XXXI.Captured

191 5 8
                                    

A/N: Since we've reached 400 votes, here's the update. Haha. Thanks to that Alien. You know who you are. HAHAHA. Guys, uso po mag-vote at mag-comment. Kung gusto niyo lang naman. HAHAHA.

V's POV

Naglalaro pa din kami dito sa labas ng bahay. Naglalaro kami katulad nu'ng patangkaran, palakihan ng ilong, pahabaan ng baba, palakihan ng gilagid. Mga ganyan 'yung nilalaro namin. May tig-iisang points na sila ngayon. Except kay JM. Talagang dinadaya ko siya. Pft.

Inaagaw niya kasi si JK sa'kin eh. Dadayain ko siya ngayon. Hehehe.

"Hey, tara na sa loob. Dumidilim na. Papagalitan pa tayo ni RM kapag naabutan tayo sa labas kapag gabi na." Sabi naman sa'min ni S. Epal naman si hyung eh. Last round na nga eh! Tapos papapasukin na kami?

"Hyung, mamaya na. Last na 'to. Isa nalang." Pagpupumilit ko sa kanya.

"V. Tara na sa loob. Du'n na natin ipagpatuloy 'yung mga laro mo." Sabi naman sa'kin ni JH. Pinagtutulungan ba nila ko? Ang sama niyo sa'kin.

"Paliitin ko gilagid mo S eh. Ikaw naman JH paiksiin ko baba mo eh." Bulong ko sabay iwas ng tingin sa kanila. Mahirap na. Sikret lang natin 'yun ah?

"Tara na. Tara na. Pasok na tayo." Sabi naman ni JM sabay akbay kay JK papasok sa bahay. Aba! Sumosobra na 'yung pandak na 'yun ah! May araw ka din sa'kin. Lagot ka sa'king jamless ka.

Pumasok naman kaming tatlo sa bahay pagkatapos pumasok nung dalawa.

"S, laro pa tayo ah?" Pangungulit ko kay S.

"Ah, oo. V, pahinga muna tayo sandali ah? Napagod ako du'n sa palakihan ng gums eh." Sabi naman niya sa'kin sabay upo sa sofa katabi sila JK.

Ganun ba talaga nakakapagod ang laro ko? Hindi naman ah? Naupo nalang din ako sa sofa, eh ayaw na naman nilang maglaro eh.

"Hyung, may pagkain ba? Kain tayo." Biglang sabi ni JK kay JM sabay tayo sa kinauupuan nila.

"Meron pa ata. Tara tignan natin." Sabi naman ni JM. Pinapanood ko lang sila habang nakaupo. Bahala sila.

Napatingin ako kay JH, unti-unti ng pumipikit 'yung mata, inaantok na ata. Himala, hindi siya maingay. Tapos si S, tulog na. Ganyan naman lagi 'yan eh. Malingat ka lang sandali, tulog na. Tulog ng tulog, 'yan tuloy sobrang puti. 'Di naaarawan. Tsk.

Tumayo ako tapos umakyat ako sa second floor. Wala naman akong makausap do'n eh. Ang boring. Sarili ko nalang kakausapin ko.

Dahan-dahan kong binuksan 'yung pinto namin. Kaya 'di maiiwasan na lumangitngit 'to. Parang 'yung sa haunted house, ganun 'yung tunog. Parang boses ni Sadako. Ang ganda kaya ni Sadako. Kaso nakaka-turn off 'yung boses, parang palakang iniipit.

Hinanap ko muna 'yung kandila sa aparador tapos kinuha ko 'yung posporo sa bag ko. Sinindihan ko naman 'yun tapos itinayo ko sa basong may laman na tubig. Ano kayang mangyayari dito mamaya? Bahala na, basta may liwanag na sa kwarto namin.

"V, bakit bilog ang mundo?" Tanong ko sa sarili ko, nag-isip-isip ako ng pwedeng isagot sa sarili ko.

"Kasi hindi 'to triangle. Okay, V?" Sagot ko naman sa sarili ko. Napatango-tango naman ako dahil do'n. Ganun pala 'yun.

"AAAAHHHHHHH!!" Napatayo ako bigla nu'ng may marinig akong sigaw galing sa labas. Sigaw ng babae.

"TULONG! AHHHH!!" Saklolo nu'ng babae sa labas kaya dali-dali kong kinuha 'yung mga katana namin sa sulok. Kinuha ko na lahat, bale lima 'yun. Buti magaan lang 'to.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Where stories live. Discover now