Chapter 1

1.6K 50 15
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko habang nakahiga ako sa kama ko. Tumingin ako sa orasan na nasa tabi ng higaan ko.

Napabalikwas nalang ako dahil sa gulat nu'ng makita ko kung anong oras na. 12:45 PM na! 12 noon ang pasok ko, jusko papasok pa ba ko or what? Eh hanggang ngayon may hangover pa rin ako! Buti kung makapag-concentrate ako sa klase nito.

Kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng kama ko, balak ko sanang tawagin ang bestie ko. Tatanungin ko sana kung pumasok siya, panigurado may hangover din kasi 'yun.

I searched the name "Aphrodite" on my phonebook, then tinawagan ko 'yun.

Pero nakailang try na ko, ring lang ng ring. Walang sumasagot. 'Yung babaitang 'yun talaga! Makukurot ko singit nu'n kapag nagkita kami eh. Dahil no choice ako, magiiwan nalang ako ng voice message.

"Hey girl, it's me, your pretty and sexy friend, Cassiopeia! Ito naman, why are you not answering my calls? Nakakaloka ka talaga. Itatanong ko sana kung pumasok ka ba, eh alam ko namang mas marami kang nainom sa'kin last night. You know, hangover hangover hangover. Pag nakita mo 'to magreply ka kaagad kung hindi kukurutin ko 'yang singit mo gamit nail cutter. Bye girl!" pagkatapos kong magsend ng voice message, dumiretso na ko sa CR nitong condo ko.

Ako lang naman kasing mag-isa rito. Yah, ako lang nakatira dito. I decided na bumukod nalang kay Mommy dahil ayokong makita 'yung pagmumukha nu'ng asawa niyang chaka! And no, he's not my Dad. My Daddy is not here na... you know what I mean. Ayoko nang balikan pa ang nakaraan.

A person who dwells in the past is not happy in the present! Charot! Nabasa ko lang 'yan sa twitter.

So ayun, stop na sa background ko, pagkatapos kong maghilamos, kumuha ako ng pera sa wallet ko. Sapat na para makabili ng breakfast sa fastfood. Sawa na kasi ako sa instant noodles. Everyday ba naman 'yun ang kinakain ko. Kinuha ko rin 'yung phone ko and nilock ko 'yung pinto pagkalabas ko.

Dinig na dinig 'yung stiletto ko habang naglalakad ako, yah, stiletto. Dapat maganda pa rin ako kahit bibili lang ako dyan sa tapat. Pak! Ganern! Wala bang mga tao dito sa condo? Ay, siguro nasa trabaho 'yung iba. Kasi naman puro tanders ang mga ka-neighborhood ko. Wala man lang mga kasing-edad ko! Nasa 75th floor kasi ang unit ko. Taas diba? Kasing-taas ng heels ko.

Nasa tapat na ko nang elevator, pinindot ko 'yung button dun na umiilaw. Hindi ko talaga alam ang tawag do'n. I'm so sorry.

Nung bumukas 'yung pinto, pumasok na ko sa loob. Ako lang mag-isa. Which is unusual kasi laging may sumasakay dito, so talagang may makakasabay ka. Nag-cellphone nalang ako. Binuksan ko 'yung messenger ko, at dahil may pasok nga ngayon, walang online. Edi wala akong kachat, no choice, pinatay ko nalang yung mobile data ko dahil sayang. Nagtitipid na ko ngayon 'no.

Nakarating na 'yung elevator sa ground floor, bumukas na 'yung pinto kaya lumabas na ko. Pero hanggang dito sa lobby walang tao. As in wala talaga! Pati si manong guard, eh 24/7 siya diyan. Dapat kahit isa may makikita ako pero wala talaga. Nagtataka na ko ha. Baka mamaya pinagtitripan lang ako ng mga tao dito. Nako talaga, pag ako gino-good time lang nila.

Dahan-dahan lang akong naglakad, dahil ang creepy na talaga ng lugar na 'to. Dapat kahit mga tunog ng sasakyan meron pero ba't ngayon wala? Parang nasa haunted condo tuloy ako. Naglakad ako palabas.

And, hindi ko inaasahan ang bumungad sa'kin. Jusko, bakit andaming mga sasakyan na nandito sa kalsada, tapos gulo-gulo pa. The road was jammed up. There were no signs of people anywhere. Even here on the main road. Wala pang mga driver 'yung mga sasakyan. It looks like they left it here on a purpose. Sino ba namang magiiwan sa sasakyan nila dito?! Kahit ako magkaron ng kakarag-karag na kotse hindi ko iiwan dito 'yun eh.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Where stories live. Discover now