XXVII.Last Blow (Part 1 of 2)

277 9 0
                                    

A/N: I know na NAPAKATAGAL kong hindi nag-update. Sorry. 'Yun lang. Hahaha. Last chapter para sa first chapter. Hindi na ko dadaldal. Enjoy!

Jiroh's POV
Gabi na nang makatulog si Almyrah. At ngayon. Binabantayan ko siya. Hindi na siya ganon kalala katulad ng dati. Para lang akong tanga dito na nakatingin sa kanya.

Si Althea, nandun nagluluto. Kasama si Tyler. Magkasundo kagad silang dalawa. Habang nagluluto si Althea, hinaharot naman ni Ty si Althea. Kung makita 'to ni Daniel, patay yang si Tyler. Pero may tiwala naman ako kay Althea at Tyler. Kaya walang dapat ikabahala.

Nang matapos ng magluto si Thea, pumunta siya sa kinaroroonan namin ni Almyra. Dala-dala yung isang kaserola na maliit na may lamang noodles. Habang si Ty naman, may dalang tatlong mangkok at kutsara.

"Kain na tayo kuya Jiroh." sabi sakin ni Althea.

"Sige. Nagugutom na din ako eh." Sabi ko naman.

"Dude, ito oh." sabi ni Ty sabay abot sakin ng isang mangkok. Inabutan na niya ako kutsara. Same with Althea.

Nakakabinging katahimikan. Tanging mga tunog lamang ng kutsara na tumama sa mangkok na aming kinakainan.

Naunang natapos si Althea kaya tumayo siya at akmang pupunta sa kusina ng may isang nakabibinging tili ang bumasag sa namamayapang katahimikan. Saglit kaming napatigil sa aming mga ginagawa.

Nasundan pa iyon ng isang putok ng baril at sigawan ng mga tao.

"Dumapa kayo." Pabulong kong sabi sa kanila habang binababa ko si Almyra sa baba at pinatay ko na din ang ilaw.

"Hindi ba natin sila tutulungan?" Tanong sakin ni Tyler. Mahirap ng magtiwala sa panahon ngayon. Sa panahon na kung saan kailangan mong mag-survive.

"Emily! Sa likod mo!" Isang sigaw ang narinig namin sa labas. Sumunod na naman doon ang limang putok ng baril. Napapikit na lamang kami habang si Althea ay tinatakpan ang kanyang tenga.

"Tulong!" May sumigaw na naman sa labas. Tsk. Kailangan namin silang tulungan. Kahit pa sabihin mong krisis na ngayon, kailangan pa din nating tulungan ang kapwa natin na nangangailangan.

Nagkatinginan kaming tatlo. At mukhang isa-isa lang kami ng iniisip. Tinanguan namin ang isa't-isa. Tumayo na kami at kinuha ang mga armas namin. Madaming dalang baril si Tyler kaya sa tingin ko magagamit na namin ito ngayon.

Dali-dali kaming tumayo at lumabas ng van. Sinulyapan ko muna si Almyra bago ako bumaba. Sinarado ko ng maigi ang van habang sila Althea at Tyler ay tinutulungan na 'yung tatlong inaatake ng zombie.

Tumakbo na din ako papunta doon at ginamit ko muna ang katana ko para hindi sayang sa bala. Napansin ko na isa lang ang baril 'nung tinutulungan namin, puro melee weapons na ang hawak ng iba. Kaya pala sila nahirapan ng ganito.

"Jiroh sa likod mo!" May narinig akong sumigaw sa gilid ko pero hindi ako nakailag. Pero biglang may nagpaputok ng baril at tumalsik na lang sakin ang dugo nito. Sobrang bilis ng pangyayari. Basta sobrang bilis.

Tumingin ako kay Tyler, siya pala 'yung nagligtas ng buhay ko. Tumingin naman ako sa kanya at binuka ko 'yung bibig ko ng "Salamat". Ngumiti naman siya at tumango bilang tugon. Pagkatapos 'nun nagpatuloy na kami sa paglaban.

Palo dito, palo doon. Hiwa dito, hiwa doon. Hindi na namin mabilang ang mga napatay naming zombie pero hindi pa din sila nauubos. Punong-puno na ng dugo ang mga damit namin. Pati ang mukha namin. Pero hindi pa din kami tumitigil sa pagpatay.

Puro bangkay na sa kalsada. Puro bangkay na sa harapan namin dahil nag-form na kami ng pabilog.

"Guys cover me! Mag-rereload lang ako!" Sigaw nung lalaki sa kabilang grupo. 'Yung dalawang kasama naman niya ang pumapatay sa zombie na lumalapit sa kanila.

*BOOOGSHHH*

*BOOOGSHHH*

*BOOOGSHHH*

"Shit happens! Not now!" Sigaw ko ng makita ko 'yung class-A na zombie.

*BOOOGSHHH*

*BOOOGSHHH*

"Oh my god! This can't be happening!" Sigaw 'nung isang babae sa kabilang grupo. Hindi lang kasi iisa 'yung class-A na zombie. Kundi tatlo. Tatlong higante ang nasa harap namin ngayon.

"Guys! Let's clear this path!" Sabi ko at tinuro 'yung daan sa kaliwa kung saan may eskinita at kaunti na laman ang zombie.

"Magpa-plano tayo doon sa eskinita na 'yun. Hindi tayo pwedeng lumaban sa mga 'yan ng walang plano!" Pagkasabi ko 'nun ay may sumulpot sa likod ng mga class-A na mga zombie na class-B.

"'Yan 'yung mga mabibilis Jiroh! Kailangan na nating magmadali!" Althea said to me at nagsimula na kaming magpaputok ng baril sa zombie na nakaharang sa dinadaanan namin.

Napakabilis talaga 'nung mga class-B na zombie. Malapit na sila sa'min. Malapit na malapit na din kami dun sa eskinita na sinasabi ko. Ilang hakbang na lang ng madapa pa 'yung babae sa kabilang grupo. Shit naman. Malapit na kaming maabutan 'nung mga zombie. At lalo pa silang dumadami dahil sa mga ungol nila!

"Max! Buhatin mo nalang si Emily!" Sigaw 'nung isa pa nilang kasama. Kaya nagmamadaling lumapit 'yung Max kung saan nadapa 'yung Emily. Habang sila Althea at Tyler na nasa likod ay nagpapaputok pa din ng baril sa mga nakakalapit na zombie.

"Guys! Dalian niyo! Mamaya na 'yan!" Sigaw ko sa kanila kaya naman nagmamadali na kaming tumakbo doon sa makitid na daanan at umakyat doon sa hagdan na papunta sa rooftop. Ako 'yung nangunguna samantalang sunod sa'kin 'yung isa pang lalaking hindi kk kilala, sunod si Emily, si Max, si Althea, at nasa huli si Tyler.

Hakbang lang ako ng hakbang para maabot ko na 'yung tuktok at doon kami makapag-usap ng maayos.

Akyat. Akyat. Akyat. Hindi ako tumitigil hanggang sa maabot ko 'yung taas. Ito na, isang hakbang na lang at makakatuntong na ko sa taas.

Isang baitang nalang. Pero bago ako humakbang, narinig kong sumigaw si Tyler.

"Utang na loob, pakibilisan niyo ang pag-akyat! Nakakaakyat na 'yung ibang zombie at malapit na nila akong maa--- Aaahhh! Shit! Shit! Alis! Wag mo kong hawakan!" Sigaw ni Tyler na ngayo'y nagwawala na dahil may nakahawak sa paa niya na dalawang zombie.

Nakaakyat na ko sa taas at tinulungan ko 'yung isang lalaki na umakyat. Pati si Emily nakaakyat na.

"Wag! Tulong! Tulong!" Nang makita ko si Ty, hinahatak na siya ng pagkarami-raming zombie sa baba. Shit! Anong gagawin ko?!

"Ty! Don't panic! Lean yourself at the ladder! Wag kang gagalaw! At wag ka ding papakuha sa mga zombie'ng 'yan!"
Sigaw ko sa kanya at tumango-tango naman siya. Kinasa ko na 'yung shot gun ko.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Where stories live. Discover now