XVII.A War that Fought in Two Fronts.

472 16 3
                                    

A/N: Yehey! Happy 600+ reads!! Onti nalang 1K reads na! Salamat sa inyo!! This chapter is dedicated to maimai_daiki. Inulan ako ng votes niyan. XD

Jiroh's POV

Kailangan namin 'tong labanan kahit pagood na kami. Kailangan. Para mailigtas si Almyra.

"Mga bata bantayan niyo muna si ate Almyra niyo wah? Kakalabanin lang namin 'tong mga zombie na 'to. Wag kayong aalis dito wah?" lumalaban na sila Danielle at Althea. Pero binilinan ko lang 'tong mga bata.

Tumakbo na ako dun sa mga zombie at nagsimula na ring lumaban. Pugot ng ulo. Pugot dito. Pugot doon. Punong-puno na kami ng dugo. Pawis na pawis na kami. We are exhausted.

"Lumapit kayo dito!" sigaw sa amin ni Danielle. Lumapit naman kaming dalawa ni Althea sa kanya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya habang hinihingal.

"Mahirap na kung magkakahiwa-hiwalay tayo dito." sabi niya sa amin.

Nagform kami ng bilog at nilaban ang mga zombies na malapit sa amin. Kabisado na namin ang galaw ng bawat zombie kaya wala kaming problema tungkol dito. Pero, lahat kami ay pagod na pagod na. May humawak sa binti ko at muntik na akong makagat ng biglang...

BANG!

Bumagsak ang zombie na nakakapit sa binti ko. At tumingin ako sa pinanggalingan ng putok ng baril. At si--!!

"Kylie?!" si Kylie ang bumaril. Marunong siyang humawak ng baril?! At sakto pa sa ulo ng zombie?! May hawak siyang dalawang pistol at binabaril din niya yung ibang zombie. Pati si Danielle at Althea napatigil sa paglaban. Wala namang zombi na malapit sa amin kaya okay lang. Medyo malayo-layo pa sila.

"Marunong kang bumaril?!!" sabay-sabay naming tanong sa kanya. Pero siya baril pa rin ng baril.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Kumuha na kayo ng mga baril niyo doon!" hindi na kami nagsalita at kumuha na ng baril doon sa bag niya. Andaming baril. Yun nga lang puro pistol at revolver. Sa isang bag niya puro bala. Punong-puno ng bala. Saan naman kaya niya nakuha 'tong mga ito?!

Nagkatinginan kaming tatlo at binigyan ang isa't-isa ng 'confused look'.

"Pwedeng pakibilisan!?" parinig sa amin ni Kylie. Tss. -.- Suplada talaga. Tumayo nalang ako at hinawakan ang isa kong pistol at isang revolver. Nagsimula na akong bumaril. Buti naman at may tinatamaan.

Baril.

Baril.

Baril.

Baril.

Baril.

Baril.

Baril.

Nagrereload ako at sila din.

Baril ulit.

Kaunti nalang sila at napagdesisyunan ko na gamitin na lang ang aking katana para hindi maubos ang bala namin.

"Ako nang bahala sa kanila!!!"

"AAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!" sumisigaw ako habang papalapit sa kanila. At sabay sabay ko silang pinugutan ng ulo. At talsik sa akin ang dugo nila. Pinunasan ko naman ito nang t-shirt ko.

Nakatingin sila sa akin... Halata silang nagulat.. Tumingin ako sa mga napatay ko.... 7 zombie pala sila.... And I just finished them with one blow.... O_O. Yan ang expression naming lahat.

"T-tar-ra n-na??" tanong ko sa kanila..

"Sige! Bilisan na natin." sagot ni Danielle at nagmamadaling pumasok sa van. Binuhat ko na si Almyra at pumasok na din sa van...

Kaya agad ko na 'tong pinaandar. Wala pa ring malay si Almyra. Kaya binilisan ko pa ang takbo.

"Althea? Alam mo ba ang daan papunta doon sa nangggamot ?" tinanong ko siya habang nagdadrive.

"Oo. Sa pagkakatanda ko sa bandang Hargeon yun eh. Yung pinaka-gitnang lugar dito." sabi niya sakin sabay turo sa daan.

"Okay. Okay." binilisan ko pa yung takbo ng sasakyan. Wala na akong pakialam kung may masagasaan man kami. Pero as usual, wala na namang zombie sa daan.

Lagi naman akong pinapasyal ni Daddy dito sa Hargeon. Kaya alam ko yung daan. Si Althea hawak ang ate niya at inaalalayan. Si Danielle naidlip muna saglit. Si Kylie nakaupo pero parang di siya mapakali. Di ko alam kung bakit. Si Kyle na---!! Prineno ko kagad yung van kaya lahat natauhan.

"Ano ba yan Jiroh?!" naiiritang sabi ni Danielle habang kinakamot ang ulo niya.

"Jiroh, bakit mo hininto?" tanong din ni Althea sa akin.

"Guys! Nawawala si Kyle!!" sigaw ko sabay tingin kay Kylie.

"Kylie! Bakit hindi mo sinabi kaagad samin?" tumayo ako mula sa driver's seat at nilapitan siya. May namumuo nang luha sa mga mata niya.

"K-kas-si baka m-mag-galit kay-yo kapag s-sinabi ko eh.. Huhuhu" umiiyak niyang sabi sa akin.

"Bakit naman ako magagalit? Ano ka ba?" hinaplos ko yung likod niya para mahimasmasan nang onti.

"Jiroh, we need to go to the astrologer..." sabi ni Althea. Halatang nag-aalala siya para kay Kyle pero nag-aalala din siya sa kanyang Ate.

"Jiroh, Kailangan nating iligtas si Kyle." ganon din siya pareho kay Althea. Nag-aalala sa kanilang dalawa.

Sandali. Sandali. Kailangan kong mag-isip kung paano sila maililigtas pareho...

"Sandali. Mag-iisip ako kung pano natin 'to malulutas."

A war that fought in two fronts...

A war that fought in two fronts...

A war that fought in two fronts...

Tama! Tama! Tama yung strategy ni Master Mavis sa Fairy Tail! Tama! Pwede ko 'tong gawin ngayon!

"Danielle! Kylie! Kayo ang bumalik sa Slaughter House at hanapin kung nandoon si Kyle! Kami ni Althea ang pupunta doon sa makakapagpagaling kay Almyra!!"

"Agree." sabay-sabay nilang sabi.

"Teamwork ang kailangan natin!"

"Osu!"

A/N: Yes! UD done! Hahaha. Oh? Panu ba yan maghihiwalay-hiwalay sila. Anong masasabi niyo? XD Nga pala. Malapit nang magpasukan! XD Minsan na lang ako makakapag-UD. pero promise! tatapusin natin 'to!

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن