VII.The Ambush

806 17 1
                                    

A/N: Sorry kung natagalan sa paguupdate! kase naman na-confused ako kung uulitin ko ba o aayusin ko nalang yung story! May inedit ako hah? Basta tinatamad akong mag a/n ngayon. Ewan ko kung bakit. Wahahaha. Enjoy reading nalang.

Jiroh's POV

Isang linggo na rin pala 'nung nagsimula ang apocalypse na to. Pero ilang araw pa lang namin silang nilalabanan. Parang sumusuko na kami. Ilang araw na rin kaming nandito sa Archaedia town. Ang lugar kung saan tahimik,malinis, payapa, malayo sa apocalypse.

May sarili silang kuhaan ng pagkain ng tubig. Lahat ng kailangan mo nandito na. Masaya nga dito eh. Halos lahat ng tao kilala ko na. Nawala na rin yung pagdududa ko kay Dra. kasi ang sama ko naman kung iisipan ko pa siya ng masama. Ang pinagtataka ko lang naman eh, Kung bakit parang walang zombie dito. Hindi naman sa gusto ko pang makakita ng zombie. Kasi, kasi naman.

.

.

.

"Jiroh!! Tara na sa restaurant. Kakain na daw sabi ni Ate!"

Si Althea pala. Di ko namalayan kanina pala ako nakahiga dito. Ang lalim ng iniisip. Tapos yung kasama naming isa na si Xiayou minsan lang magsalita. Kasura nga eh. Para tuloy may kasama kaming bangkay. Kapag magsasalita 'yun parang may pumipigil sa kanya. Hahaha. Joke.

"Sige! Susunod na lang ako! Mauna na kayo." bumaba na ko ng hagdan pagkatawag sa akin ni Althea. Dumeretso ako sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos, pumunta na ko dun sa restaurant kung nasan sila Almyra. Hindi naman talaga siya totally restaurant na parang jollibee, para siyang canteen na kainan ng mga tao dito.

Pagkabukas ko 'nung salamin na pinto, sila kagad ang bumungad sa'kin. Nandun sika sa bandang kaliwa at kumakain na. Si Danielle kasama na din nila. Kumain na rin ako ng almusal pagkatapos no'n.

"Sabi sakin ni Dra. pumunta daw tayo sa kanya mamaya after breakfast." sabi sa amin ni Almyra.

Nagsitanguan naman kaming lahat sa sinabi ni Almyra. Ang ulam namin ngayon, scrambled egg at tig-iisa kaming hotdog. Kailangan din kasing magtipid, dahil sa dami ng tao dito. Siguro 70+. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-anong bagay, random stuffs kumbaga.

"Jiroh at Danielle, gaano katagal na kayong magkaibigan?" Tanong ni Althea sabay subo ng kanin sa kanyang bibig.

"Matagal na! Simula pagkabata magkasama na kami niyan. Kapag lilipat siya ng school, lilipat din ako, tapos hindi pwedeng hindi kami magka-section. Hahaha! Hanggang ngayong college kami, magkasama pa din kami. Siguro mga 13 years?" Mahabang paliwanag ni Danielle sa kanila habang tumatawa.

"Ang tanong ko lang naman kung gaano kayo katagal na kayong magkasama, haba-haba ng sagot. Tsk. Hahaha! Pft." Nambabarang tugon ni Althea sa sinabi ni Danielle. Napakamot naman ng ulo si Dan dahil doon.

"Hahahahaha! Boom sabog!" Tumatawang sambit ko kay Danielle, sinamaan niya naman ako ng tingin. Para tuloy siyang batang inagawan ng lollipop at lobo. Hahaha!

Tawa din ng tawa 'yung mga babae dahil sa pagkakapahiya ni Danielle. 'Yung mukha kasi niya 'nung binara siya, priceless, kaya sobrang nakakatawa.

"Shh. Tara na guys. Hahaha. Pft. Tara na. Punta na tayo kay doctora. Pfft." Nagpipigil ng tawa si Almyra habang sinasabi niya 'yan. Ang cute tuloy niya.

"Tara na." Sabi ko sa kanila at tumayo na sa upuan ko. Nag sitayuan naman sila pagkatindig ko sa upuan ko. 

Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng restaurant-canteen.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Where stories live. Discover now