XIII.Strauss Siblings

504 14 0
                                    

A/N: Sorry kung short UD lang 'to ah? Kasi may lagnat ako eh. Pinilit ko lang na magUD para sa inyo. Tsaka in one day na hindi ako makapagUD, malaki ang binababa natin sa ranking. Huhu. T^T Oo nga pala yung sa dedication ni ate JM (ATeddyLover) sa last chapter next time ko na ilalagay wah? Nakaphone pang ako eh. :)

P.S. Pagpasensyahan niyo na, sabog kami ngayon ni @HanzMae eh. XD Nakahithit daw ako ng blueberry cheesecake and frappè! Wahaha XD Oh tama na. Jeward ang korni mo! XD

Jiroh's POV

Kakagising ko lang, pero napakasakit ng ulo ko... Wala akong matandaan... Bakit ako nakahiga dito? Bakit sila nakatingin sa akin at parang alalang alala? Bakit? Ano bang nangyayari? Uggh. Ang sakit ng ulo ko.

Unti-unti ko nang iminulat ng buo yung mata ko... At bigla nalang akong niyakap ni Almyra. Ano bang nangyayari? Ang sakit ng ulo ko!

"Thank God! Buhay ka pa at hindi ka naging zombie! Salamat! Kala ko hindi na kita makikita eh?!" maluhaluhang sambit sa akin ni Almyra. Ano ba talagang nangyayari?! At niyakap pa ko ng mas mahigpit. -_-

"A-ah! Masakit!" sabi ko sa kanya sabay kalas niya sa akin. Para na kong mapipitpit dahil sa sobrang higpit nang pagkakayakap niya. Dagdag mo pa yung sakit ng ulo ko... Pero unti-unti na siyang nawawala... Gumagaan na ang pakiramdam ko...

"A-ay s-sorry..." nahihiya pa niyang sabi sa akin. Namumula na siya ngayon. Pulang-pulang na...

"Teka nga! Ano ba talagang nangyayari?" tanong ko sa kanila. Naguguluhan na talaga ko. Wala akong maalala...

"Wala kang maalala?! Nakagat ka kamo ng class-A sa loob ng pandemonium. Pero may nakita kang anti-zombie virus kaya tinurok namin 'to sa'yo pero nahimatay ka na lang bigla kasi eh." pagpapaliwanag sa'kin ni Danielle habang nagkakamot ng ulo.

"Ah. Ganon ba? Pasensya na kayo wah? Teka nasan si Xiaoyou?" pagtatanong ko sakanila. Nakapagtataka. Di kaya pumasok na siya sa loob? Pero bakit ang tagal niya? Pakiramdam ko 2 oras na kong tulog eh.

"Bakit siya pa ang hinahanap mo? Ako nga 'tong nagalaga sayo tapos babalewalain mo lang ako? Dyan ka na nga." waysus nagselos pa. Tinatanong ko lang naman eh.

"Teka lang Almyra nagtatanong lang ako. Ikaw naman oh. Halika na dito." sabi ko naman sa kanya... Mukhang kinilig pa ang luka. XD Pero aaminin ko ang cute nya kanina... XD

"Pasalamat ka gust--"

"Gusto mo si Jiroh ate?! Wahahaha. XD pakipot ka pa kasi eh!" pagpuputol ni Althea sa usapan. Gusto niya ba talaga ko? Oh manhid lang ako? Readers! patulong nga?

"H-hinde a-ah!" mautal utal niyang sagot sa kapatid niya.

" Eh bakit namumula ka?!"

"Ah... ehh... masakit ang ulo ko." palusot.com.ph palusot pa halata naman. Wahaha. XD

"Masakit ba ulo mo?" tanong ko kay Almyra dahil nung hinawakan ko yung kamay niya medyo mainit nga. Hindi naman pala nagpapalusot eh. Totoo naman pala eh. Nakoo~

"Ah... m-medyo.." tugon naman niya sa'kin.

"Danielle, kumuha ka ng tubig at tsaka pagkain baka nagugutom na siya!" utos ko kay Danielle na nagmamadaling tumakbo sa mga bag namin. Si Althea naman nandito sa tabi ng ate niya.

"Oh eto tubig oh... Ah... eh... Jiroh.. naubos ko na yung pagkain eh..."

"Ay.. Takaw mo talaga! Buwisit ka." sabi ko sakanya sabay kuha doon sa tubig. Pinahiga ko muna si Almyra. Buti may sofa dito. Kasi may room kami dito. Tatawagin nalang kapag ikaw na maglalaro. Pero di ata kayang maglaro ni Almyra... Ako nalang ang papalit sa kanya.

"Salamat sa pagaalaga sa akin kanina ah... Ngayon ako naman ang magaalaga sa'yo." bulong ko sa kaliwang tenga niya..

"Uuhh...ughh. Ang sakit ng ulo ko..." sabi niya sa akin na halatang nahihirapan. Nako. Wala pa naman kaming gamot dito. Huhu. T^T Sinapo ko ang noo niya. Mainit na nga siya ngayon kumpara kanina.

"Dyan ka lang babalik ako."  pumunit ako sa t-shirt ko at binasa dito sa lababo.

Ilalagay ko sa ulo niya.

"Oh... eto.. Lalagay ko lang sa noo mo ah? Wag mong tatanggalin." nilagay ko na yung telang basa sa ulo niya. Ang init na niya.

"S-salamat...Uggh.."

"Don't push yourself too hard.." sabi ko sa kanya dahil susubukan niyang tumayo..

"Sleep tight." hinalikan ko siya sa kanyang noo. At pinatulog ko na siya.

"It's a game over for Xiaoyou Lee. Once again it's a game over for Xiaoyou Lee. Chinallenge niya lahat ng zombies at nakain siya. Pero tulad ng nasa rules lahat ng chinallenge mo mawawala kapag natalo ka. Magaling Jiroh. You and your team manage to survive the Pandemonium. Pwede na kayong pumunta sa pintuan dyan sa dulo ng room niyo at kuhain niyo ang prize at ang susi ng van ko. Nandyan din ang strauss siblings. Alam ko din naman na nabuhay ka sa kagat ng zombie na nakalaban mo. Pero pababayaan ko na 'yun" sabi nung speaker at tuluyan na kaming pumunta ni Danielle sa pintuan doon. Binantyan muna ni Althea ang kapatid niya.

Pagkabukas namin ng pinto may dalawang bata doon...

A/N: Sorry kung sabaw. Pagpasensyahan niyo na.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Where stories live. Discover now