X.Slaughter House: Enter or Leave (2 of 3)

595 19 1
                                    

A/N: Konti lang tong note ko ngayon. Nakakatamad eh. Basta comment. Sino may story dyan? Paplug naman oh. Please? Tsaka hahabaan ko ngayon. Kasi narealize ko na ang iiksi pala nung mga chapters natin. Hihi. Tsaka pano ba dumami ang reads ng isang story? Comment niyo nalang. Please? Survey lang din. May nagbabasa pa ba nito?

Jiroh's POV

Pinagpatuloy lang namin ang paglalakad matapos nilang kalabanin yung mga zombies kanina. Di namin namalayan na maggagabi na pala. So kanina pa kami naglalakad. Yung formation namin ngayon is nakapabilog at nakatalikod sa isa't-isa. Para in-case na may zombie sa likod namin may papatay sa kanya.

"Guys, mas magingat na tayo ngayon. Mas malalakas na ang mga zombies ngayon. Kasi kanina umabot ng dalawang saksak bago ko sila mapatay. Kapera na lang kung pinugot yung ulo katulad nung kay Jiroh."

Pagpapaliwanag ni Althea samin... Oo nga. Napansin ko din yun kanina. Nahihirapan sila sa pakikipaglaban sa mga zombie na yon.

"Parang may nakikita akong bahay dun sa banda don?" sabi saamin ni Almyra. Meron ngang bahay. Tapos may ilaw. May kalakihan yung bahay. Tapos parang may anino pa sa loob.

"May tao sa loob?" tanong ko.

"Well. Tignan na lang natin." Xiaoyou. Mabuti naman at nagsasalita na siya. Dati kasi para siyang pipi.

"Nakakakilabot naman tong bahay na to."  pagrereklamo ni Danielle pagkarating namin doon sa bahay.

Yung style ng bahay para syang gothic theme. Nakakatakot. Para syang SLAUGHTER HOUSE. Para din syang horror house na parang mansion na parang bahay ni Dracula.

Pagsamasamahin niyo yan. Basta yan lang ang kaya kong idescribe.

"Aaaaaaaahhhhh!!!!! Kyaaahhhhh!!!" dalawang magkasunod na sigaw ang nadinig namin. Sigaw siya ng babae.

"Kailangan na nating magmadali!" sabi ko sa kanila. Tumakbo kami papasok sa loob. Pero sa may pintuan may nakalagay na karatula.

"SLAUGHTER HOUSE: ENTER OR LEAVE." yan yung nakalagay sa karatula.

Parang dugo pa nga ang ginamit eh.

"Gross." sabi ni Althea sabay iwas ng tingin doon sa karatula.

"Tara na nga!" sigaw ni Danielle na para na siyang nasusuka.

Ako naman naduduwal na. Kasi hindi lang dugo ang nandoon. Yung mga laman loob ng tao parang ginawang design.

Yung puso nakasabit sa gitna. Yung bituka ginawang border. Tapos yung kidney tinusok doon sa pinaka pundasyon ng karatula.

Tumuloy na kami sa loob ng bahay. Pagkapasok namin doon biglang may pumalakpak.

*clap* *clap* *clap*

"Well,well,well. Pinili niyong pumasok ah? Sige. Hindi na kayo makakalabas ng buhay! Bwahahahaha!!!" sinasabi niya yun habang humahakbang siya papunta sa'min. Kandila lang ang meron dito. Pero may pumapasok din namang moonlight dito sa loob.

Teka, may napansin ako!.....

.

.

.

.

.

.

.

Kaboses siya ng kapatid ko!!! Wwaaahhh!!!

"Jao?! Ikaw ba yan!?" pagkatanong ko nyan sa kanya nakita ko na ang buo niyang mukha.

Oo nga. Si Jao nga 'to. Ang kapatid ko.

"Kamusta ka na Kuya?! Buwahahaha!! Or i should say Jiroh?!!!" parang nangaasar pa siya ng sabihin niya yan.

"Bakit mo 'to ginagawa ha?! Ikaw ba ang may pakana ng apocalypse?! Anong ibig sabihin ng Slaughter House na 'to? Bakit mo to ginawa ha?!! Jao! Sumagot ka!" naghihisterikal na sabi ko sa kanya. Di ko na napigilan ang sarili ko.

"Hindi. Pwedeng. Sabihin. Ang. Kahit. Ano."

"Jao! Sumosobra ka na!"

"Wala na kong pakialam sa 'yo JIROH. Tutal pumasok kayo dito.. Kailangan niyo kong sundin bilang boss ng lugar na 'to."

"Anong kailangan mo sa amin ha?!" sigaw ni Althea sa kapatid ko pero bakas sa mukha niya ang takot.

"Simple lang. Ang BUHAY niyo." parang nababaliw na ang kapatid ko.. Hindi. Hindi na siya si Jao. Hindi na.

"Hindi na ikaw ang kapatid ko!!!!"

"Talaga? All people change Jiroh."

"Humanda ka sa'kin!!" ngayon galit na galit na ko sa kanya. Nakayukom na ang kamao ko at handa nang sugurin siya.

Pero pinigilan ako ni Danielle.

"Wag mong gagawin yan. Diba siya ang boss dito? Baka kung ano pa ang magawa niya sa atin." sabi sa akin ni Danielle. Buti na lang meron akong kaibigan na nagaalala sakin at samin.

"Oo nga tama siya Jiroh. Baka mamaya hindi mo alam ang kaya kong gawin? Buwahahahaha!!" nangaasar na naman siya.

"Simple lang ang larong ito. Pero mahirap laruin. Pagpasok natin sa pinaka main part nitong slaughter house may malaking arena doon. At tinatawag siyang pandemonium. Sa loob nito ay may 100 zombies. Bawat isa sa inyo ay kailangang pumasok at pumatay ng zombies. Pipila kayo sa entrance ng pandemonium. Pagkapasok niyo doon sasabihin niyo kung ilang zombies ang kaya niyong patayin. Hindi niyo na itong maaaring bawasan pero pwede niyo itong dagdagan. Habang nasa loob kayo, kahit anong weapon ang gamitin niyo pwede. Pero yun ay kung may dala kayo. Bumunot na kayo dito. Oh." mahaba niyang paliwanag sa amin.

Medyo mahirap para sa akin ang larong ito. Kasi hindi mo alam kung gaano karaming lakas ang maiipon ko pagkalabas ko ng pandemonium.

Nakabunot na kaming lahat.

Ako-3

Danielle-1

Almyra-5

Althea-2

Xiaoyou-4

Yan yung order namin.

"Merong mga class ang mga zombie na yan. C-class: Pinakamahina sa lahat. Mabagal maglakad pero sa isang kagat nito ay pwede ka nang maging zombie ano mang oras.

B-class: Aabutin ng dalawang saksak bago mo sila mapatay. Mabagal sila at mahina ang pinsala.

A-class: Ito ay napakalaking zombie. Napakahirap nitong patayin. Mabagal din sila pero malaki ang pinsala.

S-class: Ito ang pinakamalakas na zombie sa lahat. Dahil bukod sa higante ito, kadalasang meron din silang dalang kahit anong klaseng sandata. Mabibilis sila at malaki ang pinsala." ganon pala yonn.

Let the game begins!!
A/N: Sorry kung sobrang iksi lang nito. Pagpasensyahan niyo na.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Where stories live. Discover now