X.Slaughter House: Enter or Leave (1 of 3)

611 21 4
                                    

A/N: Oh ayan na!! Second UD ko na to!! Sorry kung walang patayan na nangyari last chapter. Puro romance. Haha. Babalik ko na ngayon. Bwahahaha. Humanda ka na! Comment ka please? *puppy eyes*

P.s. Enjoy reading!! Nyahahaha. :)

Jiroh's POV

Hininto ko muna yung sasakyan namin at pumasok sa gubat kung saan may narinig kaming sigaw. Naghanda muna kami. Hawak ko na ang katana ko. Si Danielle ang sledgehammer niya. Tapos yung mga babae dalawa ang hawak na patalim. Bale isang kutsilyo at isang dagger.

Lakad.

Lakad.

Oops. May zombie. Buti isa lang.

"Ako na guys." sabi ko sa kanila. At tuluyan ko nang pinugutan ng ulo yung zombie.

Lakad.

Lakad.

Wait lang!!

"Wait lang! May nakalimutan ako. Babalik ako, antayin niyo nalang ako dito.". sabi ko sa kanila..

"J-jiroh mag-ii-ingat k-ka a-ah?" sabi sakin ni Almyra na nauutal pa. Crush sigiro ako nito. Nyahahaha.

"Oo naman. Wag kang magalala.". lumapit ako sa kinatatayuan niya. Tsaka hinalikan ko siya sa noo.

"Hoy!" sabi sakin ni Almyra na parang galit na kinikilig na parang ayaw na parang gusto. Basta! >.<

"Antayin niyo ko dito ah?! Wag kayong aalis dito." sabi ko sakanila.

"Danielle! Bantayan mo sila ah?!" sabi ko kay Danielle.

"Ako bahala.". sabi niya sakin sabay ngiti.

"Tara Scooby. Samahan mo ko!" sinama ko si Scooby sa akin. Papunta na ko sa sasakyan namin ng biglang may sumulpot na tatlong zombie. Pinugot ko yung ulo ng isa. Tinaga ko naman yung isa. Nagulat ako ng.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Si scooby tumalon tapos kinagat niya yung ulo nung natitirang zombie. Tapos niluwa na niya. Haha.

"Good boy.". sabi ko sa kanya. Pero parang nakakaintindi tong asong to at tumahol pa sakin. Magaling siguro ang nagaalaga dito bago namin siya makita.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Hay salamat at narating na namin yung sasakyan. Agad kong kinuha yung natirang daggers. Tapos kumuha ako ng bato para habang naglalakad kami nilalaglag ko yun. Para di kami maligaw.

Althea's POV
"Antagal naman ni Jiroh... -_-". sabi ko sa kanila. Inip na inip na ko kanina pa. Halos trenta minutos na kami nandito ah.

"Antayin mo n----!!!" Hindi na natuloy ni Xiaoyou yung sasabihin niya dahil napakaraming zombie na sumulpot. Siguro mga dalawang dosena. Yung mga zombie na to mas nakakadiri. Lahat sila may hawak na laman loob tapos kinakain nila yun habang naglalakad patungo sa kinaroroonan namin. Tapos yung balat nila halos maagnas na at wala nang matira. Laman at buto kitang kita mo. Tapos mas mabaho sila sa mga huling nakaingkwentro namin.

"Gross... Eew. C'mon guys. Let's get busy!" sabi ni Ate habang naghahanda na.

Di na kami nagaksaya ng panahon pa. Pinagsasaksak na namin sila sa ulo nila. Pero umaabot ng dalawang saksak bago bumagsak.

"Bakit ganon!? Mas matibay sila sa dati?!" sabi ni Danielle habang pinupukpok yung mga zombie gamit ang sledgehammer niya.

"Hindi ko alam." tugon ko sa kanya. Tapos napalalayo na kami sa isa't isa dahil bawat isa sa amin may kinakalaban na 5 o higit pang zombie. Parami na rin sila ng parami.

"Guys!? Ayos lang kayo?!" sigaw ni Danielle.

"Ayos lang ako Danielle!!". sigaw ko sa kanya.

"Kami din ni Xiaoyou!!" si Ate yun ah? So ibig sabihin magkasama sila? Ayos na rin yun. Yung mga zombie na to parang may isip. Hindi muna sila kumakagat. Nagtatactics muna sila kumbaga. Tapos bigla na lang nilang tinabig yung isa kong kutsilyo at yung isa pa.

"Tulong!!!!" sigaw ko.... Pero parang katapusan ko na...

Jiroh's POV

Malapit na ko dun sa pinag-istayan nila. Teka nga?! Bakit may nadinig ako sumigaw? Dali-dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan namin. Pati si Scooby tumakbo na rin.

Nakita ko sila na may kinakalaban na zombie. Mas malala dun sa mga una naming nakaingkwentro. Nakita ko si Althea walang hawak na kutsilyo at dali dali akong pumunta sa kanya. Pinugot ko ang ulo ng zombie at bumagsak na ito.

"Ayos ka lang?!" tanong ko sa kanya.

"Oo. Salamat.".  sabi niya sa akin ng nakangiti habang kinukuha na ang kanyang kutsilyo. Tinulungan ko na din yun iba.

"Ayos lang kayo?" sabi ko sakanya.

"Oo."

"Tara na magpatuloy na tayo." sabi ko sakanila.

A/N: Ayan na!! Second UD ko na. Sorry kung short update. Gusto ko lang matupad yung promise ko sa inyo. Tsaka three parts din to katulad nung sa The Fight. Comment ka ah?! Vote na din. Thanks. ;)

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin