mga zombie na 'to. Mas nakakadiri. Kung mandidiri na kayo dun sa mga nakalaban namin dati, mas mandidiri ka dito.

Yung mga dugo nila tumatalsik sa damit ko. Kulay black pa. >.< Pero di naman ito ang oras para isipin ko yang mga yan ah! eh! Basta!

"May mga umatake din dun sa likod!" hinihingal na sabi ni Avril samin. Patay. Nacorner na kami dito. Napakarami na ng mga zombie na kinakalaban namin. Eh madadagdagan pa. Jusko! 

"Anong gagawin natin!!?" nagpapanik na sigaw ni Avril.

"Umurong muna kaya tayo?!! Nakagat din si Mark! Panong gagawin natin!!" tugon ko sakanya. Ngayon hiwa-hiwalay na kami. Lahat kami napapalibutan. Lahat kami lumalaban. Lahat kami nahihirapan. Si Dylan, halata mong pagod na siya kakaalalay kay Mark at kakabaril. Pero sadyang napakaliksi nila. Kakaunti lang ang matatamaan mo ng sakto sa ulo. At babagsak kaagad. Si Avril at Kylie magkasama, salitan silang bumaril. Nagrereload sila kaagad. Ako eto, hirap na hirap na kakahampas sa mga walang hiyang zombie na yan. Pagod na pagod na ko. Ang bigat-bigat kaya ng sledgehammer tapos ang bibilis pa nung mga zombie! Eh yung machine gun ko naman naubos kaagad yung bala!

Despair. Yan ang unang pumasok sa isipan ko ng makita ang kalagayan naming lahat. Maaaring hindi na kami makaalis dito. Maaaring di na kami mabuhay. Pero kailangan. Kailanganng lumaban. Marami pa kong gustong matapos sa buhay ko. May misyon pa kami ni Kylie. Hindi ko pwedeng biguin si Jiroh. Si Kyle, maaaring nagaantay siya sa ate niya ngayon.

Hindi talaga pwedeng sumuko. Hindi ako magpapatalo kahit anong mangyari. 

"Guys!! Pumunta tayo sa kotse!! Kailangan nating bumalik! Hindi natin 'tong kayang labanan! Mauubos tayo!!" mukhang natauhan naman sila kaya pinagbutihan ko pa ang pag-ubos sa mga zombies na nasa daanan ko. At ganon din sila.

Konti nalang mauubos ko na. Hampas dito. Pukpok doon. Pinipilit ko talagang habulin ng pukpok yung mga zombie kaya kahit papaano nadadamage din sila.

Isang zombie nalang. Isa nalang at makakalabas na ko. 

*PAK!* dumanak ang dugo ng zombie na nasa harapan ko. Labas utak. Nakasalpak na siya ngayon sa kalsada habang tumutulo ang itim niyang dugo.

Tumatakbo na sila ngayon papunta sa kotse habang bumabaril pa rin ng zombie na humahabol samin.

Inalalayan ko si Dylan na akbay-akbay si Mark. Sumusuka na ng dugo si Mark. Kailangan na naming magmadali. Unti-unti na ding nagiging gray ang kulay ng mata niya.

Isinakay na namin kaagad siya. Nakasakay na pala doon sila Kylie habang bumabaril pa rin. Sumakay si Dylan sa driver's seat. 

"Saan tayo pupunta?!" nagmamadaling pinatakbo ni Dylan ang kotse. 

"Sa hospital tayo pumunta, baka makakita tayo ng gamot doon." tinalian ko ng tela si Mark sa braso. Kung saan siya nakagat. 

"Dylan bilisan mo kailangan nating mailigtas si Mark." maluha-luhang wika ni Avril kay Dylan.

A/N: Ayan na! Hahaha! XD Sorry ngayon lang nakapag-UD after 3 weeks. 3 weeks po tong nakatengga sa drafts ko. XD Sorry talaga!

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Where stories live. Discover now